Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 425 - Huwag Kang Mag Inarte

Chapter 425 - Huwag Kang Mag Inarte

Nagising si Cong. Mendes sa sikat ng araw na dumapo sa mukha nya.

"Umaga na pala!"

At inaasahan nyang nasa Maynila na sya.

Pero hindi ito ang natatandaan nyang itsura ng Maynila ng huli nyang makita ito nung isang linggo.

"Saan ba ako dinala ng kumag na 'to?"

Nakaparada ang sasakyan nya sa tabi ng isang bukirin at si Sendong ay nasa driver's seat, tulog.

"Sendong! Sendong!

Gumising ka nga!

Bakit mo ako dinala dito?

Hindi ba sinabi ko sa'yo dalhin mo ako sa Maynila?

Maynila ba 'to?"

Singhal ni Cong. Mendes kay Sendong habang niyuyugyog ito para magising.

"Sorry po Boss, ang dami po kasing checkpoint hindi ako makalusot!

Saka, tumawag po si Madam, hindi daw kayo sumasagot kaya ako ang tinawagan nya. Pabalik na raw sila ng Quiñoza Valley.

Hindi ko po kayo magising kaya huminto na lang ako at antayin kayong magising.

Hindi ko po kasi alam kung tutuloy pa tayo ng Maynila o babalik na lang ng Quiñoza Valley. Nakatulog na nga po ako sa pagaantay na magising kayo!"

Sabi ni Sendong na naghihikab pa.

"ANO?!"

Hinanap nito ang cellphone at tinawagan ang asawa.

"Irma, nasaan ka? Nasaan kayo ng mga bata?"

"Asawa ko, hindi ba sinabi sa iyo nyang si Sendong kung nasaan kami? Pabalik na kaming Quiñoza Valley!"

Sabi ni Irma

"Ano? Bakit ka umalis ng Maynila at isinama mo pa ang mga bata?

Diba sinabi ko sa'yo na antayin nyo ako at sabay sabay tayong babalik ng Quiñoza?"

Inis na sabi Cong. Mendes

Eh kasi naman may dumating mula sa Hacienda Remedios, pinasusundo daw tayo ni Aaron sa mansyon! Kaya eto papunta na kami!"

'Pinasusundo kami ni Aaron? Bakit?'

Nagdududa si Cong. Mendes.

'Alam na kaya nya ang Plan B ko?'

Puno ng agam agam ang isip niya.

"Teka lang Irma, anong ibig mong sabihin sa pabalik na kayo ng Quiñoza paano kayo babalik? Sinong magdadrive sa inyo?"

"Hindi ka ba nakikinig, asawa ko?

Pinasusundo tayo, mismong kay Aaron galing ang utos! May dumating dito para sunduin tayo! Oh diba, may special treatment!"

Tuwang tuwa si Irma at feeling nya napaka importante nya dahil mismong si Aaron ang nagpapasundo sa kanila

"Teka, teka, teka! Irma makinig ka! Huwag kang sumama sa kanila, huwag kayong tumuloy ng mga bata! Bumalik kayo ng Maynila at magkita tayo duon!"

"Haaay naku asawa ko, ikaw talaga pakipot ka pa! Ikaw nga itong laging nagdadrama dyan dahil wala kang natatanggap na imbitasyon para sa party.

Tapos eto narito na ang inaantay mo, andami mo pang satsat!

Malapit na kami ng Hacienda Remedios, kaya ikaw huwag ka ng mag inarte, sundan mo na lang kami sa mansyon!"

Aba't ..... "

Pero binaba na ng asawa nya ang tawag.

"Bwisit, binabaan ako!"

"Boss, ano na pong utos nyo, saan po tayo pupunta ngayon?"

Saan nga ba sya pupunta? Nagdadalawang isip si Cong Mendes.

Tutuloy ba sya ng Maynila para takasan ang ginawa nya o babalik syang Hacienda Remedios para sundan ang pamilya nya.

***

Boss, tingnan nyo po ito!"

Sabi ni Sendong kay Cong. Mendes, sabay abot ng cellphone nya.

Nasa isang restaurant sila ng mga oras na iyon, nagaalmusal.

Mas minabuti muna ni Cong. Mendes na magalmusal para makapagisip syang mabuti sa susunod nyang hakbang.

Hindi nya kasi sigurado kung ano ang iniisip ni Aaron at pinasusundo daw sila para sa party.

Kinakabahan sya, baka nabuking na ang plano nya.

Hindi pa naman nagsisisagot ang mga iniwan nyang tauhan kay Leon para magbantay.

Kinakabahan na sya, iba ang sinasabi ng kutob nya sa imbitasyon na ito ni Aaron.

"Ano ba yan?"

"Live broadcast po ng party ng Hacienda Remedios, maaga pong nagsimula!"

Sagot ni Sendong.

Sa live broadcast, makikita na si Matt ang nagrereport at kinukwento kung ano ang nangyayari.

Marami sa mga kasamahan ni Matt ang nainggit sa kanya dahil sya ang napili na mag cover ng nasabing party.

Sa broadcast makikita si Aaron na nagsasalita, katabi si Eunice.

Naroon din sa paligid sila Edmund, Nichole, Mel, Nadine, Kate at Belen, inaasikaso ang mga bisita nilang magsasaka.

Kitang kita ang saya ng lahat.

MATT:

"Sa ngayon po ay pinapaliwanag ni Sir Aaron kung bakit napaka espesyal ng party na ito para sa mga magsasaka ng Hacienda Remedios.

Ang iba po rito ay mga matatagal ng nagtatrabaho at nagsasaka sa Hacienda Remedios, narito na nung panahong buhay pa ang lolo nyang si Don Aaron.

Ipinagkaloob ni Sir Aaron sa may isang daang matandang magsasaka ang tig lilimang hektaryang lupain mula sa Hacienda Remedios at hindi lang iyon, bibigyan din sila ng pensyon ni Sir Aaron dahil mga senior citizen na ang mga ito.

Sa mga lampas sampung taon naman ay binigyan nya ng tig isang hektarya ng lupa.

Sa mga bababa ng sampu ay nagbigay din sya ng pera at lahat ay may kanya kanyang regalo na nagmula kay Eunice.

Nanlaki ang mga mata ni Cong. Mendes.

"Bakit nya ipinamimigay sa mga hampaslupang magsasakang iyon ang lupa? Nasisiraan na ba sya?"

Naiinis na sabi ni Cong. Mendes.

'Ano bang problema ni Boss, hindi naman kanya yung lupang pinamimigay, bakit galit sya?'

Hindi nga masaya si Cong. Mendes sa napanood nya.

"Sendong, napa set mo na ba ang timer?"

"Yes, Boss kagabi pa po bago tayo umalis!"

"Anong oras ang inilagay mo sa timer?"

"12 po yung nakalagay kaya hindi ko na pinabago!"

"Alas dose?! Lintek ka anong oras na?"

"Mag aalas nweve na po."

Pagkasagot sa kanya ni Sendong narinig nyang tumunog ang phone nya. May nag text.

Asawa nya.

[Asawa ko, andito na kami ng mga bata sa mansyon!]

~Irma.

May selfie pa sila ng mga bata sa loob ng mansyon.

Sinubukan nyang tawagan si Irma pero ... can not be reach.

Lalong na presure si Cong. Mendes.

*****

Samantala.

Habang nasa loob ng restaurant si Cong. Mendes at ang tauhan nitong si Sendong, wala silang kamalay malay na may nakamasid sa kanila.

Lahat ng kilos nila ay binabantayan, hindi lang ng grupo ni Dong kundi pati nila Eunice at Kate.

Isa lang ang bilin ni Eunice sa kanila.

"Huwag nyo po silang gagalawin pero siguraduhin nyo pong makakarating sya ng mansyon!"

"Bakit, Coffee, anong plano mo?"

"Wala naman, gusto ko lang syang igisa sa sarili nyang mantika!"