Kasalukuyan busy si Congressman sa pamumuno sa pagtatanim ng bomba sa paligid ng mansyon, hindi pa rin nya alam ang nangyayari sa bahay nya dahil wala ng magrereport sa kanya, naubos na lahat ang mga tauhan nya.
Hindi naman magawang makapasok sa loob ng mansyon ang mga tauhan ni Cong. Mendes para magtanim ng bomba dahil sa sobrang higpit ng seguridad.
Nalaman pa nya na nagpatayo si Fidel ng isa pang pader kaya bukod sa main gate, may inner gate na rin ang mansyon.
Suggestion ito Edmund para madoble ang security ng mga nasa loob ng mansyon lalo na't hindi sila sigurado ang loyalty ng mga tauhan ng mansyon.
At dahil sa sunod sunod na atake ng mga espiya, wala ng pinapasok si Fidel sa loob ng mansyon na mga kasambay kahit kusinero ay hindi na rin nakakapasok sa loob ng mansyon.
Hindi naman nila kailangan ng magsisilbi sa kanila dahil kaya naman nila. Mas lalo tuloy nagkaroon ng bonding moment ang mga mga nasa loob ng mansyon.
"Akala siguro nila mapipigilan nila akong makalapit ng mansyon at gawin ang plano ko? Hehehehe! Nagkakamali sila!
Kahit anong gawin ninyong ingat dyan sa mansyon hindi pa rin kayo maliligtas! Hahahaha!"
"Bakit Congressman, ano bang plano mo para mailagay ang bomba sa loob ng mansyon?"
Tanong ni Leon.
"Wala!"
"Wala?"
Naguguluhan si Leon.
"Hmmm, matagal ko na kasing napaghandaan ang Plan B! Hehe!"
Sabi ni Cong. Mendes.
"Anong ibig mong sabihin Congressman?"
Lalong naguluhan si Leon
"Since iisa lang ang layunin natin ngayon, ang pabagsakin ang Hacienda Remedios, may sekreto akong sasabihin sa'yo!"
Sabi ni Cong. Mendes
Pero hindi kaagad sinabi ni Congressman kung ano yun.
Nakaramdam ng inis si Leon dahil binitin sya ni Cong. Mendes.
'Ano kaya ang secret na yun ba't hindi na lang nya sabihin agad? Nang sususpense pa, naiistres tuloy ako!'
Pero hindi nya pinahalata kay Cong. Mendes na nabibitin sya dahil lalo syang bibitinin nito.
Kailangan kalma lang sya para ito ang magkusang magsalita.
"Gusto mo bang malaman kung ano yung secret na yun, Leon?"
"Ano ba yung secret Congressman?"
Sumeryoso si Cong. Mendes bago nya hinarap ang mga mata nito.
"Kasi Leon, matagal na akong may itinanim na bomba dyan, sa loob at labas ng mansyon, natutulog lang!"
Naka ngising sabi ni Cong. Mendes.
Mukha syang demonyo habang sinasabi nya ito.
"HA?!"
Nahulog sa mga kamay ni Leon ang tasa ng kape na hawak nya.
"Ke-Kelan mo itinanim, yung bomba?"
Kumakabog ang dibdib na tanong ni Leon.
"Syempre nung panahon na ikaw ang nasa loob ng mansyon. Plan B ko yun para sa'yo, sakalaing isang araw lansihin mo ako!"
Kinilabutan si Leon sa narinig.
"Jusko, baliw na talaga itong taong ito!'
'Wala akong kamalay malay, nakahiga pala ako sa bomba nuon!'
"Hahahaha!"
Malutong ang mga halakhak ni Cong. Mendes habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Leon. Putlang putla ito at parang maiihi sa salawal sa sobrang takot.
***
Boss, natapos na po naming ilagay ang mga bomba!"
Sabi ng isang tauhan ni Cong. Mendes.
"Magaling! Bukas, matatapos na rin ang paghahari ng Hacienda Remedios dito sa bayan ng Quiñoza Valley. Magiging akin na ang buong Hacienda Remedios at ako na ang magiging panginoon nito! Hahahahaha!"
Sabi ni Cong. Mendes.
'Baliw! Isa na talaga syang baliw!'
Sa isip ni Leon.
Nahimasmasan na ito pagkatapos ng dalawang oras na marinig nya ang tungkol sa bomba sa loob ng mansyon, pero hindi pa rin nya maiwasan na kilabutan sa tuwing naaalala ito.
"Congressman, kanina, may nadinig akong helicopter na umalis mula sa mansyon.
Sino kaya yung umalis?"
Tanong ni Leon.
"Sabi ng espiya ko sa loob, yung lola daw nung Aaron. Nilusob daw sa ospital! Sayang nga hindi sya makakasama sa big boom bukas!
Isusunod ko na lang sya!"
Sagot ni Cong. Mendes.
Ito ang ipinakalat ni Fidel na balita ng umalis sila Don Miguel at Doña Isabel. Hiniling ni AJ na isama nila si Lola Inday dahil sa tingin ni AJ mas safe ito kung makakaalis sya ng mansyon.
Ang bawat salita ni Cong. Mendes ay nagdadala ng takot kay Leon.
'Hindi ata sapat ang salitang baliw para idescribe sya!'
"Congressman, hindi ka ba naku curious kung sino ang mga bisita ni Aaron? Puros naka helicopter!"
Sabi ni Leon.
"Well, sure na akong isa sa kanila ay Perdigoñez! Pero kung sino man yan malalaman ko rin bukas! Hehehe!"
Tila iniimagine pa ni Cong. Mendez ang kahihinatnan ng mangyayari sa lahat ng nasa mansyon bukas.
"Pero, hindi ka ba nagalala baka makatakas sila? May dalawa pang helicopter sa mansyon."
"Hindi! Yun kasing isang bomba duon ko ibinaon kung saan nakaparada yung dalawan helicopter!
Isa nga lang ba yun? Parang dalawa?"
Sabi ni Cong. Mendes.
'Lahi ba ni satanas ang taong ito?'
"Boss, tumatawag po ako sa SH pero wala pong sumasagot!"
Sabi ng tauhan ni Cong Mendes.
Ang ibig sabihin SH ay Secret House.
"Malamang tulog na naman ang mga gunggong na yun!"
Kinuha nya ang cellphone at nakita nya ang madaming miss call.
May message pa ito pero magulo ang pagkakasulat.
"elo.. anong elo?"
Sinubukan din nyang tawagan pero hindi rin sya sinasagot.
"Bwisit na mga yun, humanda sila sa akin pagbalik ko! Sendong halika na, kailangan na natin lumuwas ng Maynila baka may makakita pa sa akin dito!"
Lihim na nangiti si Leon.
'Pag alis ng baliw na 'to, aalis na rin ako!'
Pero nagkamali si Leon.
"Oonga pala Leon, dito ka lang at siguraduhing magtatagumpay ang plano ko!"
"Pero Congressman, paano kung abutan ako ng pagsabog?"
"Huwag kang magalala, maabutan ka man ng pagsabog, sinisiguro ko naman sa'yo na hindi ka mamatay, mababaldado ka lang! Hehe!"
At naramdaman na lang ni Leon na may pumukpok sa ulo nya at nawalan ito ng malay.
"Tara na, Sendong! At kayo, magbantay kayo dito at siguraduhin na hindi makakalabas yan!"
*****
Sa loob ng mansyon.
"Aaron alam kong nahihirapan ang kalooban mo sa sitwasyon ngayon, lahat gusto ng umuwi. Pero nasa sa'yo naman yan kung itutuloy natin ang party hanggang sa mahuli muna si Mendes."
Sabi ni Fidel.
Ramdam na kasi nila ang mood sa bahay. Nawala na ang excitement sa darating na party.
Problema pa nila si Cong. Mendes na hindi pa nila alam ang whereabouts.
Isa lang ang natitiyak nila, wala pa ito sa Maynila kaya malamang nasa tabi tabi lang iyon at may gagawin na naman kalokohan.
Naka blackout pa kasi ang news tungkol sa nangyari sa bahay nya kaya may posibilidad na wala pa rin itong alam sa nangyari o baka naman nagtatago na.
At ito ang ikinababahala ni Fidel, hindi pa rin sila ligtas. Hindi nya alam kung ano ang problema ni Cong. Mendes bakit parang ang laki ng galit nya kay AJ.
"Hindi po Tiyo, Hindi po natin ito ipopostpone! Para po sa mga trabahador ng Hacienda ang party na 'to!"
Naintindihan ni Fidel ang ibig sabihin ni AJ.
"Pero ... gawin na lang natin ang first part ng party at yung pangalawa ... "
Ang pangalawang part na tinutukoy ni AJ ay ang engagement party nila ni Eunice at gaganapin yun sa gabi.
"... siguro mas makakabuting huwag ng ituloy ang engagement party, tutal may party o wala engage na naman talaga kami ni Coffee! Yung wedding na lang ang pagtutuunan ko ng pansin!"
Nakangiting sabi ni AJ.
"Yung wedding ba talaga ang pagtutuunan mo ng pansin o yung wedding night? Feeling ko hindi ka na makapaghintay na sagpangin si Eunice!"
Biro ni Fidel.
"Tiyo naman!"
Namula si AJ, nahihiya pero nangingiti, lalo na pag naalala ang itsura ni Eunice ng makita yung ....
"Buti pa ayusin na natin ang schedule, gawin nating mas maaga para makalipad na sila ng mas maaga!"
Suggestion ni Fidel.
"Okey po, mas mainam nga po!"
"Tara sabihin na natin sa kanila ang napagusapan natin!"
Pero laking gulat nilang mag tyuhin ng pagdating sa sala may bisita pala silang dumating.
Ang mga tauhan ni Don Miguel na pinaumunuan ni Dong kasama si ..... Matt!
"Hindi ba reporter ka?"
Tanong agad ni Fidel na may pagududa ng makita si Matt
"Hello po Sir! Ako po si Matt Cruz! Kamusta po kayo?"
"Kilala kita, ikaw ang nagsulat tungkol sa mga Rakunyo! Tama ba ako?"
"Yes po, ako nga po!"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Isinama ko sya, sabi ni Ms Ames isama ko! Sya ang nagvideo ng mga nangyari sa bahay ni Congressman!"
Napakunot ang noo ni Fidel
'Ano bang iniisip ni Ames bakit nya ito pinapunta dito?'
"Gusto kasi ni Ms. Ames na makilala nya si Sir AJ, saka ... nagaalala ako, baka magreport agad yan sa boss nya. Hindi pa pwedeng ilabas ang nangyari, hangga't hindi pa naguhuli si Congressman! Kaya isinama ko na lang dito!"
Sabi ni Dong.
"Sabi ko naman po sa inyo Sir, hindi ako magrereport, shock pa po ako, ... oh ... tingnan nyo!"
Ipinakita nito ang mga balahibo nyang nagtataasan pa simula nung enkwentro.
"Basta, dito ka lang!"
Singhal ni Dong.
Nagpoprotesta ang kalooban ni Fidel.
'Hindi maari ito! Paano kung nag leak sa media kung sino ang mga bisita ni AJ?'
'Jusmiyo Ames, pinasasakit nila ang ulo ko! Tumataas ang presyon ko!'
Pero hindi na sya nakapagsalita pa dahil may tumili ng malakas.
"WAAAAAAAAAAHHH!!!!"