Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 415 - Kaya Pala

Chapter 415 - Kaya Pala

Walanghiya ka Leon, anong balak mo at inilabas mo ang tungkol sa simbolo? Kinakalaban mo na ba ako?"

Tanong ni Cong. Mendes kay Leon

Pagkatapos nyang marinig ang interview, agad nyang tinawagan si Leon.

Si Leon ang tuta ni Cong. Mendes, nuon sa Hacienda Remedios. Ngunit dumating si AJ at nawala sya sa posisyon nya bilang pinuno ng Hacienda Remedios.

Sya din ang nagbibigay ng impormasyon sa mga Rakunyo at ginagamit ang pangalan ni Cong. Mendes, kaya nalalaman nila ang bawat galaw ni Aaron.

Pero sa sinapit ng mga Rakunyo, na nawala na ang lahat sa kanila pati ang apelyido nila, hindi na nya magagamit ang mga ito.

"Magkakampi tayo Congressman, baka ikaw ang nakakalimot?

Simula ng malaman mo na may kaugnayan si Aaron sa mga Perdigoñez, mukhang biglang nagbago ang plano mo at initsapwera mo na ako!"

Sagot ni Leon.

Ito ang dahilan kaya inalayo ni Cong. Mendes si Lemuel, may ibang balak ito, ang gamitin si AJ para makontrol ang mga Perdigoñez.

Ganid sa kapangyarihan si Cong. Mendes, gustong nyang kinokontrol ang lahat.

Nakakaramdam sya ng kasiyahan kapag nakokontrol nya ang isang tao.

Kaya sya pumasok sa pulitika. Gusto nyang maging makapangyarihan sa buong bansa.

Kaya sila nagkasundo ni Leon. Ang tanging gusto lang ni Leon ay ang Hacienda Remedios at si Cong. Mendes ang tumulong sa kanya at ang kapalit nito ay sa kanya dadaan lahat ng transaksyon ng hacienda.

Kontrolado ni Cong. Mendes ang pagpasok at paglabas ng produkto ng Hacienda Remedios pati ng buong probinsya ng Quiñoza Valley.

Kaya inalam ni Leon ang totoong pagkatao ni Lemuel at naungkat nya ang tungkol sa kaso nitong kidnapping sa girlfriend ni Aaron.

Hindi nya pa rin sya sigurado kung totoong anak ni Jaja si AJ pero isa lang ang tyak nya, hindi close si AJ kay Lemuel, galit ito sa kanya.

"So kinakalaban mo nga ako kaya mo inilabas ang tungkol sa simbolo? Hindi ako mabait sa kaaway ko, Leon!"

"Congressman, hindi kita kinakalaban, ikaw ang nagiba ng plano! Kaya ko ginagawa ito para patunayan sa'yo na walang kwenta si Lemuel, hindi mo sya magagamit para paikutin si Aaron."

"Bakit, naniniwala ka na ba ngayon na totoong anak ni Jaja yung nasa mansyon?"

Tanong ni Cong. Mendes.

"Hindi! Hindi pa rin ako naniniwala na anak sya ni Jaja pero ...."

".... bakit hindi ka magimbestiga para malaman mo kung sino talaga si Lemuel Alvarez sa buhay ni Aaron!"

Napaisip si Cong. Mendes sa sinabi ni Leon, nakakaramdam na rin sya ng pagdududa kay Lemuel kaya nagpaimbestiga sya agad.

*****

Samantala.

Napataas naman ang kilay ng nila AJ, Fidel, Ames at Mel ng marinig nila ang interview ni Leon.

Wala kasing nakakaalam tungkol sa misteryosong regalong natanggap ni AJ nung gabi, napagkasunduan nilang huwag itong ipapaalam kanino man.

"Ms. Tita Ames, ibig po bang sabihin nito yang si Leon ang nagbigay nung mystery box?"

Tanong ni Mel.

"Hindi! Kung sya ang nagbigay bakit palihim pa nitong ginawa tapos kinabukasan magpapa interview sya tungkol dito? Doesn't make sense!"

Paliwanag ni Ames.

" ... pero, may possibility na kilala nya kung sino, kaya sa kanya ako magsisimula!"

dugtong ni Ames.

Agad itong nagpaalam kay Mel para puntahan si Leon.

"Besh, ano yung pinaguusapan nyo ni Tita Ames?"

Tanong ni Eunice. Na curious sya dahil parang may secret ang dalawa.

Naalala ni Mel na wala nga pa lang alam si Eunice kaya ikinuwento nya.

"Ibig mong sabihin andito na si Lolo Lemuel at involve sya sa Leon na yun?"

"Yun ang gustong alamin ni Tita Ames kaya nya pupuntahan si Mang Leon ngayon!"

Paliwanag ni Mel.

Nakaramdam ng kaba si Eunice na hindi nya mawari at napansin ito agad ni Mel.

"Sissy bakit?"

"Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, pakiramdam ko may parating na hindi maganda!"

"Juskolord....!

Alam mo bang may ganyang pakiramdam din si Tito Fidel kaya hinigpitan nya ang security!"

"Si Tito Fidel? Bakit?"

"Kinabahan sya nung malaman nya kung sino sino ang mga bisita ni AJ Dude!"

"Tayo tayo lang naman ang bisita ni Milky ko ah! Anong nakakakaba dun?"

Nagtatakang tanong ni Eunice.

Wala kasi syang pakialam sa posisyon ng tao o sa antas ng buhay ng isang tao.

Kaya hindi nya binibigyang pansin kung number 1 man sa buong bansa si Lolo Miggy nya o number two ang Perdigoñez clan nila o isang kilalang retired general si Grampy Gene nya, kahit si Lolo Enzo nya na sinasabi nilang nasa pang sampu raw ang ranking.

Pero ito ang dahilan kaya sobrang kinakabahan si Fidel.

Pinagalitan nya nga si AJ matapos nyang malaman kung sino sino ang mga bisita nito.

"Nagaalala kasi si Tito Fidel na baka mangyari ulit ang nangyari sa Hacienda Remedios nuon!"

Sabi ni Mel.

"Kaya pala walang tigil si Tita Ames sa paghahanap kay Lolo Lemuel!"

Sabi ni Eunice.

"Oo, kailangan makita agad ni Tita Ames ang Papa nya bago ang party para mabawasan ang kaba ni Tito Fidel!"

Sabi ni Mel.

Natanaw nila sa malayo si Fidel na kausap ang isang tauhan, nakatalikod ito sa kanila.

"Ahhh, kaya pala!"

Biglang bulalas ni Eunice.

"Anong kaya pala Sissy?"

"Kaya pala nauubos na ang buhok ni Tito Fidel sa tuktok!"

"Shhhh! Sissy madinig ka!"

*****

Hindi pa nakakaalis sa bahay ng dating katiwala ng Hacienda Remedios si Leon kaya madali itong nakita ni Ames.

Akala nya, itataboy na sya ng tuluyan ni AJ pero hindi nangyari, pumayag ito sa extension na hiniling ni Leon.

Ang katwiran ni AJ, 'Keep your enemy closer'.

"Magandang gabi Don Leon!"

Bati ni Ames dito.

"Ano ang nagdala sa magadang dilag sa bahay na ito?"

"Hindi ko alam na makata ka pala, Don Leon!"

Tila may kiliting hatid sa kanya ang pagtawag ni Ames sa pangalan nya.

"Maari ko bang malaan ang pangalan ng magandang dilag na ito?"

"Ako si Ames, Don Leon, anak ako ni Lemuel Alvarez! Hindi na ako magpapaliguy ligoy pero nadinig ko ang interview mo kaya ako narito, hinahanap ko ang Papa ko!"

"Pasensya na binibini pero, hindi ko alam! Minsan lang kami nagkita ni Lemuel at hindi na naulit iyon!"

"Maaring hindi mo alam pero pakiramdam ko kilala mo kung sino ang nakakaalam! Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang taong nakakaalam ng kinaroroonan ng Papa ko, kapalit ng isang mahalagang impormasyon?"

"Mahalagang impormasyon... ?"

"Tungkol sa pagkatao ni Aaron!"

Tila pumapalakpak ang mga tenga ni Leon.

Malaking impormasyon ang ibibigay ni Ames kapalit ng maliit na impormasyon makukuha sa kanya. Sinong hindi tatanggapin ang deal na ito.

Kaya hindi na nagpatumpik tumpik si Leon at sinabi na nyang si Cong. Mendes ang nagtatago kay Lemuel.

Ibinigay ni Ames ang sobre na naglalaman ng DNA result nila ni AJ.

Hindi kaagad ito binuksan ni Leon. Inihatid muna nya si Ames sa kotse nya.

"Ms. Ames, magiingat ka kay Cong. Mendes, hindi sya madaling kausapin!"

"Naintindihan ko, sana magustuhan mo ang impormasyon binigay ko sa'yo! Hangang sa muli!"

Sabi ni Ames bago ito nagpaalam.

Magaan ang loob nya kay Ames, masarap itong kausap.

Nasilip na ni Leon na DNA result ang ibinigay ni Ames sa kanya pero hindi pa nya nakikita ang resulta.

Dahan dahan nyang binuksan ang DNA result at nakita nyang DNA ito ni Ames at ni AJ.

NEGATIVE.

Nangiti si Leon.

'Tama nga ang sapantaha ko, hindi nga magkamag anak si Aaron at si Lemuel!'

'Pero hindi sapat ito para patunayang anak nga sya ni Jaja!'

'Ano kayang gagawin ni Congressman kay Lemuel pag nalaman nya ito?'

'Kung ano man yun, wala na akong pakialam, wala akong planong sabihin sa kanya ang natuklasan kong ito!'

Related Books

Popular novel hashtag