Sa gitna ng putukan, napapaisip si Matt.
'Anong dahilan at nasa poder ni Cong. Mendes ang ama ni Madam at bakit kailangan namin syang irescue?'
Gusto nyang magusisa pero sa tingin nya hindi pa ito ang oras.
'Ngunit kelan? Makakatakas pa kaya kami sa sitwasyong ito?'
"Madam, paano po tayo makakapunta doon sa kwadra? Para kasing hindi nauubos ang bala ng kalaban!"
Tanong ni Matt kay Ames.
Kanina pa sila nakakubli at hindi makaalis dahil sa dami ng putok kung saan saan nanggagaling.
Hindi alam ni Ames kung ano ang issasagot nya pakiramdam nya kasi hindi humihina ang kalaban.
Marami ng napatumba ang limang security na kasama nya pero bakit tila hindi pa rin nababawasan ang dami nagpapaulan ng bala sa kanila.
Ito ang ikinababahala ni Dong, kaya nagdadalawang isip syang isama si Ames lalo na si Matt sa operation na ito, hindi nila alam kung ano ang dadatnan nila.
Kinakabahan na rin si Dong, malapit ng maubos ang dala nyang bala pero parang hindi nauubusan ng bala ang kalaban.
'Mukhang sagana sa bala si Congressman!'
'Kailangan ko ng maialis si Ms. Ames at si Matt sa pinagtataguan nila!'
"Ms. Ames, kokoberan ko kayo para makapasok kayo sa kwadra!"
Ibinigay nito ang isang baril kay Matt.
"Matt ikaw ng bahala kay Ms. Ames! Ingatan mo sya at siguraduhin ang safety nya. Maliwanag?"
"Ha? Ba't ako? Sir, hindi ako marunong gumamit nito!"
"Madali lang yan. Itutok mo sa kalaban tapos kalabitin mo!"
Biglang pumutok ang baril at tumama sa isang palapit na kalaban, habang itinuturo sa kanya ni Dong ang tamang paghawak ng baril.
"Magaling! Ang bilis mo pa lang matuto! Hehe!"
Natakot si Matt ng mabaril nya ang kalaban.
"Juskupo, napatay ko ata!"
Hindi pa!"
At pinaputukan ito ni Dong ng isa pa kaya natuluyan ito.
'At least hindi ako ang pumatay sa kanya.'
"Ms. Ames, paglabas ko dito tumakbo na kayo sa kwadra. Hindi ako sigurado kung ilan ang kalaban duon kaya magiingat kayo! Nasa likod nyo ako, susunod ako agad!"
Sabi ni Dong.
"Okey! Magiingat din kayo!"
Sabi ni Ames.
Bumilang si Dong ng tatlo at pagkatapos ay muling hinarap ang kalaban samantalang si Ames at Matt ay tumakbo patungong kwadra.
Kasalukuyan naman tinatawagan pa rin si Cong. Mendes ng tauhan nya ng mga oras na iyon.
Nakailang tawag na ito pero can not be reach pa rin.
"Itext mo na lang! Bilisan mo at may nakita akong paparating!"
Nakita nito si Ames at Matt na papunta sa direksyon nila.
Agad silang naghanda para harapin sila Ames at Matt pero nakatutok na agad si Matt habang tumatakbo at pinaputukan ang mga ito.
Napahinto si Matt ng tumumba ang dalawa.
"Wow, ang galing mo nga, ah!"
Sabi ni Ames.
"Talaga po Madam? Napatay ko ba sila?"
Sabay harap kay Ames na nakataas pa ang baril at hindi nya alam na itinutok pala nya ito kay Ames dahil natatakot itong tumingin.
"Teka Matt, ilayo mo nga yan sa akin at baka maiputok mo yan!"
Sigaw ni Ames na ikinagulat ni Matt.
"Ay sorry po, Madam!"
Sabi ni Matt at ibinaba na nito ang baril.
"Hinga ng malalim Matt! Kalma ka lang, we need to stay focus!"
Sabi ni Ames.
May edad na itong si Ames pero kita pa rin sa katawan nito na fit na fit sya. Mabilis pa rin ang kilos kesa kay Matt.
"Okey po Madam, ready na po ako!"
Dahan dahan silang pumasok sa loob ng kwadra pero wala silang nakita.
"Dito nanggaling ang hiyaw ng Papa, sigurado ako!"
Sabi ni Ames.
Madam, sa taas!"
Tumingala si Ames at duon nya nakita ang kalunos lunos na itsura ng kanyang ama.
Nakatali ang mga kamay at paa nito pati ang buong katawan ng kadena, duguan.
"PAPA!"
Nagulat si Lemuel na tila biglang nagising. Akala nya patay na sya, inaantay na lang nyang maubos ang hininga nya tapos madidinig nya ang boses ni ...
'Ames?'
Si Ames ba yun?'
'Anong ginagawa nya dito?'
Malabo na ang paningin nya dahil hindi na nya ito maidilat.
Pero natitiyak nyang si Ames ang nadinig nya.
'Nanaginip ba ako?'
"Matt tulungan mo ako, tulungan mo ako, ibaba natin ang Papa!"
Magkatulong silang dalawa na dahan dahang ibinaba nila si Lemuel.
Duon na napansin ni Ames ang tunay na kalagayan ni Lemuel. Bali na ang dalawang binti nito at isang braso. Nakahiwalay na ito sa katawan nya at tanging balat na lang ata ang nagdudugtong.
"Juskupo! Papa! Huhuhu!"
Hiyaw ni Ames sabay akap sa ama, humahagulgol.
"O...M...G...!"
Kinilabutan naman si Matt sa nangyari kay Lemuel.
'Jusko, anong dahilan bakit ginawa ito ni Congressman sa kanya?'
Madaming tanong ang tumatakbo sa isip ni Matt.
"Ames, anak, ikaw ba talaga yan?"
Gamit ang natitirang kamay, inipon nya ang natitirang lakas at nanginginig nitong hinawakan ang mukha ni Ames.
"Opo Papa! Narito na po ako, itatakas ko po kayo!"
Umiiyak na sabi ni Ames.
Ngumiti si Lemuel kahit na puno ng hirap at sakit ang mukha nito.
"Natutuwa akong makita ka pero .... Sana... hindi mo na lang ako sinundan...."
"Papa, huwag na po kayong magsalita, iaalis na po namin kayo dito!"
Pero si Matt hindi alam kung paano nila iaalis si Lemuel sa lugar na ito.
"Madam, paano po natin maiaalis ang Papa nyo? Baka po pag ginalaw natin sya lalong lumala ang sitwasyon nya, tapos nagpulutukan pa po sa labas!"
Natahimik din si Ames, nagiisip. Mabuti na lang biglang sumulpot si Dong.
"Ms. Ames, ilagay nyo sya sa likod ko!"
Kumuha sila ng tali para itali nila sa katawan ni Dong si Lemuel at saka sila umalis.
*****
Sa labas.
Humihina na ang putukan dahil nakikipag suntukan na ang mga kasamahan ni Dong, ubos na ang bala nila kaya nakikipag laban na sila ng mano mano at nakikipag agawan ng armas. Pagod na rin ang mga kalaban.
Kinakabahan si Matt, hindi nya alam kung magagawa ba nilang makakalabas sa lugar na ito, iisa lang ang labasan at yun ang dinaanan nila papasok kanina.
Tyak nyang na alarma na rin ang mga bantay sa front house at inaabangan na sila.
"Sumunod lang kayo sa akin!"
Sabi ni Dong sa kanila.
Mabilisan ang kilos nila. Kumukubli agad para hindi makita ng kalaban.
Napansin sila ng isa sa kasamahan ni Dong na nasa malapit na lumabas ng kwadra. Sinenyasan nya ang mga kasamahan nya para ipaalam na paalis na sila.
Pilit ng apat na ilayo ang atensyon ng mga kalaban para hindi nila mapansin ang tumatakas na sila Dong pero, may nakapansin pa rin at hinabol sila ang mga ito.
"Nalintikan na!"
Sabi ng mga kasamahan ni Dong na nakita ang papalapit na grupo sa mga patakas.
Hindi agad napansin ni Dong na may humahabol sa kanila dahil nagkubli agad ang mga ito sa bato kaya ng sumilip sya, duon nya lang nakita ang mga ito. Hindi ka agad sila umalis sa tinataguan.
Iniwan ng apat na kasamahan ni Dong ang mga kalaban nila at tumakbo papunta kila Dong para tulungan ang mga ito.
Nagtataka ang mga iniwan nilang kalaban bakit tumakbo sila kaya sinundan nila ang mga ito.
"Yaaaah!"
Sigaw ng mga humahabol kay Dong
"Yaaaah!"
Sigaw ng apat na kasamahan ni Dong.
Nagawa ng apat na magapi ang humahabol kila Dong pero nagulat sila Dong, Ames at Matt ng makita ang mas marami pang parating.
"Juskolord...."
Sabay sabay nilang apat na pinalibutan ang tinataguan nila Dong para proteksyunan sila.
Wala na silang bala at gamit na lang ay ang mga baril ng kalaban na paubos na rin.
"Sumuko na kayo! Wala na rin naman kayong pupuntahan! Iisa lang ang lalabasan nyo dito at maraming nakaabang sa inyo doon sa labasan.
Hindi sila sumagot, naguusap lang ng mga tingin.
Gamit ang mga mata, bumubuo sila ng bagong strategy para makatakas dito. Hindi nga lang nila tyak na walang masasaktan sa kanila.
Pero wala silang choice, hindi sila pahuhuli ng buhay sa mga ito.
Alam ni Dong ang usapang tinginan ng mga kasamahan nya at hindi sya paapayag na pabayaan sila.
"Ms. Ames, pasensya na pero kailangan kong tulungan ang mga kasamahan ko!
Kailangan nyong makaalis dito, tutulungan namin kayo, itataboy namin papalayo sila!"
Inaalis nito ang buhol ng pagkakatali ni Lemuel sa katawan nya at inilipat kay Matt na hindi alam ang gagawin.
"Naintindihan ko! Pasensya na pero, ipangako nyong gagawin nyo ang lahat para makalabas dito!"
"Pangako!"
At lumabas na ito para tulungan ang mga kasamahan nya na sinisimulan ng itaboy palayo ang mga kalaban.
Hindi nila nakita sila Ames na nagtatago sa likod ng malaking bato.
"Ames, anak, (cough, cough, cough)
Iwan nyo na ako dito at tumakas na kayo!"
"Papa, hindi ko po kayo pwedeng iwan at hayaan na mamatay na lang!"
"Ames, makinig ka (cough)
nararamdaman ko na ... na malapit na akong .... mamatay... (cough) Gusto kong makausap si Allan sa huling pagkakataon ... gusto kong humingi ng tawad .... tawagan mo sya ... "
"Papa, sinong pong Allan ang tinutukoy nyo?"
"Yung anak mong .... si Allan, lagi ko syang napapanaginipan (cough), gusto nya akong isama sa kung saan..."
Nalilito si Ames, si AJ pa rin ba ang tinutukoy ng ama nya. Bakit nya sinabing tawagan ko si Allan?
"Papa, nakakausap nyo po ang anak ko?"
"Oo anak, salamat at tinawag mo sya, andito na sya, susunduin nya na raw ako ...."
Nakangiting sabi ni Lemuel habang nakataas ang kamay na parang may inaabot.
"Allan, apo ko ... huwag mo akong iwan... sasama na ako sa'yo!"