Miles pwede ba, tigilan mo na yang si Mayora! Ilang beses ba naming sasabihin sa'yo!"
"Bakit kasi hindi ka na lang mag focus sa pangangampanya? Tingnan mo, hindi ka lang naungusan ni Raymond, nalakihan pa nya ang lamang nya sa'yo!"
Hindi sya makapaniwala, ang sinasabi nyang saling pusa, malaki na ang agwat ng popularity survey sa kanya.
"Totoo ba 'to?"
Hindi makapaniwala tanong ni Miles.
"Nagtataka ka pa? Araw araw nagpupunta sa iba't ibang Baranggay si Raymond, nangangampanya, samantalang ikaw, sa motorcade ka lang sumasama! Paano ka makikilala ng ibang Baranggay?"
"Ang tanong, aware ka ba kung ilang Baranggay ang nasasakupan ng bayan ng San Miguel?"
Hindi ito masagot ni Miles, wala syang idea kung ilan.
"Itong latest survey ang nagsasabing hindi ka kilala ng ibang baranggay, kaya tigilan mo na yang si Mayora at kailangan mong magpunta sa mga bara-baranggay para tumaas ulit ang popularity rating mo!"
"At saka ..... pwede ba tigilan mo ng kakasabi kay Mayora ng Hipo at Balyena, hindi naman sya mataba .... nakaka hurt ka na!"
Sabi ng isa na may katabaan.
Napatingin tuloy ang lahat sa kanya.
"Mahaba pa naman ang oras, huwag kayong magalala, kaya ko pang umangat ulit. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kung paano ko mababawi ang account kong ito! May kutob akong si Kate ang may gawa nito!"
"Sinong Kate?"
"Yung pinsan ni Eunice na genius ng San Miguel, sya lang ang makakagawa nito! Bwisit na Kate yun!"
Kumbinsidong kumbinsido syang si Kate nga ang may gawa ng Alert warning post.
Pero si Kate nga ba?
Nasaan na nga ba di Kate? Hmmm....
*****
"Mayora, kilala nyo ba kung sino ang nasa likod ng Alert post?"
"Hmmmm... bakit nyo po ako tinatanong?"
"Kasi po Mayora parang kilalang kilala nya si Kapitana Miles!"
"Ganun? Bakit po ako ang tinatanong nyo hindi si Kapitana Miles?"
"May nagtanong na po sa kanya pero hindi sumagot si Kapitana!"
"Ah, ganun po ba? Let's wait na lang po baka one day sabihin na nya kung sino sya!"
Nakangiting sagot ni Eunice.
"Sa tono ng pananalita nyo Mayora, parang kilala nyo na kung sino!"
Pero hindi sya sinagot ni Eunice, ngumiti lang ito.
*****
Dahil sa kulelat na sya, naisipan ni Miles na sumeryoso na sa kampanya. Nag tungo ito sa iba't ibang baranggay, nagbahay bahay.
Pero dahil sa kulang na ng panahon, madalian ang ginawa nyang pangangampanya at pili lang ang napupuntahan. Sa huli, hindi pa rin nya magawang umangat sa survey.
"Hindi ko alam na ganito pala kahirap mangampanya for Mayor! Grabe ang dami palang Baranggay ang dapat kong puntahan! Magagawa ko bang mapuntahan isa isa yan?"
Sabi ni Miles sa running mate nya.
Ang ikinatutuwa lang ni Miles at nagbibigay ng lakas ay napapansin nyang wala ang pangalan ni Eunice sa survey.
Sa isip ng running mate nya:
'Kasalanan mo 'to, kung ano ano ang pinag gagawa mo tapos rereklareklamo ka dyan!'
Nginitian na lang sya ng running mate nya.
'Mas mabuti pa atang iwan ko na lang ito at magsolo na lang kami ng mga konsehal ko sa pangangampanya, mahirap na, baka hilahin kaming pababa nito. Wala na syang ginawa kundi siraan si Mayora pag nagsasalita sya!'
Bumilang ang araw at sa wakas matatapos na ang kampanya. Dalawang araw na lang eleksyon na.
Matagal ng tumigil ang Alert post pero patuloy pa rin ang ingay ng mga netizen at napansin ito ng mga suporters ni Miles na napipikon na.
Yes, may suporters din si Miles.
"Hey, kung sino man itong may gawa nitong Alert post na 'to, burahin mo na ang post mo! Bakit mo ba sinisiraan ang Kapitana namin? Mabait kaya at mabuting tao yang si Kapitana, kaya tumigil ka na!"
"TAMA! Dahil sa post na yan nasisira ang pangalan ni Kapitana! Ginawa nyo lang ang mga post na yan para linlangin ang mga botante!"
Ang tahimik na Alert post ay biglang nabuhay ulit.
≈ALERT! ALERT!≈
SINO NGA BANG NANLILINLANG AT NANINIRA, AKO BA O SI KAPITANA MILES?
SINONG MABAIT AT MABUTING TAO ..... SI MILES?
HAHAHAHA! NAKAKATAWA KAYO!
BABALA: IMULAT ANG MATA, HUWAG KUKURAP PARA MALAMAN KUNG SINO ANG TOTOONG MANLILINLANG!
Hindi alam ng mga suporters ni Miles kung sasagot o hindi.
Naguguluhan sila at baka lalong mapahamak si Miles.
Pero si Miles na napipikon na dahil hindi na sya umaangat sa survey, walang pakialam kung mapapahamak sya, bigla syang napasagot.
Miles: "Pwede ba Alert post, tigilan mo na ako! Akala mo ba hindi kita nakikilala?
Kate alam kong ikaw yan! Hindi kita inaano kaya tigilan mo nga ako! Huwag mong sirain ang magandang pangalan ko!"
Alert post: "Kate? Hahahaha! Nakakatawa ka Miles pero hindi ako si Kate!
At hindi ako ang sumisira sa pangalan mo ... IKAW!"
Miles: "Kate, pwede ba, alam kong ikaw yan, ang genius ng San Miguel! Pinsan mo si Eunice kaya natural lang na ipagtanggol mo sya para gumanda ang image nya!"
Alert post: "Hindi ko alam kung mapa flattered ako dahil napagkamalan mong ako si Kate o ma hehurt ako dahil hindi mo man lang ako nakikilala!
Bakit Miles, akala mo ba pagaaksayahan ka ng oras ni Kate? Kawawa ka naman, nagfefeeling important ka pa rin?"
Miles: "Hindi ako nakikipabiruan sa'yo Kate, itigil mo na 'to or else!"
Alert post: "Sorry to disappoint you Miles, pero gaya ng naunang sinabi ko hindi ako si Kate!
Ako ang tunay na may ari ng account na 'to!"
Napaisip si Miles.
'Tunay na may ari?
Anong pinagsasabi nito?
Sinong tunay na may ari? .... si Pam?'
Miles: "Pam?"
Pam: "Binggo!"
≈ALERT! ALERT!≈
THIS IS PAM THE TRUE OWNER OF THIS ACCOUNT!
AT KILALA KO SI MILES DAHIL KAMI ANG LAGI NYANG INUUTUSAN PARA IBULLY SI EUNICE!
Hindi makapaniwala si Miles.
Ang dati nyang kagrupo kinakalaban na sya ngayon?
Sinubukan mag send ng private message ni Miles kay Pam pero naka close ang private message nito, kaya wala syang choice kundi sumagot sa comment.
Miles: "Pam, bakit ginagawa mo ito sa akin? Bakit mo ako sinisira? Dati tayong magkaibigan?"
Pam: Kaibigan? Kelan? Kelan mo kami tinuring na kaibigan, Miles? Ang buksan at gamitin ang account ko para sirain at ibully si Eunice, kaibigan bang matatawag ang ginawa mo? Inilalagay mo ako sa kapahamakan ng hindi ko nalalaman!"
Miles: "Pam, alam mong hindi totoo yan!"
Brenda: "Huwag kang mag feeling biktima Miles! Eversince, utusan ang tingin mo sa amin. Ikaw ang leader ng grupo namin at inuutos utusan mo kami dahil alam mong wala kaming choice, mga trabahador lang ang mga magulang namin sa negosyo nyo!"
Lena: "Hangang ngayon hindi ka pa rin nagbabago Miles. Baluktot ka pa rin mag isip!
Parang katulad ng nangyari nuon, lagi mong binubully si Eunice dahil minsan natalo ka nya sa isang quiz bee.
Hindi mo matanggap napahiya ka, kaya simula nuon binully mo na sya! Pero ni minsan hindi lumaban sa'yo si Eunice!"
Brenda: "Yeah! Naalala ko nun pulang pula ka sa kahihiyan, imagine Grade 11 natalo ng isang Grade 7? Hahahaha!"
Pam: "At mas lalong tumindi ang inis mo sa kanya dahil si Jeremy na gusto gusto mo nuon ay hindi ka man lang pinapansin samantalang si Eunice ay kabiruan pa nito!"
Lena: "At ang totoong kwento sa kwento mong news flash ay ikaw ang totoong suspect!
Si Kate ang ginulpi mo sa CR kaya nilusob ito sa ospital tapos ay ibinintang mo kay Eunice ang lahat!"
"Brenda: "Nakalimutan mo na ba Miles, nakulong ka pa nga dahil dun!"
Miles: "Hindi! Hindi totoo ang sinasabi nyo! Binayaran kayo ni Eunice para gawin ito!"
Brenda: "Anong hindi totoo? Eto ang ebidensya na nakulong ka!"
At pinost ni Brenda ang kopya ng pagkakakulong nya nuon.
Lena: "Miles, hindi kami binabayaran ni Eunice para gawin ito. Itinatama lang namin ang mga maling ginawa namin sa kanya!"
Pam: "Hindi kasi kami katulad mo Miles, wala kaming grudges kay Eunice, sumusunod lang kami sa mga utos mo dahil ayaw naming mawawalan ng trabaho ang mga magulang namin pag hindi ka namin sinunod!"
Brenda: "At alam namin kung saan kami lulugar. Hindi katulad mo, lagi mong inilelevel ang sarili mo kay Eunice, pero ang totoo wala ka sa kalingkingan nya!
Lena: "Ni minsan hindi lumalaban si Eunice sa'yo kahit anong gawin mong pambubully at iyon ang mas nagpapatindi ng inis mo sa kanya!
Pero alam mo ba kung bakit hindi gumaganti sayo si Eunice? Dahil hindi baba si Eunice sa Level mo!"
Pam: "Eversince alam ng lahat na hindi kayo magka level ni Eunice. Milya milya ang pagitan nyong dalawa! Ikaw ang nagpupumilit na magka level kayo!"
Lena: "Sa galing, sa talino, at lalo na sa ganda, wala ka sa kalingkingan ni Eunice!"
Brenda: "Panahon na para tanggapin mo Miles na hindi mo kayang pantayan si Eunice!"
Miles: "HINDEEEE!
Patutunayan ko sa eleksyong ito na tatalunin ko yang si Eunice na pinagmamalaki nyo!
Ako ang magiging susunod na Mayor at hindi SYA!"
Nanggigil sa galit si Miles.
Napatanga naman ang lahat ng nakabasa ng huling comment ni Miles.
Lena: "Hahahaha! Nakakatuwa ka Miles! Syempre hindi si Eunice ang susunod na Mayor!"
Pam: "Bakit Miles hindi mo ba alam?"
Brenda: "Hindi naman tumatakbo sa pagka Mayor si Eunice, GOVERNOR ang tinatakbo nya!"