100 DAYS WITH HIM
Isang kontrata. Isang kasunduan. Pagsasamang huwad.
Pagpapanggap. Pagtataksil.
Isang babae na may masalimuot na Buhay at Pag-ibig.
Babaeng uhaw sa pagmamahal mula sa asawa kaya ibinaling sa iba ang puso, isipan, katawan at kaluluwa.
Ngunit paano na lang kung ang pagtataksil ay natuklasan?
Pero paano kung hindi ang pagtataksil ang mas nakakagimbal na matuklasan?
Paano kung ang inaakalang pumuno sa pagkukulang ay siya rin palang dahilan kung bakit nawasak ang naunang sana ay masayang pagsasama?
Paano matatanggap ng babae ang katotohanan at muli nitong pagkabigo?
Ipaglalaban ba ito? O palalayain ang mula pa lang sa umpisa ay hindi na pala nito pagmamay-ari.