Chereads / Summaries Collection / Chapter 19 - 14

Chapter 19 - 14

SWITCHED

Bata pa lamang siya ay marami na ang nakakakilala sa kanya. Sa murang edad na walong taong gulang ay umaarte na siya sa harap ng Camera.

Kilala siya sa bansag na "Little Drama Princess" dahil sa kahusayan niya sa pag-arte kahit bata pa lamang siya noon. Hindi lang pag-arte ang talento niya. Mahusay din siyang sumayaw at umawit.

Isa siya sa "Top 10 Most Popular Rising Female Teen Star" nang kanyang henerasyon nang magtuloy-tuloy ang Career at kasikatan niya bilang isang Artista.

Lahat ay nasa kanya NOON.

Kagandahan, talento, pagiging matalino at kasikatan.

Subalit noong labing-walong taong gulang na siya, magkakasunod na trahedya ang dumaan sa kanyang buhay na nakaapekto sa takbo ng Career niya sa Showbiz.

Nawala rin siyang bigla ng walang pasabi at walang nakakaalam kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi rin alam ng mga taong nakakakilala sa kanya kung saan lupalop na ng mundo siya napadpad simula noong hindi na siya nakikita sa Television.

Hanggang sa tuluyan nang nakalimutan ng mga tao ang pangalan niya.

Bata pa lamang siya ay kung ano-ano nang masasakit na mga salita ang kanyang naririnig mula sa ibang tao.

Sungki, Boy-Labo, haba-baba, Mr. Pimples, lampa-yatot, putok sa buho. Sa madaling salita PANGIT.

Kahit matalino siyang estudyante mas lamang ang naranasan niyang mga panlalait sa buong pagkatao niya kaya siya sikat kaya naman ganoon na lamang kababa ang Self Confidence niya.

Naging mailap siya sa pakikisalamuha sa ibang tao nang dahil na rin sa mga naranasan niyang panlalait o pang-bu-bully.

Noong labing-walong taong gulang siya ay bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta o kung ano ang nangyari sa kanya.

Dahil karamihan nang nakakakilala sa kanya ay walang pakialam sa kanya kaya ipinagpalagay na lamang ng mga ito na patay na siya.

Dalawang magkaibang tao na may magkaibang mga buhay.

Ano na nga kaya ang nangyari sa kanila?

Nasaan na nga kaya sila ngayon?