Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 74 - CONFESSION?

Chapter 74 - CONFESSION?

Pumasok na si Abby sa loob at lumapit sa amin.

"magsasaing ka na? ako na dyan" sabi naman ni Abby.

Nashook ako kasi she offered to do it. Teka, kailan pa siya natutong magluto? Noon kasi, wala iyang kaalam-alam sa mga bagay na ganyan.

"teka, ayos lang naman kung_"

"no, let me do it instead" serious na sabi ni Abby kaya ipinaubaya na ni Nathan ang pagsasaing.

Takot lang niya ata kay Abby. Hehe.

Few minutes after, naramdaman ko na lang ang malakas na hangin sa likod ko.

"hindi ba kayo naiinitan? eto ang electric fan oh. Pagpasensyahan niyo na kung medyo sira na't hindi na nagalaw ang ulo. Nastiff neck kasi ata ang electric fan na ito." biro ni Nathan.

"don't worry, I just texted Jotham to buy us another fan since marami tayo dito." Abby tapos umupo na siya.

"buti at nakaabot ang kuryente dito?" sabi ko.

"oo nga eh, salamat sa aming butihing kapitan dito. Sa totoo lang, kumpare kasi iyon ni tatang kaya medyo malakas kami sa barangay namin"

"ang galing naman. Siya nga pala Nathan, hinog na ata 'yung jackfruit sa labas." sabi ko kasi natatakam na talaga ako dahil sa amoy nito.

"o sige..teka at magbibihis lang ako. Baka kasi matalsikan ng dagta ang damit ko eh"

"okay. Thank you Nathan" me.

Pumasok na siya sa kwarto nila. May iisang kwarto kasi itong bahay nila tapos salas na diretso kusina.

Napatingin ako sa sinaing. Wala nang apoy kaya lumapit ako doon at pinaypayan ito.

Shocks! Dahil sa ginawa ko, umusok ng sobra kaya medyo napaubo ako.

"Aikka, ayos ka lang?" Abby tapos lumapit siya sa akin.

"yes, I'm fine" me habang naluluha dahil sa usok.

Kinuha ni Abby 'iyong pamaypay.

She fanned it with her force kaya mabilis itong nag-apoy.

"ang galing mo talaga Abby."

She just winked at me tapos umupo na ulit siya sa upuan.

"teka...sino sa inyo ang gustong maghalf bath mamaya? may banyo naman sa labas at iigiban ko na lang kayo ng tubig"

"good idea Nathan." sabi ni Abby.

Of course, importante talagang maghalf bath before matulog para fresh.

"okay, may balon naman din kasi sa bandang kakahuyan. Pwede iyong panligo." tapos bumaba na si Nathan at sinungkit ang napakalaking langka.

Yum! Excited na akong kainin iyon. Isa kasi iyon sa favorite fruit ko eh.

Dinala niya ito sa itaas at tinakpan muna.

"sige, maiwan ko muna kayo dito at mag-iigib lang ako" him.

Ay, aalis siya?

"wait...pwedeng sumama? gusto ko ring kasi makita kung ano ang itsura ng balon na sinasabi mo" me.

"hindi ka pa nakakakita ng balon?" medyo gulat na ask niya.

I nodded...kasi wala naman iyon sa amin eh. Puro water tanks lang ang nakikita ko.

"okay, pwede kang sumama basta magsusuot ka nang pajamas kasi malamok doon. Magjacket ka na rin."

"okay. Just wait a minute."

Dali akong kumuha nang isusuot ko at nagbihis na.

"how about you Abby? hindi ka sasama?" ask ko.

"I'm gonna stay here Aikka kasi babantayan ko pa itong sinaing" her.

"okay. We'll be back" sabi ko.

"Dapat lang..and Nathan, take good care of her. Huwag kayong magpapagabi doon" Abby na parang mommy ko kung magbilin.

"huwag kang mag-alala Abby, malapit lang naman ang pupuntahan namin eh. Ano Aikka, ready ka na?" him.

"yup!"

Lumabas na kami ng bahay at naglakad na papunta sa kakahuyan.

"siya nga pala Aikka, gusto ko lang sabihin ito sa'yo...thank you!" biglang sabi ni Nathan habang naglalakad kami.

"salamat saan?"

"for everything"

"ako dapat ang magthank you sa iyo kasi pumayag kang sumama kami dito" me.

"masaya nga ako na sumama kayo dito eh. Lalo na ikaw"

Kilig sa gilid!

Hanggang ngayon talaga, kapag may sinasabi siyang magagandang bagay patungkol sa akin, bigla talaga akong kinakabahan. Ewan ko ba! ang bilis na naman ng heartbeat ko.

"alam mo bang dito kami nagtatagu-taguan ng mga kapatid ko noon?" nakangiti niyang kwento sa akin. Nasa loob na kasi kami ng forest this time. Medyo dumilim na kasi ng konti sa paligid.

"Buti at close kayo ng mga kapatid mo noh?" sabi ko.

"oo naman. Ganon ako ka-cool" proud na sabi niya.

And totoo naman.

"Honestly, you're the coolest guy that I've ever met" sabi ko.

Mas lalo siyang napangiti ng sabihin ko iyon.

"wow...coming from you." mahinang sabi niya.

"alam mo, nasabi ko sa isip ko kanina na you're so fortunate dahil may ganito kang klaseng life...'iyong tahimik lang and masaya. Nakakainggit nga eh kasi biniyayaan ka ng perfect na family" me.

"Perfect? (he smiled) Aikka, sa totoo lang..wala naman talagang perperktong pamilya. Siyempre, tao lang tayo...nagkakamali rin kaya minsan, hindi talaga maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan"

"well at least, may misunderstanding man...masaya pa rin kayo..yung chill lang" me.

"sa bagay, pero alam mo ba kung ano ang magandang bagay na natutunan ko mula kay tatang?"

"ano?"

"iyong pagiging humble. Kasi sabi n'ya na kapag natutunan mong maging mapagkumbaba, kahit na hindi mo kasalanan, ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para maayos ang hindi pagkakaintindihan niyo, katulad din sa isang relationship..... importante ang humility ng bawat isa kasi kapag pride na ang umusbong ..mahirap talagang kalabanin iyon..not unless kung gagamitin mo iyon sa paglalaba" him jokingly kaya napangisi ako.

Peacock naman. Kahit medyo corny ang jokes niya, pasadong-pasado pa rin sa akin eh!

bwahaha..kung andito lang si Elaine...naku, nakurot na ako nun sa gilid.

Well, seryoso na..

Habang nakakasama ko si Nathan...mas na-aappreciate ko ang mga principles niya sa buhay. I mean, I can say na he's not the guy na basta-basta mo lang makikilala sa tabi-tabi. Para siyang isang treasure na hidden at ang makakahanap lang sa taong kagaya niya ay iyong may hawak ng map.

"ah teka lang Aikka"

Nagulat ako kasi bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

Peacock!!! Is he going to propose to me?

Agad-agad?

Nakatingin kasi siya sa akin this time eh.

"ah....itatali ko lang ang sintas ng sapatos mo, baka kasi madapa ka"

Ay.... assuming lang pala ako.

"a_ako na Nathan, nakakahiya naman sa iyo"

"okay lang Aikka, hayaan mong gawin ko ito para sa iyo." tapos inayos niya ang shoelace ko.

Then, I realized ulit na....

Ano kaya kung umamin na ako sa totoong feelings ko for him?

Ang kaso... hindi pa niya ako tinatanong ulit eh.

Wait, what if ito na pala ang perfect timing?

What if, naghihintay rin pala siya na sabihin ko ang totoo kong feelings for him, ngayon?

Kasi siya, nagpapakatotoo na siya eh.

How about me? Maybe, I need to confess to him right now.

Tama.

Shocks! Pero bakit parang nahihiya ako?

Naku naman, bahala na nga! Hindi talaga ako mapapakali hangga't hindi ko ito ginagawa kaya I need to do it now.

"Nathan..."

"oh, bakit?" him tapos tumayo na siya.

Inhale....Exhale...

Sasabihin ko na bang mahal ko rin siya?

Shocks!

"ano iyon Aikka?" him tapos tiningnan niya ako sa aking mga mata.

Peacock.

"tayo na"me.

Napapikit ako saglit. Ayokong makita ang reaction niya kasi kinakabahan talaga ako! Ano ba...

"ah....nakatayo na ako Aikka." him.

Ano? di niya nagets?

"tara na Aikka, malapit na tayo sa balon. Baka kasi magalit si Abby sa atin kapag natagalan tayo" him tapos nagsimula na siyang maglakad matapos bitbitin ulit ang dalawang balde.

Napakamot tuloy ako ng di oras.

Biglang nasira ang moment na iyon eh. Peacock naman, tama naman ang pagkakaksabi ko eh.

"ayos ka lang Aikka?" tanong niya ng mapansing malalim ang iniisip ko.

"ah...yes, don't worry" me.

Related Books

Popular novel hashtag