Chereads / Summaries Collection / Chapter 23 - 18

Chapter 23 - 18

MY DEAREST ZOMBIE BOSS

Kamatayan...

Isang pangyayaring hindi maiiwasan nang kahit na sino sa ayaw mo man o sa gusto.

Ngunit hindi sa katulad ni Scythe.

Ang binatang matagal nang hinihintay at pinapangarap ang kanyang katapusan. Sa kasamaan-palad ipinagkakait ito ng Kapalaran sa kanya.

Ano nga ba siya?

Sino nga ba siya?

Bakit nais niyang lamunin siya ng lupa at tuluyang maglaho sa mundo?

"Nakakapagod!"

"Gusto ko nang matulog."

"Kailan ba ito matatapos?"

"Gusto kitang makilala. Gusto kong mahawakan ang iyong mukha. Gusto kong masilayan ang iyong ngiti, ang masilayan ang magaganda mong mga mata."

"Ngunit paano? Hanggang dito na lang ba ako?"

"Paano mamamatay ang taong matagal nang dapat namayapa?"

"Gusto ko pang mabuhay."