Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 410 - Simbolo

Chapter 410 - Simbolo

Nakakahalata na si Cong. Mendes.

"May hindi tama!"

Hindi nya maipaliwanag pero ramdam nyang may MALI.

"Bakit ganun, ni hindi man lang nya pinansin ang regalo? Pinaghandaan ko pa naman yun para makuha ko agad ang pansin nya! Kaya nga pangalan ni Lemuel ang ipinalagay ko!"

Hindi na mawala ang nararamdaman nya, alam nyang may mali at gusto nyang malaman kung ano yon.

Agad nyang pinuntahan si Lemuel sa silid nito at ginising.

"Congressman, tungkol ba saan ito, madaling araw pa lang, pwede bang ipagpabukas mo na lang?"

May pagka iritang tanong ni Lemuel.

Nasira kasi ni Cong. Mendes ang tulog nya at gusto nyang bumalik sa pagtulog.

"Gusto ko lang ibalita sa'yo na dumating na ng Hacienda Remedios ang apo mong si Allan!"

Nagising ng tuluyan si Lemuel ng madinig ang sinabi ni Cong. Mendes.

"Talaga? Kung ganun, dapat na tayong magtungo duon sa Hacienda Remedios ng makita ko na sya!"

Buong pananabik na sabi ni Lemuel.

Bumangon ito agad para magayos subalit...

"Tulog na ang mga tao sa mansyon ngayon, alas dos pa lang, kaya hindi na tayo papasukin duon!"

Paliwanag ni Cong. Mendes.

"Kahit hindi sa mansyon, kahit duon sa bahay ni Leon! At least mas malapit iyon sa mansyon kesa dito sa bahay mo na napakalayo!"

Napakalayo nga ng pinagdalhan sa kanya ni Fidel.

Matandang bahay ito ng mga Mendes na matatagpuan sa dulo ng probinsya. May apat na oras mula sa mansyon ng mga Raquiñon.

Pero hindi lang iyon ang dahilan kaya gusto ni Lemuel na umalis sa lugar na ito.

Ayaw nya kasi dito.

Masikip ang silid na tinutulugan nya dito na isang servant quarter lang kumpara sa silid na tinutuluyan nya sa bahay ni Leon.

Magisa lang naman sya sa silid pero naliliitan sya at hindi sya makakilos, tapos hindi pa sya pinalalabas ng servants quarter ni Cong. Mendes. Bisita sya dito kaya ipinagtataka nya kung bakit dito sya pinatulog ni Congressman.

'Mas mainam pa ang tinutulugan ko sa bahay ni Leon, malaki at hindi malamok!'

Kita ni Cong. Mendes ang pagkadismaya ng mukha ni Lemuel.

'Grabe, feeling ba nya importante sya?'

"Lemuel, hindi na tayo makakabalik duon sa tinutuluyan ni Leon dahil pinapaalis na sila ng mayari ng bahay!"

"Ha? hindi sa kanya yung tinitirhan nya?"

"Oo, sa anak yun ng dating katiwala ng Hacienda Remedios!

May itatanong nga pala ako sa'yo kaya kita ginising!"

"Tungkol saan Congressman?"

"Sabi mo may katibayan ka na magpapatunay na apo mo nga si Allan, ano yung katibayan mo na yun? DNA test ba?"

"Ito ang picture ni Jethro, ang ama ni Allan.

Sa lahat ng anak nya, yang si Allan ang kamukhang kamukha ng manugang ko!"

Kinuha ni Cong. Mendes ang picture at totoo nga, kamukha nga ito ng huwad na Aaron na nasa mansyon ngayon.

Pero ....

"Hindi ito sapat! May mga tao talagang magkakahawig ang mukha! Ang kailangan natin ay matibay na ebidensya, gaya ng DNA para mapatunayan na apo mo nga si Allan!"

Sabi ni Cong. Mendes.

"Bakit, aanhin mo ang DNA test? Hindi ba mas makakabuti ngang walang nakaka alam na hindi totoong anak ni Jaja ang apo kong si Allan?"

Napatigil si Cong. Mendes. Paano nya ba sasabihin sa taong ito na gusto nyang gamitin yun para mahawakan nya sa leeg si Allan?

'Muntik na ko dun! Kailangan kong magisip mo muna bago magsalita sa taong 'to!'

"Ehem, tama ka Lemuel, mas makakabuti ngang iilan lang tayong nakakaalam na apo mo ang Aaron na nasa mansyon!"

Nakaramdam ng yabang si Lemuel. Nababasa nya ang kilos ni Cong. Mendes, alam nyang gusto nitong sumakay sa pagiging haciendero ng apo nyang si Allan.

"Congressman, kung hindi tayo makakapunta sa Hacienda Remedios, maari bang ilipat mo ako ng tulugan? Sobra kasing liit nito at sobrang init! Nais ko sanang lumipat sa isa sa mga silid sa bahay mo!"

Mayabang na sabi nito.

'Kung gusto mong sumakay sa kapangyarihan ng apo ko, diba dapat lang na manuyo ka rin sa akin?'

Ito ang totoong ibig sabihin ni Lemuel.

Nakaramdam ng inis si Cong. Mendes.

'Ang yabang nya! Hmp!'

'Bakit ba hindi na lang sya magpasalamat at kahit papaano maayos ang tinutulugan nya!'

'Pag nainis ako sa matandang ito, duon sa kwadra ko ito patutulugin! Nakalimutan ba nyang taong grasa sya?'

Inayos ni Cong. Mendes ang sarili bago hinarap si Lemuel.

"Lahat kasi ng silid ay okupado na, wala ng bakante na pwedeng paglipatan mo! Pero huwag kang magalala, gagawan ko ng paraan!"

Sabi ni Cong. Mendes sabay talikod.

Naiirita na sya kay Lemuel.

*****

Sa Aaron Mansyon.

Iniwan na nila Fidel at Mel si AJ para matulog. Hindi ito interesado kung anuman ang laman ng kahon.

Kaya kasama si Mel, dinala ni Fidel ang kahon sa silid nya.

"Sigurado ka bang gusto mong mag stay para samahan ako sa pagbukas ng kahon?"

Tanong ni Fidel kay Mel

"Opo Tito Fidel!"

"Hindi ka natatakot?"

"Hindi po! Sa tingin ko po hindi bomba yan, wala akong naririnig na ingay!"

"Syempre, hindi pa sya sumasabog!

Paano pag bomba, anong gagawin mo?"

"Tatakbo po ako ng mabilis! Hehe!"

"Okey sige, bahala ka dyan! Bubuksan ko na!"

"Teka, teka po! Magbilang po muna kayo! Hindi pa ako naka ready eh!"

'Baliw din sa kakulitan 'tong kaibigan ni Aaron! Hehe!'

"Okey sige, bibilang ako ... one ... two .... three!"

Biglang takbo ni Mel ng makitang binuksan na ni Fidel ang kahon.

Nasa labas na sya ng madinig ang halakhak ni Fidel.

"Hahaha!"

Dahan dahang sumilip si Mel sa pinto.

"Tito Fidel, ano pong laman, bakit po kayo tumatawa dyan?"

"Halika tingnan mo!"

Nagdadalawang isip si Mel.

'Titingnan ko ba o hindi?'

'Pero mukha namang hindi sya bomba, nakangiti si Tito Fidel eh!'

Dahan dahan itong lumapit sa kahon.

"Singsing?"

"Bakit nya bibigyan ng singsing si AJ Dude ko?"

"Gusto ba nyang mag propose kay AJ Dude ko?"

Sunod sunod na tanong ni Mel.

"Hahahaha! Nakakatuwa ka talaga Mel!"

Kinuha ni Fidel ang singsing at ipinakita ng malapitan kay Mel.

"Ang simbolo ng singsing na ito ay ang kapangyarihan ng may ari ng Hacienda Remedios!

Nagpagawa si Don Aaron ng singsing para ipakita sa lahat na sya ang nagmamay ari ng buong Hacienda Remedios.

Ibinigay nya ito kay Jaja bilang susunod na magmamayari ng Hacienda Remedios nung araw ng sunog!"

"Ah, ganun pala, masyado pa lang meaningful ang singsing na 'to!"

Pero nagulat sya ng biglang hinagis ito ni Fidel sa kahon.

"Akala ko po ba mahalaga yung singsing, bakit nyo po ihinagis?"

"Dahil fake yan!"

Po?"

Related Books

Popular novel hashtag