NATHAN's POV
MONDAY ngayon at kababangon ko lang.
Hay! ang gaan sa pakiramdam.
Kaya ngumiti ako habang ninamnam ko ang sinag ng araw mula sa bintana.
Teka, ano na bang oras?
Kinuha ko ang aking cellphone sa gilid. May message kaya binasa ko ito.
From: mahal
Nathan mga 1 pm pupunta kami dyan s apartment mo. Mghanda ka n rin ng mga dadalhin mo. Pupunta tayo s inyo using our ZR2.
Napabangon ako dahil sa aking mga nabasa. Mukhang tinotoo nga nila 'yung napag-usapan noong nakaraang araw na magbabakasyon sila sa amin.
Kaya agad akong napabalikwas at naghanda na ng mga dadalhin ko.
(tumunog ulit ang phone)
From: mahal
(Teka. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na hindi ibang babae ang nagtetext sa akin. Si Aikka iyon at mahal lang ang nakasave na name nya sa cp ko.)
Haha. Cheesy noh?
From: mahal
magrogrocery pala kmi n bes.T ngyon. Pkisabi n lng kung ano ang ipapabili mo ska yung mga pwdng ipasalubong s mga kpatid mo. :)
Pasalubong?
(naalala ko tuloy 'yung mga sinabi ng kapatid ko)
Mac-mac: kuya babalik ka na doon? ma-mimiss ka namin ni ate.
Jonamee: oo nga kuya...pag balik mo, pasalubong huh?
"walang problema..ano bang gusto nyong pasalubong?" nakangiti kong tanong.
Mac-mac: simple lang naman kuya
"oo sige, ano nga iyon?" tanong ko.
Mac-mac: bike kuya....as in bike
Jonamee: wow, may pa as in..as in ka pang nalalaman Mac-Mac ah
"ah...eh...hehe...bike?" napakamot ako sa aking ulo.
Jonamee: hindi naman kasi simple ang hinihingi mo Mac-mac eh..
Mac-mac: gusto ko bike iih...sige na kuya huh?
"ah...pagkain? wala ka bang gustong pagkain?"
Mac-mac: okay lang na walang pagkain..basta may bike...
Jonamee: naku kuya, huwag mo na lang pansinin si Mac-mac. Bilhan niyo lang po iyan ng maraming tinapay. Makakalimutan na niya ang bike.
"naku, talaga itong bunso namin, hayaan mo..pag-iipunan ko iyang bike mo" tapos ginulo-gulo ko ang buhok niya.
"talaga po kuya?"
"oo pero sa susunod na pagbalik ko, tinapay na muna ha?" sabi ko.
"okay lang po kuya basta bibilhan niyo po ako ng bike sa tamang panahon"
Napangiti ako kay Mac-mac, kahit grade 2 pa lang siya, parang mature na siyang mag-isip kaya mahal na mahal ko ang bunso naming iyon eh.
Jonamee: basta sa akin kuya, 'yung tsokolate lang po, ayos na ayos na iyon sa akin
"sige..hayaan niyo, bibilhan ko kayo ng maraming pasalubong na pagkain..yung magsasawa kayo"
(end of flashback)
Nagreply ako kay Aikka, sinabi ko na 'yung tinapay lang at chocolate ang bilhin niya. May naitabi pa naman akong pera dito eh kaya mababayaran ko pa si Aikka ..total naman, hindi na ako gagastos ng pamasahe ko kasi may sasakyan silang dala.
Mabilis ngang lumipas ang oras at nagsidatingan na sila sa apartment na tinutuluyan ko. Sakto namang kararating lang rin ni auntie kaya may maiiwan na dito.
"aba..saan ang punta nyo?" tanong ni Auntie ng makapasok na sa loob dala ang mga basket at supot.
"ah.. sa bahay po tita...sasama daw po sila sa bukid" sabi ko.
"ay ganoon ba? tamang-tama at tinatanong na ako ng tatay mo kung kailan ka daw ulit bibisita doon, aba eh...wala na ba kayong pasok ngayon?" tanong ni Auntie.
"wala po tita for one week, since sa academy po gaganapin ang interschool competition" sabi naman ni Aikka.
"ah...o siya, kung ganoon naman pala eh..humayo na kayo't baka magabihan kayo sa daan at mahirap na. Mag-iingat kayo ha? Kailan ba ang balik nyo dito?"
"sa Wednesday po tita" nakangiti namang sabi ni Elaine.
"oh Elaine? ikaw ba iyan?"
"opo tita! mano po" tapos lumapit siya at nagmano.
"pagpalain ka sana Ija"
Kaya gumaya na rin sila Abby, Jotham at si Aikka.
"mababait na mga bata...o siya, matutuwa talaga si Natoy kapag nakita kayo. Basta huwag kayong masyadong magpagabi sa daan ha?"
"sige po tita, bye po" sabi naman ni Abby.
"kaibigan, tulungan na kita dyan" sabi naman ni Jotham tapos dinala niya ang isang bag ko.
"sige kaibigan, salamat"
At nagpaalam na kami kay auntie.
Tapos sumakay na kami sa sasakyan nila Aikka.
Grabe! ito na ata ang pinakamasayang araw na nangyari ngayong taon na ito.
Kasi sa wakas, maipapakilala ko na rin si Aikka kay tatang kasama ang mga kaibigan ko.
"let's go!!" sabi ni Jotham ng makapwesto na ang lahat kasi siya ang nagmamaneho ngayon ng sasakyan.
Nasa front seat ako nakaupo kasi 'yung tatlong girls ay magkakatabi sa likod.
"so ano kaibigan, sa tingin mo, ilang oras ang byahe natin papunta sa inyo?" tanong ni Jotham habang nagmamaneho.
"kung sa bus, mahigit tatlong oras...pero kung gamit ito, depende sa pagpapatakbo mo"
"ah.., siguro 1 hour and 30 minutes..ano..okay na kaya iyon?" nakangiting sabi niya.
"ikaw ang bahala, basta hindi tayo madidisgrasya" sabi ko.
"huwag kang mag-alala kaibigan, expert ako sa pagmamaneho. Saka magandang gamitin itong Chevrolet lalo na kapag mabato ang daan."
"oy! oy! anong naririnig kong expert expert dyan?" sabi ni Elaine.
Akala ko nakikipagdaldalan siya kay Aikka, nakikinig rin pala siya sa usapan namin.
"bakit? may problema ba kung expert akong magmaneho ng sasakyan?" sabi ni Jotham.
"naku..naku.... stop saying it at hindi nagugustuhan ng tenga ko ang mga sinasabi mo. Saka kapag may nangyaring hindi maganda sa atin dito dahil sa pagmamaneho mo...lagot ka talaga sa akin" Elaine.
"guys....can you stop being so immature? akala ko ba na were doing this to be relaxed?" Abby na umiinit na naman ang ulo.
May mas malala pa pala sa pagkamainitin ng ulo ni Aikka.
"ah...pasensya na Abby" sabi naman ni Jotham.
Nang dahil doon, tumahimik ang loob ng sasakyan hanggang sa makatulog na sila sa likod.
(fast forward)
Lumipas ang dalawang oras, nakarating na rin kami sa wakas sa bahay. Medyo mabato kasi at mahirap ang daan papasok sa amin kasi bihira lang itong dinadaanan ng mga tao at sasakyan. Magkalayu-layo rin kasi ang mga bahay hindi katulad doon sa siyudad na dikit-dikit.
"guys we're here na" nakangiting sabi ni Jotham.
Bumaba na ako para madala na ang mga gamit sa loob ng bahay.
"kuya!!!!!"
Lumingon ako kasi boses iyon ni Mac-Mac.
"bunso! ano kumusta na?" sabi ko tapos agad siyang tumakbo at yumakap sa akin.
Nakita ko naman ang paglabas nila Jonamee at tatang.
"Nathan! anak!" lumapit din sila at isa-isa ko silang niyakap.
"kumusta na po kayo dito?" tanong ko kay tatang. Napansin ko kasing medyo nangangayayat si tatang.
"awa ng Diyos, maayos lang naman....teka, sino ang mga kasama mo?" tanong niya ng makita n'yang bumaba sila Aikka mula sa sasakyan.
"ah....mga kaibigan ko po" sabi ko.
"hello po....tatang" nakangiting sabi ni Aikka at nagmano agad siya kay tatang.
"hello ija..." tapos tumingin si tatang sa akin. Nagulat ata siya kasi first time kong magdala ng babae sa bahay...este....mga babae....mga babaeng kaibigan sa bahay.
"hello po tito, naalala niyo pa po ba ako?" sabi ni Elaine matapos din niyang magmano.
Tiningnan siyang maigi ni tatang at pilit na inaalala ang mga nakalipas ng mga pangyayari.
"ah...teka, parang kamukha ka ni.....kamukha ka ni Inday Tasing....tama ba?"
Nang sabihin iyon ni tatang, narinig ko ang biglang pagtawa ni Jotham sa likod ni insan pero pinigilan niya iyon ng tingnan siya ng masama ni Abby.
"ah..eh...you don't need to emphasize tito..." medyo nahihiyang sabi ni insan.
Si tita Tarsing kasi ..(tita Tarz na lang para medyo modern pakinggan) ay nakababatang kapatid ni mama. Medyo maaga lang nag-asawa si tita kaya parehas na taon kaming ipinanganak ni Elaine. Magkaiba lang ng buwan kasi next month na ang kaarawan ko habang kay Elaine ay sa Nobyembre pa.
"tama nga! ang laki mo na Elaine....mas lalo kang gumanda ngayon...aba eh, kumusta na si Tarsing? nasa ibang bansa pa rin ba siya?"
Nakita ko ang mukha ni insan, hay naku, ito talaga si Elaine...ikinakahiya ba niya ang pangalan ng mama niya?
"ah eh...tatang, ang mabuti pa ho eh...papasukin muna natin sila sa bahay kasi malamok na po dito sa labas"
Napapansin ko na kasing kumakamot na si Aikka sa balat niya..baka masira't malagot pa ako sa daddy niya.