Chereads / Summaries Collection / Chapter 17 - 12

Chapter 17 - 12

THE SAWADA BROTHER'S STORY

Tapat siya sa tungkulin. Ang tungkulin na protektahan ang mga inosenteng mamamayan nang kanyang bayan laban sa mga mapang-abusong mga tao, kriminalidad at kung ano-ano pang dahilan para tapakan ang karapatan nang isang tao.

Namumuhay siya nang mag-isa. Seryoso dahil hindi marunong ngumiti man lang at dedikado pagdating sa kanyang trabaho o tungkulin bilang isang alagad nang batas.

May nakaraan na matagal nang ibinaon sa limot.

Ngunit...

Nagtagpo sila.

Siya at ang isang tao na akala niya ay hindi na muling makikita o magkrus ang mga landas nila.

"Mamili ka Mr. Sawada, ang tungkulin mo o ang taong iyan?"

"Ang taong iyan na marami nang sinirang mga buhay."

"Nangako ka! Sumumpa ka!"

"Sinungaling ka! Pinabayaan mo ako. Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko."

"Hindi totoo iyan."

Teiga Sawada