Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 392 - Ang Itinatago Ni Fidel

Chapter 392 - Ang Itinatago Ni Fidel

"Fidel, gusto naming makausap si Aaron. Nasaan ba sya at kelan sya babalik dito?"

Nagulat si Fidel sa biglang paglusob sa kanya ng mga taong ito.

Kelan lang sila nagkakilala ng magtungo rito para sabihing isa silang Raquiñon.

Pero batid ni Fidel na hindi lahat ng kaapelyido ni Don Aaron ay kamaganak nya. Karamihan nakikisawsaw lang sa lakas at kapangyarihan ng angkan nila.

"At bakit nyo naman hinahanap ang pamangkin ko?"

Mariin nyang sabi sa makakapal ang mukhang kaharap nya.

"Dahil hindi kami pumapayag sa magaganap na engagement party na yan! Hindi pa nga nya naipapakilala sa amin ang babaeng yan engage na agad!"

"Tama! Sa sitwasyon ni Aaron ngayon na syang may ari ng Hacienda Remedios, natural lang na dikitin sya ng kung sino sinong babae lang, at marami dyan ay mapagsamantala!"

"Kaya dapat lang na kilatisin muna namin ang babaeng pakakasalan nya, hindi kami makakapayag na basta na lang sya magpakasal sa babeng yun na tyak naming yaman lang ang habol sa kanya!"

Sabi nila, na parang totoong concern pero pare pareho silang pansarili lang ang dahilan.

"Tapos na ba kayong magsalita? Mawalang galang na sa inyo, pero pwede bang magsilayas na kayo!"

Tinatamad na sabi ni Fidel.

Wala syang panahon sa mga ganitong klaseng tao.

"Teka nga Fidel, bakit ganyan kang magsalita sa amin? At kung tratuhin mo kami, wala kang respeto! Isa kaming Raquiñon baka nakakalimutan mo? Dapat mo kaming igalang katulad ng pag galang mo sa amo mong si Aaron!"

Mayabang na sabi nila.

Para sa kanila isa lamang tauhan ni AJ si Fidel at sila lamang ay may karapatang tawaging pamilya ni AJ dahil isa silang Raquiñon.

"Wala akong pakialam kung sino kayo, at wala din kayong karapatan na pakialaman ang gusto ni Aaron! Hindi kayo close!"

Sabi ni Fidel.

Maging sya man ay hindi pa rin nakikilala si Eunice pero hindi sya katulad ng mga ito na pakialamero.

"Aba't ... "

"Anong walang karapatan? Pamilya nya kami kaya natural lang na makialam kami!"

"Tama! Ikaw ang walang karapatan! Hindi ka naman isang Raquiñon, kaya bakit ganyan kang umasta? Gusto mo bang isumbong namin kay Aaron ang hindi magandang trato mo sa amin?"

BLAG!

Naririndi na si Fidel sa kanila.

"Una, hindi kayo magkamaganak ng pamangkin kong si Aaron, magka apelyido lang kayo, kaya huwag kayong assuming dyan!

Pangalawa, matanda na si Aaron para magdesisyon sa sarili nya kung sino ang gusto nyang pakasalan, kaya tumigil na kayo sa mga ambisyon ninyo! Alam ko yang mga iniisip nyo! May mga babae kayong gustong ireto sa kanya kaya gusto nyong pakialaman ang life ng pamangkin ko!

At ikatlo, itigil nyo na yang mga walang kwentang bagay na pinagsasabi nyo, magsilayas na kayo at huwag na kayong babalik dito sa mansyon!. Hindi kayo welcome dito!"

At binitbit na sila ng security ng mansyon.

Matapos ipakaladkad ni Fidel ang mga makakapal ang mukha, humahangos namang dumating si Jose.

"Fidel, tingin ko kailangan nyong mapanood ito!"

Pagbukas ng tv, nakita nya si Leon na nasa isang local talk show, iniinterview.

°°°°°

Leon:

"Inuulit ko, impostor ang lalaking nagsasabing sya ay anak ni Jaja!

Totoong may anak na lalaki si Jaja pero may malubhang karamdaman ang batang yun na ikinamatay nya!

Uulitin ko, patay na po ang anak totoong anak na lalaki ni Jaja na si Aaron Jeremy Raquiñon kaya ang taong nasa Mansyon ngayong ng Hacienda Remedios ay isang IMPOSTOR!"

Host:

"Sir ... "

Leon:

"Don Leon! Tawagin mo akong Don Leon hindi Sir dahil isa akong DON!"

Host:

"Sorry po Don Leon.

Itatanong ko lang po, paano nyo po nalaman na isang impostor ang binatang nag ke claim na sya ay anak ni Mr. Jaja at kasalukuyang nasa mansyon ngayon ng Hacienda Remedios?"

Leon:

"Dahil kelan lang, nakausap ko mismo ang lolo ng impostor na yan na si Lemuel Alvarez. Sya ang lumapit sa amin sa tulong ni Cong. Mendes!

Ang sabi ni Mr. Lemuel, ang impostor daw na nagpapanggap na si Aaron Raquiñon ngayon ay ang apo nyang si Allan Rosales! Ang anak nyang si Ames Rosales ang nanay ni Allan Rosales at ang apo nyang iyon ay ang matagal ng nawawala dahil kinidnap ito nuong bata pa!"

Host:

Kung matagal na po syang nawawala, paano daw naman nya na sure na syanga yung Allan na apo nya?"

Kinuha ni Leon ang picture ni Allan nung bata pa at ipinakita sa kamera.

Leon:

Ito ang larawan ng apo ni Lemuel. Mag iisang taon na ng una nilang makita si Allan at unang kita pa lang nya ay tyak nyang apo nya raw ito!"

Host:

"May DNA test po ba na magpapatunay dito?"

Leon:

"Oo naman!"

Pero wala naman sinabi si Lemuel sa kanya tungkol sa DNA test.

Host:

"Pero ano pong dahilan at nagpapanggap ang lalaking iyon na sya ang anak ni Jaja na si Aaron?"

Leon:

"Dahil kay Fidel Franco!"

Host:

"Teka po, yung Fidel Franco po ba na tinutukoy nyo ay ang kalalaya lang na ex convict?"

Leon:

"Tama sya nga ang kriminal na yun! Sya ang nagplano ng lahat ng ito!"

Host:

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

Leon:

"Si Fidel Franco ang taong pumatay kay Jethro Rosales, ang ama ni Allan Rosales, ang batang na kidnap nuon!

At ang nagdala sa impostor na yan ay walang iba kundi si Fidel Franco!

Naniniwala ako na si Fidel ang syang kumidnap kay Allan nung bata pa ito para gamitin upang magpanggap na anak ni Jaja!

Bakit? Dahil may plano dyang angkinin ang Hacienda Remedios!"

°°°°°°°

Napatingin si Jose kay Fidel binabasa ang expression nito pero kalmado lang ito.

"Anong tinitingin tingin mo dyan Jose? Napagbayaran ko na ang kasalanan ko!"

Tanong ni Fidel.

"Minsan mong nasabi na kaya mo sya pinatay dahil sya ang utak sa sunog na naganap dito. Totoo ba ito? Yun bang tao na yun ang totoong dahilan kaya namatay si Don Aaron at ang buong angkan nya?"

"Hindi na yun mahalaga ngayon Jose, tapos na yun!"

Pero kay Jose hindi pa!

Buong akala nya aksidente lang ang nangyari dahil iyon ang sinasabi ng imbestigasyon. Yun ang pinaniwalaan nya kahit na ipinagtapat sa kanya ni Fidel ang totoo ng dalawin nya ito sa kulungan.

'Bakit nya ipinagtapat sa akin ang totoong dahilan kaya nya pinatay ang taong iyon pero hindi nya sinabi sa lahat?'

Related Books

Popular novel hashtag