Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 80 - SPADE's PLAN

Chapter 80 - SPADE's PLAN

SPADE's POV

Wednesday.

Nakaupo ako ngayon sa office. Naghihintay ako as usual sa kung ano na ang progress ng mga pinapagawa ko sa aking mga tauhan.

At sa totoo lang, nababagot na ako sa kahihintay dito.

Ilang saglit pa, pumasok ang secretary ko.....

"Mr. Black, pinabibigay po ng isa sa mga tauhan mo"

Iniabot n'ya sa akin ang isang brown envelope.

Then I saw the pictures.

"okay you may go" sabi ko sa secretary ko.

Tiningnan kong mabuti ang mga pictures.

So...Eto pala ang bahay ni Nathan.

Nakita ko rin sila Aikka na papasok na sa maliit na bahay na iyon. May mga bata din silang kasama.

Tapos.....

Napansin ko ang isang picture ng lalaki. I think its Nathan's dad.

"oh..he looks familiar to me" sabi ko.

Tinawag ko ulit ang aking secretary para iabot ang new phone ko. Inutusan ko ang isa sa pinakamagaling kong investigator to dig into this old man's past.

Wala lang, hindi ko lang gusto ang mukha niya kasi parang may hindi ako magandang ala-ala sa matandang ito. I just wanted to make it sure.

Anyway, pupunta na muna ako ng SA. I need to talk to some of my friends there. May plano kasi ako para sa Friday.

"Simon, pakihanda na ang Lambo ko, pupunta muna ako ng SA saglit bago dumiretso ng airport." sabi ko.

"opo, masusunod po Mr. Black"

Hay, isa din tong Chairman ng Moon Corp eh. Andami-dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa ang isang iyon..mapipilitan tuloy akong lumabas ng bansa mamaya.

~•~•~•

Sa SA.

Pinapunta ko sa rooftop ang soccer teammates ko.

"bro, bakit mo ba kami pinapunta dito?" sabi ni Viel habang inaayos-ayos ang buhok niya.

"may favor lang sana akong hihingin sa inyo" diretsahang sabi ko.

"ano ba kasi iyon bro?" Karlos na parang naiinip na.

Kanina pa ata sila naghihintay dito kasi nagtext ako sa kanila bago umalis ng office.

"you know, minsan lang akong humingi ng favor kaya sana...pagbigyan niyo ako" seryosong sabi ko.

Dahil doon, nakuha ko rin ang loob nila.

"okay bro, basta ikaw" sabi ni Karlos.

"tama" sabi naman ni Viel.

Mabuti.

At handa na ring makinig ang iba.

"gusto kong magtapat kay Aikka and I wanted to surprise her" sabi ko.

Nang sabihin ko iyon.

Napangiti silang lahat sa akin. Teka, may nakakatawa ba akong sinabi at ganon ang mga reaction nila?

"talaga? ayiie!"

Tae. Para lang mga bading.

"really? seryosohan na ba iyan bro? kasi sa pagkakatanda namin, you never exert some effort to other girls that you've dated before" Jacob.

Napangiti na lang ako sa mga sinasabi nila.

Tama nga rin naman sila kaya maswerte si Aikka kasi sa kanya ko lang ito gagawin.

"I think that our brother is maturing na. Are you finally inlove Spade?" nakaakbay na tanong naman sa akin ni Ted.

Dahil sa narinig ko, biglang napakunot ang aking noo.

Inlove?

Baliw ba sila?

Kapag nag-effort inlove agad?

Hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang mapadali ang plano ko kay Aikka?

Heh! Oo maganda si Aikka.

At naiiba siya sa ibang babae.

But Falling in love with her? It's a joke.

""uy! hindi makapagsalita, tinamaan ka na nga sa Miss Masungit na iyon. Hay naku, alam mo ba, na iyan ang pinaka-kahinaan nating mga lalaki? tsk..tsk..don't worry bro, andito kami para suportahan ka." .

"tama si Karlos bro, kaya handa na kaming tulungan ka."

"salamat. Maasahan ko talaga kayo" sabi ko tapos nagsimula na akong maglakad.

"hey! bro, wait lang...aalis ka na?" bigla namang tanong ni Viel sa akin.

"oo, why?"

"anong why? it doesn't mean na we will support you eh iiwan mo na kami para mag-isip kung anong dapat gawin. Well bro, SUPPORT nga di ba? saka kilala mo kami...pagdating sa ganyan, hindi kami sanay so....it will be your idea bro, not ours" sabi niya.

Bwiset.

"kahit simpleng surprise lang? ano ba kayo, mga lalaki ba talaga kayo?" sabi ko.

"of course we are.....pero casanova nga kami...remember?" Karlos.

Oo nga naalala ko. Sila pala ang kilalang mga babaero sa academy.

"so ano ba ang plan mo?" Jacob.

Napaisip tuloy ako. Ano nga bang magandang surprise para kay Aikka. Yung sa paraan na masasabi niyang genuine ang feelings ko for her?

"alam ko na! sa beach" sabi ko.

"beach? ano namang gagawin mo sa beach? sasayaw ka ng Macarena?" tapos nagtawanan sila.

Hay, ang hirap talaga nilang kausapin pagdating sa mga ganitong bagay.

"hindi! please be serious okay? at may pupuntahan pa ako" sabi ko.

Kaya naging seryoso naman sila bigla.

"okay, I wanted you guys to form an "i love you" phrase. Yung makikita mula sa taas, ako na ang bahala sa ibang details" sabi ko.

"iyon lang? easy!! marami akong mga kaibigan kaya no worries" Ted.

"just make it sure, aasahan ko kayo dyan huh?"

"kailan mo ba planong gawin iyon?"

"sa Friday, pagbalik ko"

"okay! save the date guys! so ano, pwede na ba kaming bumaba?" Viel.

Sinenyasan ko na lang sila. Hay, nakakapagod talagang makipag-usap sa mga katulad nila.

Bumaba na rin ako nang makaalis na sila.

Kailangan ko pang pumunta ng China ngayon.