Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 439 - Sana All!

Chapter 439 - Sana All!

Kinabukasan, last day ng filing ng Certificate Of Candidacy.

Maaga pa lang marami na ang naka abang kay Eunice pero wala pa rin sya.

Nasa munisipyo sya nakikipag kwentuhan pa sa mga empleyado at mga private citizen na naroon sa munisipyo at may inaasikasong transaksyon. Ang iba naman ay tumatambay lang at gusto lang makita at makipagkwentuhan kay Mayora.

"Mayora, last day of filing na po, hindi pa po ba kayo magpa file ng candidacy?"

Tanong ng isang guest sa kanya.

Madalas ito dito, nakikichismis lang ata.

"Bakit ba feeling ko po atat na atat kayo na paalisin ako? Ayaw nyo na po ba sa akin?"

Biro ni Eunice.

"Hindi naman po sa ganun Mayora, baka kasi makalimutan nyo, kaya pinaalala ko!"

Sanay na sila kay Eunice dahil araw araw nyang ginagawa ito bago pumasok sa opisina nya at asikasuhin ang paper works.

Para sa kanya, ang pakikipag usap nya sa mga taong ito ang mas mahalaga kesa sa mga gabundok na paper works. Marami syang natutunan sa mga ito at sa pakikipag kwentuhan nya sa kanila nagmumula ang mga idea nya sa mga magaganda nyang projects nya.

"Eh, gusto ko pa po kasing makipag kwentuhan sa inyo, baka kasi pag nawala ako dito at mapalitan ako sa pagka mayor makalimutan nyo na ako! Kaya huwag nyo muna akong paalisin!

Mamya na yang filing, mahaba pa naman po ang oras!"

Sabi ni Eunice.

At yun nga ang ginawa ni Eunice, buong maghapon syang nakipagkwentuhan sa mga tao na parang ito na ang huling araw nya dito sa munisipyo.

Pero habang busy si Eunice, si Miles busy rin.

"Tingnan ko lang Ms. Hipo kung hindi ka lumubog sa kahihiyan sa pasabog ko ngayon! Hehehe!"

Sa pangalawang pasabog ni Miles ikinalat nya ang dating video ni Eunice nung Grade 8 ito sa isang singing contest ng school. Kumakanta sa stage na feel na feel ang kanta na parang may hinaharana, at sa huli nagpropose ito sa isang estudyante na Jeremy ang pangalan.

"This time hindi nila maibabalik sa akin ito dahil matagal ng naka upload ito!"

Nakangisi si Miles habang tinitingnan ang pangalan ng nag upload.

Isa ito sa dating member ng grupo nya nung highschool. Ang mga tagasunod nya.

Sa itsura ni Miles, obvious na wala syang pakialam sa mga ito.

'Pwee! Ang mga walang kwenta kong mga kaibigan na itinakwil ako!'

*****

Napanganga ang lahat habang pinapanood nila ang video ni Mayora.

"O.M.G.! S-Si Mayora .... grabesya! Ang lupet ng ginawa nya!"

"Ilang taon sya nyan? Katorse? May marry me, marry me na syang nalalaman!"

"Ang sarap nyang kurutin sa singit!"

"Grabeeee! Normal din palang teenager si Mayora?"

"Oonga, ang astig ng ginawa nya!"

"Jusmiyo, akong nahihiya sa pinaggagawa nya!"

Nawindang ang mga nakapanood ng video ni Eunice at ang iba naman napanood na ito noon ay hagalpak naman sa katatawa lalo na yung nakapanood nuon ng live.

"Hahaha! Naalala ko yan! Pulang pula si Jeremy nyan!"

"Oh, naintindihan nyo na ngayon bakit idol ko yang si Mayora?! Hahahaha!"

Kasalukuyan nagkakagulo na naman sa social media at si Mayora Eunice naman ang dahilan.

Samantalang si Eunice, wala pa ring kamalay malay sa ganap, nasa lobby pa rin ito ng munisipyo busy sa pakikipagkwentuhan.

Hangang sa may isang maka received ng video nya na nasa munisipyo rin.

At nakita ng katabi nya ang video at hinanap nya din ito sa internet.

At ang isa ay naging dalawa tapos ay dumami na silang nanonood sa nasabing video ni Eunice.

Nakalimutan na nila si Mayora na naroon din habang hindi nila mapigilan ang sarili nila na mapahagikgik habang pinanonood ang video.

Nakatawag tuloy ng pansin ang ginagawa nila sa iba lalo na kay Eunice. At na curious sya, kaya nilapitan nya ang mga ito na hindi nila namamalayan.

Nagulat na lang sila ng mapansing nakahalubilo na pala sa kanila si Mayora.

"Ayy! Josme, Mayora, ginulat nyo po ako!"

Biglang nyang pinatay ang cellphone nya at nagsunuran din ang iba.

"Oh? Bakit nyo po pinatay? Secret po ba? Bakit sya pwedeng makita ako hindi?"

Usisa ni Eunice.

Hindi sya mausisang tao pero ewan ba nya, parang tinatawag ng video na yun ang atensyon nya kaya ngayon nangungulit sya.

"Eh, Mayora, shinare lang din po sa akin!"

Naiilang na sabi ng kausap nya.

"Yun naman po pala eh, share nyo na rin po sa akin, please!"

Hindi sila makapaniwala na may kakulitan din palang tinatago si Mayora.

Hindi tuloy alam ng kausap nya ang gagawin. Natataranta ito.

OMG!"

Biglang sabi ng secretary ni Eunice.

Napatingin sa kanya ang lahat.

Naishare na din sa kanya ang video kaya ganito ang naging reaksyon nya.

"Oh, bakit? anyare?"

Tanong ni Eunice.

"Eh, Mayora kasi .... "

Hindi nya alam kung ipapakita nya o hindi ang video, pero kahit naman hindi nya ipakita, meron pa ring gagawa nuon.

Obvious naman kasi na tinatarget talaga sya ng personal ng kung sino man ang may pakana nito.

Kaya minabuti nyang ipakita na lang, ayaw nyang maglihim kay Mayora.

"Eh kasi po, Mayora, kasi ... may video pong kumakalat sa internet! .... video nyo po!"

At lumapit ito at ipinakita ang tablet kay Eunice.

"OMG! Buhay pa pala yang video na yan?"

Gulat na bulalas ni Eunice.

"Bakit po Mayora matagal na po ba ang video na yan?"

Tanong ng isang empleyado.

"Opo, Grade 8 pa ako nung inupload yan!"

Sagot ni Eunice.

"Ay oonga, matagal na ngang na upload ang video!"

Sabi ng isa.

"Ay Josme nakakahiya pala ang ginawa ko!"

Hiyang hiya si Eunice ng mapanood ang sarili nya kaya agad itong pinatay ng secretary nya.

"Oh? bakit mo pinatay? Hindi pa tapos!"

Tanong ni Eunice.

"Kasi po akala ko ayaw nyo!"

"Hindi naman sa ganun! Okey lang ako, nahihiya lang ako sa mga pinaggagawa ko dyan sa video pero gusto ko syang panoorin.

First time ko kasing mapanood yan ang galing pala ng pagkaka kuha!"

Sabi ni Eunice.

"Kung matagal ng na upload yang video, bakit ipinakakalat na naman? Sino ba ang uploader nyan?"

Mukhang alam na ni Eunice ang may pakana nito.

"Sa tingin ko, walang kinalalaman yung uploader ng video sa pagpapakalat nyan ngayon!"

Sabi ni Eunice.

Sa tono ng salita ni Eunice, may idea na ang lahat kung sino ang may pakana nito.

"Mayora, ang galing nyo namang kumanta! Sample naman dyan!"

Biglang hirit ng isa.

"Nakuuu! Matagal na po akong hindi kumakanta!"

Namumulang sabi ni Eunice.

"Maganda po ang boses nyo Mayora kaya tyak naming wala pa rin yang kupas! Sige na po pa sample naman!"

At sabay sabay na nangulit ang lahat.

"Sample! Sample! Sample!"

Walang nagawa si Eunice lalo na ng biglang may mag set up ng videoke at inabot sa kanya ang mike.

"Grabe, nakakahiya, hindi ako ready! Kulang na po ako sa praktis!"

Namumula pa rin si Eunice.

"Mayora request po yung kinanta nyo sa video, yun na lang po ang kantahin nyo!"

Napaisip si Eunice.

"Ano na nga bang title nun?"

"At ano na nga ulit ang umpisa nun? Gosh hindi ko na maalala yung song yung lyrics a kaya?"

Ito ang unang beses na kakanta si Eunice sa kanila at aminado syang kinakabahan sya.

Ngunit ng simulang tumugtog ang kanta, agad na hinawakan ni Eunice ng mahigpit ang mike na parang professional singer.

At ng magsimula syang kumanta,

napatanga ang lahat.

"Grabe ang ganda ng boses nya!"

"Sana all!"

"Ang tagal na raw nyang walang praktis pero hindi halata! Ang galing nya!"

"Sana all!"

"Hindi nya na raw maalala yung kanta pero nung magsimula, tama naman lahat ng lyrics!"

"Sana all!"

At ang lumang video ni Eunice na nagkalat kanina ay natabunan ng isa pang bagong video ni Eunice na kumakanta ng live sa munisipyo.

"Wow! Professional singer ba sya?"

"Sana all!"

"Wala na bang hindi kayang gawin si Mayora?"

"Sana all!"

"Graabeeee! Nakakabilib sya!"

"Sana all!"

Gigil na gigil sa galit si Miles. Hindi nya akalaing ganito ang kalalabasan ng lahat.

"Bwisit!

Ano bang ipinakain mo sa mga taong yan at kung puruhin ka parang napaka galing mo?"

Nanggagalaiti sa galit si Miles lalo na duon sa nagko comment ng "Sana all!"

Pero hindi pa roon natapos ang lahat dahil biglang dumating si AJ at sinamahan si Eunice sa comelec para mag file ng COC.

Related Books

Popular novel hashtag