SI DESTINY AT SI TADHANA [KUWENTONG KAMBAL]
Ang kambal na nagkahiwalay at lumaki sa magkaibang buhay.
Ang isa ay salat sa yaman at pagkalinga ng magulang.
Nangangarap na kahit isang beses ay makalaya na sa hirap at pasakit at ang makatikim na ng ginhawa sa buhay.
Ang isa naman kahit nasa kanya na halos lahat ng pangangailangan ngunit nakakaramdam ng pangungulila at kagustuhan na kahit isang beses ay makalaya sa mundong kanyang ginagalawan.
Paano na lang kung magtagpo ang kanilang mga landas at magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawa?
Pipiliin na ba ng kambal ang Bagong Mundo?
Bagong Buhay? Bagong Kapaligiran? Bagong mga Kaibigan? Bagong Pakikipagsapalaran sa Buhay?
At higit sa lahat Unang Pagibig?
Subaybayan ang kuwento ng Kambal na may kasamang Lungkot, Saya, Aral sa buhay, Pag-ibig, tungkol sa Pamilya at Pagkakaibigan.