Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 407 - Tantanan

Chapter 407 - Tantanan

Ngunit akala ba ni Cong. Mendes ganun nya kadaling mapapaikot si Leon?

Alam ni Leon na pinasasakay lang sya nito at naamoy din nya na may masamang balak ito sa kanya.

Kaya lihim din syang nag imbestiga tungkol kay Lemuel.

Sa totoo lang pride at greediness lang nya ang pumipigil para maniwala sya na si AJ ay totoong anak ni Jaja.

Pero tanggapin man nya o hindi may kutob syang totoo ito.

'Kahit na ganid ako, hindi ako kriminal na kagaya mo, Cong. Mendes! Hindi ako makakapayag na iako mo lahat sa akin ang mga pinaggagawa mo! Malalaman ko din ang plano mo sa matandang yan!'

*****

"Lemuel, may gustong ipagawa sa'yo ang kaibigan kong si Leon!"

Sabi ni Cong. Mendes.

"Ano yun, Congressman? Sabihin mo lang, basta kaya ko!"

"Sabi kasi ni Leon na gusto nyang tawagan mo ang apo mong si Allan, gusto nya kasing makausap ito. Pwede mo ba syang tawagan at papuntahin dito?"

Dinahilan nya si Leon na lagi nyang ginagawa pero sa totoo lang si Cong. Mendes ang totoong may plano nito lahat.

Pero paano naman sya mapagbibigyan ni Lemuel kung hindi nito alam kung paano kokontakin si AJ?

'Papaano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ko alam paano kokontakin si AJ?'

Kita ni Cong. Mendes ang pagaalinlangan sa mata ni Lemuel.

"Bakit, hindi mo ba alam ang numero nya? Huwag kang magalala, nakuha ko na ang number nya!"

Sabay abot ng cellphone kay Lemuel na tanging numero ni AJ ang nandun.

Hindi alam ni Lemuel kung ano ang mararamdaman, nagdadalawang isip syang tawagan ito. Hindi nya sure kung kakausapin sya ni AJ. Alam nyang masama ang loob nito sa ginawa nyang paggamit kay Eunice.

Pero anong magagawa nya, nasa gipit syang sitwasyon, kailangan nyang subukan.

Gusto nya ng privacy pagtumawag kay AJ para makausap ito ng maayos, pero hindi sya iniwan ni Cong. Mendes.

"Hello? Sino 'to?"

Sagot ni AJ na nasa kabilang linya.

"AJ kamusta, pwede ba tayong magusap?"

TUT TUT TUT TUT

Ibinaba ni AJ ang phone ng mabosesan nya si Lemuel.

Inaasahan na ito ni Lemuel pero nagkunwari pa rin itong kausap si AJ, hindi nya ipinahalata kay Cong. Mendes na wala na syang kausap.

"Oo apo pasensya na, alam kong busy ka! Sige aabangan ko ang tawag mo kung kelan ka pwede!"

At ibinaba na ni Lemuel ang phone.

"Masyado raw syang busy kaya hindi kami pwedeng mag usap! Pero may plano raw syang makipagkita sa akin, antayin ko lang daw ang tawag nya! Hehe!"

Pagsisinungaling ni Lemuel.

Kita sa mukha nito na nagsisinungaling sya.

Nangiti na lang si Cong Mendes.

"Okey sige antayin natin ang tawag nya!"

"Pwede bang sa akin muna 'tong cellphone Cong. Mendes, para matawagan ko ulit sya?"

"Oo naman!"

Nakangiti lang ito na parang sinasabing naintindihan nya.

'Tama Lemuel tawagan mo ng tawagan ang apo mo at siguraduhing darating sya, dahil kung hindi ikaw ang mananagot!'

'Naka plano na ang lahat, kailangan mapasunod ko si AJ na parang isang puppet para mapakinabangan ko ang Hacienda Remedios at sa huli pati ang Perdigoñez! Hehehe!'

Nuong una ang plano nya gamitin si AJ para makontrol nya ang Hacienda Remedios pero ng malaman nyang isang Perdigoñez ang fiancé nito, mas lalo syang naging gahaman. Gahaman sa kapangyarihan.

'Kapag nagkataon sigurado ang pagupo ko sa pagka presidente ng bansang ito! Hehehehe!'

*****

Sinong tumawag, bakit hindi mo kinausap?"

Tanong ni Eunice kay AJ ng makitang biglang nagbago ang mood nito matapos makatanggap ng tawag.

Naghahanda na sila papuntang Hacienda Remedios. This time mag roroad trip sila para ma enjoy ang byahe.

Si Lola Inday at ang alalay nito ay pinasama na ni AJ sa chopper kasama ni Belen at Gene dahil baka hindi makaya ang malayong byahe.

"Si Lemuel! Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang number ko!"

Sagot sa kanya ni AJ.

"Eh, bakit mo sinagot, hindi naman naka register yung number?"

Tanong ni Eunice.

"Blinock ko na hindi na makakaulit iyon!"

Inakap sya ni Eunice at nilambing para mawala ang pagka badtrip nito.

Milky, huwag natin sirain ang araw natin sa mga walang kwentang tao!"

Malambing na sabi ni Eunice sabay halik kay AJ sa lips na ikinagalak ng puso ng huli.

'Tama si Coffee ko! Bakit ko pagiintindihin ang mga ganung klasen tao?'

At sinuklian din nya ng nagaalab na halik ang halik ni Eunice.

"Ehem! Tama na yang tukaan, Sissy, AJ Dude! Malayo pa ang byahe natin!"

Awat ni Mel sa dalawa.

Sama sama silang apat na mag roroad trip. Idea ito ni Kate para daw ma enjoy nila ang nature.

Nakangiting naghiwalay ang mga labi ng dalawa pero hindi ang mga kamay ni AJ na nasa bewang ni Eunice.

Tapos na silang maghanda at pasakay na ng sasakyan ng muling mag ring ang phone ni AJ. Hindi ito ang numerong gamit ni Lemuel pero hindi rin naka register.

"Sino na naman kaya ito?"

"Hello?"

"Aaron, si Don Leon ito, gusto sana kitang makausap!"

"Paano nyo po nakuha ang numero ko?"

"Si Cong. Mendes ang nagbigay sa akin. Wala akong masamang intensyon gusto ko lang hilingin na sana madugtungan ang araw ng pananatili ko dito sa Hacienda Remedios!"

"Si Tiyo Fidel po ang kausapin nyo tungkol dyan! Sige po!"

Ibinaba na ni AJ ang phone.

Katulad ni Lemuel, hindi rin nya gusto na makipagusap sa taong ito.

Badtrip na naman si AJ.

"Milky Honey, sino na naman yang kausap mo at badtrip ka na naman?"

"Yung matandang leon sa hacienda!"

Itinulak ni Eunice si AJ papasok ng sasakyan sa may likod na ikina out balance nito kaya pahiga syang napasakay. Saka kinuha ang susi at inihagis kay Mel.

"Beshy, ikaw muna ang magdrive, ichu tune up ko muna si Milky!"

Sabay dive kay AJ sa likod ng sasakyan at binigyan ito ng passionate kiss.

Walang nagawa si Mel at si Kate sa dalawa na nasa loob.

'Naman, naunahan kami!'

Ito ang nasa isip ng dalawa ng magkatingin bago sumakay ng sasakyan.

Kabibili lang ni Mel ang bagong SUV na ito kaya naisipan nilang mag road trip.

"Melabs, pwede ba nating lagyan ng kurtina dito sa pagitan para hindi natin sila nakikita?"

Tanong ni Kate kay Mel.

"Kate MyLabs naman, hindi karo ng patay itong sasakyan ko, ba't lalagyan ko ng kurtina?"

"Hahaha!"

Napatigil sila Eunice at AJ sa kanilang ginawa dahil natawa sa comment ni Mel.

"Sige na Mel Buddy, okey na ko! Let's go!"

Sabi AJ.

"Grabe AJ Dude, ilang round kaya ng lipstulips ang gagawin nyo bago tayo makarating sa Hacienda Remedios? Daming nambabadtrip sa'yo ah, mukhang hindi na makapag antay sa pagdating mo!"

Sabi ni Mel.

"Gusto mo Melabs pustahan tayo? Pag nanalo ako tabihan mo ako sa kama mamaya, pag nanalo ka, akong tatabi sa'yo sa kama mamaya!"

Mel: "?????"

'Diba pareho lang din yun?'

"Ayaw! Andun ang nanay mo ang lola mo at higit sa lahat, ang dalawang lolo mo! Gusto mo bang isako nila ako tapos ay gawing scarecrow?"

"HAHAHAHA!"

Napuno ng tawan at kulitan ang byahe nila.

***

Pag dating nila ng north luzon express way muling tumunog ang phone ni AJ.

This time inagaw ni Eunice ang phone nito at sya ang sumagot.

Ibang number na naman at hindi rin naka register.

"Hello! Kung sino ka man po, pwede bang tantanan nyo na po ang pag tawag sa numerong ito dahil wala po syang oras para kausapin kayo!"

Sabay baba ng phone at inoff ito.

Nangiti naman si AJ sa ginawa ng Coffee nya.

Samantala.

"Sino ba yung sumagot? Bwisit, ambastos, napaka walang modo! Hindi naman sya ang gusto kong makausap! At saka, bakit nasa kanya ang phone ni Aaron?"