Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 400 - The List

Chapter 400 - The List

Samantala.

Sa loob ng office ni President Reyes.

Hindi pa rin nito matanggap na ipapasa ni Edmund ng basta basta kay Eunice ang buong korporasyon.

"Hindi na sya nagiisip! Anong klaseng leader yan, hindi man lang marunong mag desisyon ng tama?"

Wala syang kamalay malay na ibinibigay na ni Secretary Lyn ang mga importanteng files kila Earl at Reah na hindi ipinaalam sa kanya.

'Bakit, hindi na naman sya ang may hawak nito saka magre resign na naman sya kaya bakit kailangan pa nyang malaman?'

Wala ng pakialam si Secretary Lyn ngayon kay President Reyes dahil inaprubahan na sya ni Earl. Starting tomorrow, sa kanya na sya magrereport.

Hindi na mahalaga sa kanya kahit anong trabaho basta may trabaho sya.

Tuwang tuwa naman ang dalawa dahil walang kahirap hirap nilang nakuha ang lahat.

Pero si President Reyes hindi pa rin maalis ang inis kaya...

"Alangan naman umalis ako dito ng basta basta! Syempre kailangan kong mangiwan ng remembrance, Hehe!"

Kaya tinawagan nya si Berna, ang taong alam nyang may galit sa mga Perdigoñez.

"Hello?"

"Berna, Berna, Berna! Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon at parang busy ka? Hindi ka tuloy updated sa nangyayari dito sa NicEd!"

"Hello, President Reyes, ikaw pala! Tungkol ba saan ang tawag na ito? Makikinabang ba ako o ikaw?"

Hindi sila close at kailanman hindi sila nagkakausap ng taong ito kaya nagtataka sya kung bakit sya biglang tinawagan nito.

Kaya nagtataka sya.

"Magreresign na kasi ako sa NicEd dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga desisyon ng CEO!"

Sabi ni President Reyes

"So, tinawagan mo ako just to tell me that?"

"Well yes Berna! Kasi malapit ng lumubog ang NicEd!"

"Ha? I'm confused!"

"Si Edmund gusto ng ibigay ang posisyon nya sa anak nyang babae kaya tyak kong nalalapit na ang paglubog nito!"

Paliwanag ni President Reyes.

"Ahhh, ganun pala! So, what it's gonna do with me? Ano naman sa akin kung gawin ni Edmund yun?"

Nalilito pa ring tanong ni Berna.

"Hindi ba gusto mong maghiganti sa mga Perdigoñez? This is a good opportunity! Madali mo ng makukuha ang NicEd Corp kapag ang anak na ni Edmund ang may hawak! Hehe!"

"Oh! ... Now I understand!"

"Ako ang nag tip sa'yo kaya huwag mo akong kalilimutan!"

Nakangiting sabi ni President Reyes.

"Okey!"

At ibinaba na ni Berna ang phone.

Naintindihan na nya ang dahilan ng tawag ni President Reyes.

"Nakakatawa itong si President Reyes, I'm sure hindi sya pinilit ni Edmund na mag resign, gusto nyang gawin you dahil ayaw nyang maging under sa mas bata sa kanya lalo na sa isang babae!"

"Pero bakit parang bitter sya? Sya naman ang gustong magresign! At ang nakakatawa, gusto nya akong gamitin sa paghihiganti nya! Hahaha! Baliw na matanda!"

"Saka, wala naman akong planong maghiganti sa NicEd, wala namang ginawang masama sa akin ang NicEd. Ang gusto ko lang ay gamitin ang NicEd para madali akong makabalik sa dating ako!"

Ang plano nya ay gamitin ang NicEd para madali nyang maisakatuparan ang paghihiganti nya, pero wala syang planong ano mang masama sa NicEd Corp na pagaari ni Edmund.

Wala syang galit kay Edmund.

Hindi ang NicEd ang may gawa sa kanya ng paglubog nya kundi ang Perdigoñez International.

"Tsk! Tsk! Tsk! Poor President Reyes, he is so blind!"

"Sa sobrang kitid ng utak nya hindi nya nakikita ang galing ng mga tao sa paligid nya!"

"Ang hindi nya alam, sya ang magpapabagsak ng NicEd Corp pagnagtagal pa sya sa doon!

Mabuti at nakita agad ito ni Edmund!"

At hindi rin alam ni President Reyes na ang Pampangga Branch ang una sa pinagpipilian nyang imanage nuon.

Kumpara kasi kay President Reyes na sobrang kitid ng utak, mas mamamanage ni Berna ng mabuti ang Pampangga Branch dahil marunong syang tumungin sa galing at potential ng isang tao gaya nila VP Annie at Manager Lance na matagal na dapat na promote pero pinipigilan ni President Reyes. Ayaw nitong maungusan sya ng dalawa.

At kahit na malupit at nakakainis si Berna, may kakayahan itong mailabas ang galing ng isang tao.

And because she did her homework, nalaman na nya kung gaano kagaling ang anak ni Edmund na si Eunice kaya hindi na sya nagtaka kung ilipat ni Edmund ang posisyon nya dito.

Hindi sya naiinggit kay Eunice bagkus na iinpired sya sa galing nito.

"Saka, hindi ba alam ni President Reyes na isang Perdigoñez din si Eunice?"

*****

Habang busy si Eunice sa bago nyang posisyon, may mga tao naman nagdedebate tungkol sa kanya.

Marami kasing kumukwestyon sa pagkakasama ng pangalan nya sa listahan ng Best Entrepreneur of the year at nagkakalat na sila sa social media.

At ang pasimuno nito ay nagmula mismo sa mga member ng committee ng Young Entrepreneur.

Hindi kasi sila naniniwala sa galing at husay ni Eunice dahil nga sa may kumakalat na balitang hindi sya ang totoong nag mamanage ng Tulip Gaming Company kundi ang ama nitong si Edmund.

Hindi nila itong matanggap at gusto nilang magprotesta pero hindi nila magawa kaya, sa social media sila nagprotesta at marami tuloy ang nadismaya.

"Ate Eunice! Ate Eunice!"

"Earl ano ba? Ilang beses ko bang sasabihin sayong huwag kang tumakbo! Hindi naman ako aalis!"

"Ate Eunice naman, natutuwa lang ako pag ginagawa ko sa'yo yun! Ang cute mo kasi!"

Sabay ngiti ni Earl.

'Haaay magpa cute ba talaga?'

"Ano ba yun, Earl?"

"See this, naka trending ka sa social media!"

"Ha? Bakit?"

Nagulat si Eunice dahil hindi na sya gaanong makapag online sa dami ng ginagawa lately.

"Tungkol dun sa Best Entrepreneur of the year award, maraming nagpoprotesta na alisin ang pangalan mo sa list!"

"Ha? Nasa list ako?! Paano naman napasama dun ang pangalan ko?"

Nagtatakang tanong ni Eunice. Hindi nya kasi ito binibigyan pansin kaya hindi nya alam na kasama pala sya sa list.

"Hindi mo alam na kasama ka sa list ng Best Entrepreneur of the year? Hindi ba sinabi ko sa'yo ang tungkol dito?"

"Ewan ko hindi ko maalala!"

Hindi kasi sya interesado kaya hindi nya maalala.

"Haaist, Ate Eunice talaga, nagkakagulo na dahil sa'yo wala ka pa ring pakialam dyan!"

"Bakit kailangan ba akong magkaroon ng pakialam?"

"Syempre Ate Eunice! Nagpoprotesta sila sa'yo kahit hindi ka nila kilala kaya natural lang na makialam ka!"

"Okey sige!"

Simpleng sagot ni Eunice.

After an hour may nilabas na post ang Tulip Gaming Company na nagrerequest na tanggalin ang pangalang Eunice Nichole Perdigoñez sa list ng Best Entrepreneur of the year award.

Reason:

"I don't deserve to be part of that list kung hindi complete ang tiwala sa akin.

"At isa pa hindi ko naman kinakailangan mapasama sa list para lang patunayan sa kanila kung karapat dapat ba ako o hindi!"