Nung makita ko siya.....para akong biglang nabingi sa katahimikan. Yung as in nashock talaga ako at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"gusto mo ba siyang mahabol or hindi? mamaya na natin pag-usapan ang mga bagay-bagay, we need to catch her first before its too late" sabi niya.
Kaya natauhan ulit ako.
"o_okay" sumakay na ako sa front seat katabi siya. After nun, she drived so fast kaya agad kong ikinabit ang seat belt ko.
Shocks! Hindi ako makapaniwala. Mas lalo tuloy akong naguluhan ngayon. How? I mean why? hindi....when did she know about this?
"Aikka just focus muna ngayon. Don't worry, hindi kami ang kalaban kundi si Mr. Black" mahinahong sabi ni Abby habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Abby, looks like may tama siya sa right arm niya" napalingon ako sa likod.
"Mr. Nerdy?" me na mas lalong ikinagulat ko.
"ah....yes Miss Montero" Jotham while smiling.
May dala siyang laptop tapos may katabi siyang.... GUNS?
Kailan pa siya natutong makipagbarilan?
"eto nga pala, iinject mo sa right arm mo para magnumb tapos itali mo itong bandage para hindi magbleed iyang gunshot wound mo" he said after niyang iabot ang syringe at bandage.
"okay? kindly explain to me why you are here?" me while performing self-treatment.
"well, magkasama kami ni Abby kaya ako andito" him.
Shocks..is that even an answer?
"300 meters away pa tayo Abby, you can take St. Francis Street tapos daan ka sa Block 6 ng Pelican St. to save some time." Jotham habang tinitingnan ang laptop niya.
So, he's like an agent sa movies na nagbibigay ng information about sa kung ano ang dapat gawin or saang direction dadaan.
"I just thought na kakampi nyo siya" sabi ko.
"sa tingin mo, tutulungan ka namin kung kakampi namin siya?" sabi ni Abby habang nakafocus pa rin sa daan.
"pero kinalimutan mo ako for how many years Abby so why would I trust you this time?" sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa kaya tumahimik bigla dito sa loob.
Not until may bigla nang namaril sa gilid ng kotse.
"she's with her friends" sabi ni Jotham.
Kaya mas pinabilisan pa ni Abby ang pagmamaneho.
"Hey, do you know how to use guns?" ask naman ni Jotham sa akin habang bitbit ang dalawang baril.
"No Jotham!.I'll let her drive" sabi ni Abby tapos tinanggal na niya ang kanyang seatbelt.
Shocks! I didn't say yes.
"bilis Aikka, palit tayo" she said after removing my seatbelt.
"shocks! but....okay!" me leaving me no choice kaya nagpalit na kami ng pwesto.
"Just drive, huwag kang hihinto" sabi ni Abby tapos kumuha na rin siya ng baril and started shooting.
Bwiset!
Why is this happening?
I just wanted to live my life normally and peacefully but why this?
"Abby sa harap!" sabi ni Jotham habang busy siya sa pamamaril sa likuran.
"I know, stop giving me instruction....just focus on what you are doing!"
"Aikka, turn left na sa St. Francis Street"
"okay" sabi ko.
Nang iniliko ko ang car sa left, natigil na ang pamamaril.
"ayos ka lang Abby?" worried na ask ni Jotham.
"yes" Abby habang nagrereload ng bala.
Peacock. Napahinga ako ng malalim.
(Until na makarating kami sa Pelican St.)
"100 meters away, be ready" sabi ni Jotham.
Napasapok ako sa aking noo while driving. Akala ko tapos na iyon...may kasunod pa pala.
"Aikka...listen, I don't know when will it end but promise me na tatapusin mo ito no matter what" Abby.
Why is she saying that all of a sudden?
Wait....
Matapos siyang biglaang magpakita sa akin, nagbabalak na naman ba siyang iwanan ulit ako?
No! I won't let that to happen.
"hey! you still need to explain everything to me kaya you'll promise me na hindi mo ipapahamak ang sarili mo dito" sabi ko sa kanya.
Nang sabihin ko iyon, she smiled.
Those smiles....
I missed seeing that smile.
"50 meters...." sabi ni Jotham tapos may bigla siyang inilabas na mas malaking armas.
"okay"
"w_wait. Seriously?" react ko.
"yes! seriously!!! haha!"
Then he started shooting the car kung saan nakasakay si Misy.
Pero ang boot lang ng car ang natatamaan niya.
And Misy also started shooting us.
Bwiset siya! Nang dahil doon, nagkabasag-basag na ang wind shield nitong sasakyan namin.
"I'll finish this up" tapos binaril ni Abby yung gulong ng sasakyan nila kaya nawalan ito ng control. Pumutok na rin ang tires sa left side ng sasakyan kaya bigla itong bumangga sa may poste sa gilid.
Nagbreak naman ako bigla kaya automatic na lumabas ang airbag sa harapan to protect our head.
Peacock! Naexcite lang ako ng konti kaya napabigla ang break ko. Sorry.
"ouch" sabi ni Jotham sa likod nang sumubsob siya sa may upuan sa front. Hindi pala siya nakaseat belt.
"grabe ka sa akin Aikka" him.
"Pa_pasensya na Jotham" me.
Nilingon ko si Abby, she's fine. Everbody's fine kaya bumaba na ako sa sasakyan at nilapitan ang kotse na sinakyan ni Misy.
Kahit na medyo papilay-pilay na akong naglakad, I tried my best na makalapit doon para hindi na siya makatakas.
Then I saw her, trying to get out from the car.
"buhay ka pa pala" sabi ko.
Ngumiti lang siya kahit na puno na nang dugo ang mukha niya dahil sa mga bubog galing sa nawasak na wind shield nila.
Umubo-ubo siya tapos pinilit niyang tumayo at maglakad papalapit sa akin.
"akala mo ba.....dito na ito magtatapos?" tapos idinura niya ang dugo sa bibig niya.
"I know, hindi pa, not unless marinig mo na ang paparating na mga police"
Speaking of... I heard the siren from the police cars coming to our direction.
"perfect timing right? Paano ba iyan, sa kulungan na ang bagsak mo.." sabi ko sa kanya.
Tumawa lang si Misy tapos tiningnan ang sasakyan nila Abby and Jotham.
"hey! anong ginawa mo?" me kasi masama na ang kutob ko sa mga tingin n'yang iyon.
Then the car suddenly blows up.
"surprise!!!!" her while laughing evily.
"Ab_by...!!!! no....." then my tears started to fall.