Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 69 - ONE WHO REMEMBERS

Chapter 69 - ONE WHO REMEMBERS

SPADE's POV

Nakatingin lang ako sa cellphone ko ngayon habang nakaupo sa swiveling chair.

I'm on my office right now.

Pinag-iisipan ko kasi 'yung mga nangyari kanina. Honestly, I didn't expect those things to happen. Hindi ko inaasahang malalaman agad nila ang tunay na identity ni Misy.

And that kiss....

(flashback)

"Spade, humarap ka sa akin"

Nung mga sandaling iyon, bigla na lang niya iyong sinabi sa akin and I don't have the idea why.

"huh?"

"I said, humarap ka sa akin"

And so, I just did what she said.

"After ng gagawin ko, pwedeng kalimutan mo ito agad?"

Then she kissed me.

She kissed me in the middle of the crowd.

(end of flashback)

Why?

Is she starting to like me?

After what she did...it keeps on repeating on my mind.

"Spade!!"

Tss. She's here again.

"Jenna, what's the problem?" sabi ko.

"anong what's the problem? don't pretend like you don't know everything!! ano ito?!!" ipinakita niya yung photo about sa nangyari sa amin ni Aikka sa oval.

"isn't it obvious? I'm kissing her" then I smiled.

"I know!!! and that's my point!!! why are you doing it?!!! nahuhulog ka na ba sa kanya?!!!" her na sobrang galit na naman.

Hay naku, kahit kailan talaga, hindi niya mapigilang hindi ako bungangaan sa isang araw.

"Jenna, listen....di ba ito ang plano natin? to make her fall in love with me and break her heart? I'm just doing what I'm supposed to do at saka she's the one who kissed me so would I reject that kind of blessing?" sabi ko habang nakangiti pa rin.

Of course, I feel happy kasi unti-unti nang nagwowork ang tunay na plan namin.

So, nang sabihin ko iyon, kumalma na siya.

"so...you mean, she's starting to like you?" her

"hmm.... ano sa tingin mo? anyway, one thing is for sure, I'm gaining her trust already. That's why I helped her kanina against kay Misy."

"what? so you mean..they knew already who really is Miss 3184?" her na medyo nagulat.

"hindi mo alam na nahuli na si Misy? I just thought na nagmamanman ka sa mga pangyayari? How can you enjoy my plot if you're not even paying attention on what's happening?"

She just rolled her eyes after I said it.

Minsan talaga, wala na sa lugar ang pagiging immature niya. Nakakawalang gana tuloy.

"okay? kung wala ka nang concern...you may leave" I said tapos kinuha ko iyong isang magazine sa gilid.

"dapat kasi sinasabi mo kung may changes sa plans mo para naman ma-aware ako. Unlike kanina...sa mga sinabi mo...I didn't expect you, helping Aikka."

"just trust me okay? Magtatagumpay rin tayo at nararamdaman ko na iyon. Konting tiis na lang...mapapabagsak din natin si Aikka at mararamdaman niya rin ang lahat ng sakit na dinanas mo noon okay?" sabi ko while I'm busy looking on the magazine.

"thank you brother! thank you for making me feel so special! ikaw lang talaga ang tunay na nagmamahal sa akin Spade"

When she said it, ibinaba ko muna ang aking hawak at tiningnan siya.

"Nagpromise ako kay mom na I will do everything just to protect you. Huwag kang mag-alala...no one will ever hurt you again my sister" then I patt her head.

Hindi pa rin siya nagbabago, she's still my sister who always run into me when she needs help.

Naalala ko tuloy nung elementary kami.

(a little flashback on Spade and Jenna's sad past)

Someone threw a stone on her and hit her head. Lagi kasi kaming inaasar ng mga bata noon na wala kaming mga magulang.

(Sa New World Academy pa kami nag-aaral noon at alam nila ang totoong background ng family namin.)

Si mom kasi ay namatay ng pagbabarilin siya ng mga magnanakaw. Gabi noon at parehas kaming nasa kwarto ni Jenna. Hinihintay namin ang tawag ni mom para sa dinner nang biglang nagmamadali siyang umakyat sa taas at pinatago kami sa loob ng malaking cabinet. Hindi ko alam kung bakit pero bago siya lumabas ng kwarto, pinagbitaw niya agad ako ng isang pangako....

Isang pangakong I will protect Jenna no matter what happens.

Umiiyak ako that time kasi pakiramdam kong iiwan na niya kami.

At tama ako, ilang minuto lang ang lumipas noon at narinig ko na ang putok ng mga baril.

Jenna also started crying kaya niyakap ko siya ng mahigpit trying to be brave. And that promise ....it keeps on repeating on my mind.

Kaya simula nang mangyari ang gabing iyon, natutunan namin ni Jenna ang isang bagay....

It will be the last time that we will cry for somebody else.

Kaya 'yung mga batang nanakit kay Jenna, ginantihan ko rin. Pinagbabato ko sila until they started to cry at doon ko lang narealize na gumagaan ang pakiramdam ko kapag may nakikita akong ibang taong umiiyak.

Nakakalimutan ko ang malabangungot na gabing iyon. Gabi kung kailan ang iyak ng mga bata at putok ng baril ang tumatak sa aking isipan.

"Again Spade....thank you" tapos nagsimula na siyang maglakad.

"by the way, sabihin mo kay tanda na hindi na niya kailangan pang pumunta sa meeting ng mga Board of Trustees bukas, may ipapadala na akong tao doon to represent him." sabi ko.

"copy.. kasi medyo hindi rin maganda ang pakiramdam ni dad these days eh" her tapos tuluyan na siyang lumabas ng office ko.

Well, about nga pala kay dad.

Sa totoo lang, hindi talaga kami close ng matandang iyon eh since iniwan niya kami at ipinagpalit si mom sa ibang babae.

Napilitan lang siyang alagaan kami when mom died.

At hanggang ngayon, nagdurusa pa rin kami sa ugali ng bago niyang kinakasama. But, hindi rin naman magtatagal ang babaeng iyon sa mansion eh kasi kusa rin siyang aalis days from now.

And about kay Aikka, darating din ang araw na iiyak siya sa harapan ng kapatid ko tulad nang ginawa niya kay Jenna.

I never saw Jenna cried again since our mom's death except when that ACCIDENT happened because of Aikka.