Chereads / Summaries Collection / Chapter 28 - 23

Chapter 28 - 23

NA-IN-LOVE AKO SA BEST FRIEND KO

Nagtagpo ang mga landas ng dalawang magkaibang-tao. Isang babae. Isang lalaki. Parang aso't pusa kung magbangayan sa una ang dalawa ngunit katagalan ng makilala na nang lubusan ang isa't isa ay naging matalik na silang magkaibigan. Habang tumitibay at tumatagal ang pagsasama ng magkaibigan kasabay din noon ang tila nagbabagong pagtingin ng isa sa kanila para sa isa ngunit dahil matalik silang magkaibigan naging mahirap para sa isa ang aminin ang totoo nitong damdamin.

Friendzone - Isang pangyayari na nararanasan ng isang tao kapag nagmamahal sa isang kaibigan na higit pa sa kaibigan ang turing ngunit ang maisusukli lang ng taong inibig ay hanggang kaibigan lang din at hindi hihigit sa pagmamahal nang isang kaibigan.

Sa takot na masira ang pagsasama ng magkaibigan sa oras na umamin ang isa kaya pinili na lang ng isa ang itago ang totoong damdamin nito para sa kaibigan at manatili sa tabi ng kaibigan na minamahal bilang isang Best Friend lamang.

Darating pa kaya ang araw na masasabi rin nang isa ang totoo nitong damdamin para sa isa? O palalayain na lang nito at kalilimutan ang damdamin nito para sa kaibigan at mananatiling Best Friend Forever?

Inspire sa Tula ko na "Na-In-Love Ako Sa Best Friend Ko" - Story na Poetic style.