Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 417 - It's Not What You Think!

Chapter 417 - It's Not What You Think!

Samantala.

Ready na si Eunice, inaantay nyang tawagin sya ni AJ.

Nasa labas na ang lahat inaantay para salubungin sila Don Miguel at Doña Issay.

Nakalapag na ang helicopter ni Don Miguel at si Edmund mismo ang sumundo mula sa landing area ng chopper.

"Sabi nya quick shower, bakit ang tagal nya?"

Naalala ni Eunice ang dahilan bakit kinakailangan ni Milky na mag quick shower. Namula ito pero may ngiti sa labi habang hinahawakan ang kanyang mga labi.

Kinikilig si Eunice habang iniimagine pa ang ginawa ni AJ. Ang mga halik nitong nagaalab.

'at ang mga kamay nya ....ohhhh....'

'OMG!'

Namula si Eunice at biglang tinakpan ng mga bisig ang dibdib nya.

Maya maya, may narinig syang mga yabag. malalakas ang yabag.

"Ano yun?"

Binuksan nya ang pinto para alamin kung anong nangyayari.

Pero laking gulat ni Eunice ng makita si AJ tumatakbo papunta sa kanya .... hubo't hubad.

Nanlaki at namilog ang mata ni Eunice, hindi sya nakakilos.

'Juskolord ..... '

Kumakabog ng matindi ang puso nya na tila gustong lumabas sa dibdib nya at lalo pang tumitindi habang papalapit ang bagay na tinititigan nya.

Mabilis ang mga pangyayari, hindi nya napansin na nasa harapan na nya si AJ dahil sa ibaba sya nakatingin.

"Coffee!"

Dinig nyang sinabi ni AJ.

Hinawakan nito ang dalawang balikat ni Eunice papasok sa loob ng silid at saka nya isinara ang pinto.

Hinanap ni AJ ang phone para tawagan si Fidel para humingi ng tulong.

Maliban kasi sa salawal na nakalimutan ni AJ, nakalimutan din nyang damputin ang cellphone nya bago sya bumaba.

At si Eunice.

Walang kakurap kurap na nakatingin sa hindi nya dapat tingnan.

"Tito fidel may pumasok po sa akin sa banyo habang nag shashower ako!"

Matapos nitong makausap si Fidel, saka nya hinarap si Eunice at nagulat sya sa itsura nito.

Parang gusto ng lumuwa ng mga mata.

Sinundan ni AJ kung saan ito nakatingin at saka nya lang na realize na wala pala syang suot na kahit ano.

Agad na napaupo si AJ at hinagilap ang unang mahawakan ng kamay para gawing pantakip saka tumakbo papasok ng banyo.

'Jusko, ano ba 'tong ginagawa ko? Hindi na ako nagiisip!'

Hiyang hiya si AJ.

Sa baba.

"Hello Issay, Hello Kuya Miguel, mabuti at nakarating kayo!"

Bati ni Belen sa bagong dating.

"Haaay naku, paano ko ba naman mahihindian yang si AJ, pinuntahan ako ng personal at nagmakaawang tanggapin namin sya para maging fiance ni Eunice! Mahalaga raw na mapapayag nya kami tapos ay inaya kami rito sa Hacienda Remedios! Mahalagang araw daw ito kay Eunice kaya gusto nya present lahat ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Eunice.!"

Tuwang tuwang bida ni Miguel.

"Oonga! Maging kami ay isa isa ding hiningan ng permiso!"

Sabi ni Gene.

"Eh, nasan ba si AJ at ang mga bata?"

Hinanap ng mga mata ni Issay ang mga bata pero wala ito duon.

"May nangyari po kasi, may nakapasok daw po sa silid ni AJ!"

Paliwanag ni Nichole.

"Ano? Ang mga bata, si Eunice at si Earl?"

Natatarantang tanong ni Edmund pero hindi na inantay ang sagot at tumakbo na paakyat ng hagdanan.

Hindi alam ni AJ kung papaano lalabas sa kahihiyan.

May narinig syang mga kaluskos at natitiyak nyang sila Fidel na iyon ito.

'Kailangan kong makalabas dito!'

Kinuha ni AJ ang bathrobe na nakasabit sa banyo at isinuot ito.

Baby pink ang kulay nito at maiksi sa kanya dahil kay Eunice ito. Naamoy nya tuloy ang matamis at banayad na amoy ni Eunice.

Nangiti sya habang inaamoy amoy ang kwelyo nito na tila kinikiliti sya.

At si Eunice.... hindi pa rin ito kumikilos simula ng pumasok si AJ ng banyo hanggang lumabas ito.

Paglabas ni AJ, duon pa rin nakatingin si Eunice, tila nakapako na ang tingin nito sa hindi nya dapat tingnan kahit na nakabathrobe na si AJ.

Hindi naman makatingin si AJ kay Eunice kaya dali dali nitong binuksan ang pinto.

"AJ! Anong ginagawa mo sa silid ng anak ko?!"

Sigaw ni Edmund.

".... at bakit mo suot ang bathrobe nya?!"

Agad nyang binaba ang tingin at nanggagalaiti si Edmund ng makitang wala itong suot sa loob ng bathrobe.

"S-Sir, let me explain! Mali po ang iniisip nyo! It's not what you think! Magpapaliwanag po ako!"

Pero hindi alam ni AJ kung papaano nya ipapaliwanag ang ginawa nya.

Gusto syang lusubin ni Edmund at bigyan ng suntok pero inawat sya ni Don Miguel.

"Hahahaha! Kalma ka lang iho!"

Napansin agad ni Fidel ang dahilan ng ikinagagalit ni Edmund ng bumaba ito dala ang dalawang tauhan.

"Aaron, ano ka ba naman, umakyat ka nga muna at magdamit, nakakahiya sa mga bisita mo!"

Singhal ni Fidel sa pamangkin pero pilit na itinatago ang mga ngiti.

Sobrang stress man sya sa darating na party, aminado syang napapagaan ng mga batang ito ang kalooban nya.

"Edmund, saka mo na sapakin yang pamangkin ko, pagdamitin mo muna! Mamaya panoorin natin ang CCTV para malaman mo kung anong nangyari!"

Nasa kabilang silid lang sila Mel at Kate ng madinig ang ingay sa labas.

Dahan dahan silang lumipat sa silid ni Eunice.

"Sissy ano bang nangyari, bakit nagkakagulo, saka ... bakit suot ni AJ Dude ang bathrobe mo?"

Usisa ni Mel.

Pero si Eunice nakatulala pa rin napaka lalim ng iniisip.

"Sissy? Anyare sa'yo? Bakit para kang nakakita ng kapre dyan?"

Tanong ni Mel ng mapansin nitong tulala si Eunice.

"Eunie malaki ba?"

Tanong naman ni Kate

"Uh huh!"

Sagot ni Eunice na sinabayan pa ng tango.

"Ahhh, kaya ka pala ganyan!"

Sabi ni Kate na naintindihan na ang nangyayari.

Pero nalilito pa rin si Mel.

"Anong 'kaya pala!' Kate MyLabs?"

"Kaya pala sya ganyan dahil nakita nga nya!"

Paliwanag ni Kate.

"Ang alin .... ang kapre?"

Nalilitong tanong ni Mel.

"Oo Melabs, isang malaking kapre!"

Sagot ni Kate

Napakunot ang noo ni Mel.

'Bakit feeling ko magkaiba ang pinagusapan namin?'

*****

Umuusok sa galit si Cong. Mendes ng hindi na nya muling makontak si AJ.

"Aaaaargh! BWISEEET!"

Sigaw nito sabay bato ng cellphone na ikinawasak nito.

Muli nyang hinarap si Lemuel at binigyan ito ng matinding suntok, hindi ito tumigil hanggang sa mapagod.

"Bakit?"

Tanong ni Lemuel. nakabaluktot ito at iniinda ang sakit

" ... ano bang nagawa ko sa'yo?"

dugtong pa nito.

"Walanghiya yang si Aaron, binabaan ako ng telepono!"

Gigil na gigil na sabi ni Cong. Mendes.

"Siguro hindi ka nya gustong kausap!"

Umuubong sabi ni Lemuel. Bawat salita nya may kasamang dugo na lumalabas sa bibig nya.

"At sinong gusto nyang kausap IKAW?! Ni hindi ka nga nya kinikilalang lolo nya!"

"Hindi totoo yan! bigyan mo kami ng pagkakataong magkausap ng sarilinan, yung kaming dalawa lang para mapatunayan ko sayo na apo ko sya!"

(cough, cough, cough)

"Sarilinan? Kayong dalawa lang? Hahaha! Gusto mo bang malaman kung ano ang sinabi nya sa akin?"

".... sabi nya hindi raw kayo magkadugo at sabi rin nya hindi raw Allan ang pangalan NYA!"

"Hindi ako naniniwala .... "

(cough, cough, cough)

"Gusto mo pa bang malaman kung anong sinabi nya?"

Tanong nito kay Lemuel, wala syang pakialam kalagayan nito.

Hindi na makasagot si Lemuel, kagat kagat ang mga labi, namimilipit sa sakit.

Nilapitan sya ni Congressman at hinawakan ang buhok para iharap ang mukha ni Lemuel sa kanya.

"Ang sabi nya .... isa akong matsing .... at nililinlang mo LANG AKO!!!"

Related Books

Popular novel hashtag