Chereads / Summaries Collection / Chapter 21 - 16

Chapter 21 - 16

ESMERALDA [THE YOUNG MOTHER]

A Mother's Love. Isang dakila at busilak na pag-ibig na hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan o materyal na bagay.

Pag-ibig na magmula pa lang sa sinapupunan ay ipinapadama na ng isang ina sa kanyang mga anak.

May hangganan ba ang pagmamahal ng isang ina?

Wala.

Lahat kaya niyang gawin at ibigay para sa kanyang mga anak.

Maging ang kanyang buhay ay kayang ialay para sa kabutihan ng mga anak.

Napapagod ba ang mga ina?

Pisikal at kung minsan pag-iisip, Oo.

Ngunit hindi ang puso.

Esmeralda «» Nagmula siya sa isang mayaman at prominenteng Pamilya at solong Tagapagmana ngunit sabik siya sa pagkalinga at pagmamahal dahil hindi niya ito naranasan sa kinagisnang pamilya kahit nasa kanya na ang lahat ng materyal na pangangailangan.

Ngunit nanatili siya bilang isang mapagmahal na anak, maaasahan at tapat na kaibigan at matulungin sa kapwa niya, sa madaling salita, busilak ang kanyang kalooban.

Palaging mayroon ngiti sa kanyang labi ngunit sa likod ng mga ngiti ay ang pananabik ng isang anak na magkaroon ng buong Pamilya o magkakasundo sana ang bawat miyembro ng Pamilya ngunit sa kasamaang palad hindi ito ang naging kapalaran niya.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon pinagtagpo ang landas niya at ang taong bubuo pala sa matagal na niyang pinapangarap o inaasam.

"Emerald! Anak kahit wala na ako palagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita."

"Hindi ako nagsisisi ng ipinanganak kita dahil ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"Sana lumaki kang masaya kahit wala na ako sa tabi mo."

"Mawala man ako mananatili akong kasama mo at babantayan ko kayo palagi ng ama mo."

"Masayang-masaya ako dahil dumating kayo sa buhay ko."

"Mahal na mahal kita anak!"

Tunghayan ang kanyang kuwento bilang isang Batang Naging Ina.