ROBIN AND CINDY
The Man
Mayroon isang binata na napakakisig
Mala-Adonis ito kung tumindig
Maamo ang mukha
At tila isang Anghel na bumaba sa lupa
Timbre ng boses ay nakakahalina
Hindi mo namamalayan, sumusunod ka na pala
Sa mga ipinag-uutos nang mabulaklak nitong dila
Pero huwag ka, binabalaan na kita
Sa binatang tinutukoy ko dapat ay mag-ingat ka
Sapagkat hindi mo pa siya nakikilala ng lubusan
At ang akin kahilingan
Huwag sanang mahulog ang iyong kalooban
Sa binatang ang akala mo ay mapagkakatiwalaan
Dahil kung alam mo lamang
Baka isang araw ay magigising ka na lang
Ikaw ay kanyang nilisan o tinakbuhan
At bitbit hindi lamang ang iyong kalooban
Maging ang pinakaiingatan mong kayamanan
At sa huli ay maiiwan kang luhaan
Robin - The Con Artist
The Woman
Mayroon isang dalaga na ubod ng ganda
Maging ang pag-uugali nito ay kahanga-hanga
Sa kasamaan-palad, maagang naulila ito sa ina
At ang ama naman nito ay biglang nawala na parang bula
Naiwan tuloy ito sa pangangalaga
Nang pangalawa raw nitong ina
Pero mayroon dalawang anak na bruha
Na matindi ang ginawang pagpapahirap sa dalaga
Cindy - The Good Daughter
Sa makabagong mundo, mayroon dalawang tao na nagkapareho ng kapalaran. Ngunit mga pananaw ng bawat isa ay magkaiba.
Pero paano na lang kung pagtagpuin ang dalawang ito ng mapagbirong tadhana at bigyan ng isang mahalagang misyon na dapat nilang isakatuparan?
Magkakasundo kaya sila kung magkaiba ng mga pananaw?
May magbabago ba na pananaw pagkatapos na pagsamahin sila at makilala ang bawat isa?
Mapagtagumpayan kaya nila ang nakaatang na misyon?
May mamumuo kayang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa o mauuwi ito sa pag-iibigan?