Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 381 - Getting Out Of My Comfort Zone

Chapter 381 - Getting Out Of My Comfort Zone

Si Lemuel.

Ilang buwan na nyang lihim na minamanmanan sila Eunice at AJ sa TAMBAYAN restaurant.

Alam na nya ang routine ng dalawa kaya dito nya sya pinagmamasdan, inaalam ng palihim ang mga kilos nila. Saka ito na lang ang tanging lugar na alam nyang pinaglalagian ni AJ.

Wala naman sumisita sa kanya dahil kusang lumalayo ang mga tao pag nakikita sya.

Pagkatapos nyang makatakas, sa kalsada na sya nanirahan, pagalagala kahit na pipilay pilay.

At dahil nga sa hindi na nya maitapak ang paa na nabaril, meron tumulong sa kanya na gumawa ng improvise na saklay.

Kung titingnan mo, wala na sya sa katinuan, pero yun lang ang gusto nyang makita ng tao sa kanya, dahil malinaw pa ang pagiisip nya.

Masaya na sya at kuntentong tinitingnan ang dalawa habang nagiisip ng paraan kung paano nya muling makakausap si AJ.

Sa isip nya, hindi sya matitiis ng APO nya.

'Kahit anong mangyari, apo ko sya kaya tyak kong hindi nya ako matitiis sa ganitong kalagayan!'

Minsan lumalapit ito ng mas malapit pag may gusto syang malaman at inaalam kung kelan ang araw na magkasama sila AJ at kung kelan magisa lang ito.

Pero, nagulat na lang sya ng biglang hindi na nya nakikita si AJ. Lumipas ang mga linggo at isang buwan tila walang AJ na dumarating kung kelan nakaisip na sya ng paraan kung paano ito lalapitan.

Sasaktuhin nya ang pagalis nito at saka sya lilitaw para masagasaan nya. Titiyakin nya na si AJ lang magisa at wala itong kasama.

'Pag nakita ako ng apo ko, tyak maawa yun at makokonsensya!'

Tuwang tuwa sya sa magandang plano nya.

Pero nasaan si AJ? Bakit hindi sya dumating sa araw na nabuo na nya ang plano nya? Pati si Eunice ay wala rin ng araw na iyon.

Nasaan ang dalawa?

Ang hindi nya alam, yun ang araw ng alis ni AJ patungong farm.

Hindi naman agad sya nagalala nung una pero magdadalawang buwan na, wala pa rin syang AJ na nakikita.

Nagtataka na sya kaya muli nyang minanmanan si Eunice ng mas malapit lalo na ngayon na magkasama sila ni Nichole.

'Ito lang ang taong makapagtuturo kung nasaan ang apo ko!'

Nang palapit na sya, napansin nyang biglang huminto si Eunice.

'Naramdaman kaya nya ako?'

'Lintek na bata ito ang lakas kasi ng pakiramdam!'

Huminto sya at umaarteng sinto sinto.

Mahangin ng mga oras na iyon, uulan ata, kaya maraming nagliliparan. Saktong dumapo sa mukha nya ang dyaryo ng lumingon si Eunice at pinakiramdaman ang paligid.

Naiinis si Lemuel sa dyaryo dumapo sa mukha nya, itatapon na sana nya ito ng mabasa ang pangalan ni AJ sa dyaryo.

Malalaki ang letra kaya madali nyang napansin ito. Wala man ang picture ni AJ, natitiyak nyang sya ang tinutukoy sa balita.

Binasa nya kahit wala syang salamin.

Ganito sya napansin ni Eunice, kaya hindi nito maiwasang magtaka.

Matagal na nyang napapansin ang mga pulubing narito pero ngayon lang sya nakakita ng taong grasa na seryosong nagbabasa ng balita.

"Eunice bakit?"

Nadinig ni Eunice na tanong ng ina mula sa loob ng sasakyan.

"May problema ba?"

Dugtong pa ni Nichole.

"Wala po Mommy! Tara na po!"

At sumakay na ito ng sasakyan. Nagmamadali kasi sila.

Naiinis naman si Lemuel ng mapansing ang pagalis ng sasakyang lulan ng magina.

At ng malayo na sila, saka lang tumayo at umalis si Lemuel.

Nagpunta sya sa isang lugar na mas tahimik at muli nyang binasa ang laman ng dyaryo sa pangalawang pagkakataon pero this time kinuha na nya ang salamin nya na buti na lang hindi nya naisipang isuot kung hindi, tyak na makikilala sya agad ni Eunice.

Ngunit, makailang beses man nya basahin ang dyaryo, iisa lang ang ibig sabihin nito, wala na dito si AJ nasa malayo na ito.

"Kung minamalas ka nga naman!"

Naitapon nya sa inis ang dyaryo pero muli nya itong pinulot.

"Kailangan kong itago ito, alam kong babalik sya! Siya ang may ari ng TAMBAYAN kaya natitiyak kong babalik sya! At sa oras na makita ko sya, gagawin ko na agad ang plano ko!"

"HAHAHAHA!"

Dumadagundong ang halakhak nya na kinilabutan ang mga nasa paligid nya kaya dumistanya ang mga ito, hindi lang isang metro.

"May tama na ang isang yan!"

"Halika duon na tayo dumaan, baka biglang mangagat yan!"

*****

Sa NicEd Corp.

Tahimik na pinakinggan ni Edmund ang proposal ng anak.

Ang gusto ni Eunice ay ialis ng tuluyan ang Tulip Company nya sa NicEd Corp. at gagawin nya yun sa pamamagitan ng ina.

Pumayag naman si Nichole sa gustong mangyari ng anak ang problema na lang ay ang Daddy nyang si Edmund.

"Eunice, batid mong hindi magagawang pakialam ni Berna ang Tulip Company mo pero bakit parang napaparanoid ka dyan. Huwag mong sabihing natatakot ka kay Berna?"

Tanong ni Edmund.

"Dad, hindi po ako natatakot kay Berna. Natatakot po ako na maging katulad ni Ate Caren!"

Sagot ni Eunice na nagpakunot ng noo ng mga magulang nya.

Nagpatuloy si Eunice.

"Dad, Mom, alam ko pong you always want what is best for me pero Mom, Dad, ayoko pong umasa sa inyo habang buhay. Ayoko pong dumating ang panahon na hindi ko alam ang gagawin ko! I need to learn from my mistake, I need to grow on my own para po maging malakas ako at mahusay katulad nyo! I need to get out of my comfort zone!"

Paliwanag ni Eunice.

Nangilid ang mga luha ni Nichole sa narinig sa anak hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.

'OMG, ang baby ko!'

Tatayo na sana sya para akapin ang anak pero ....

Inunahan sya ni Edmund na tumayo at inakap ng mahigpit si Eunice na ikinagulat ng magina.

"Waah, ang baby ko big girl na!"

Sabi ni Edmund habang akap ang anak. Hindi na rin nya napigilan ang maiyak sa sinabi ni Eunice.

'Alanghiyang Edmund 'to, inunahan ako!'

"Honey, matagal ng big yang anak mo!"

At tumayo na rin ito at inakap ang anak.

Proud na proud sila na napalaki nila ng maayos ang mga anak nila. Aminado silang kinakabahan sila habang lumalaki ang mga ito.

Paano ba naman sila hindi kakabahan sa edad ni Eunice ngayon na malayo na ang narating di tulad nila nuon na hinahanap pa rin ang mga sarili nila.

Si Edmund na lumaki sa isang marangyang pamilya ay mapagmataas at may pagka arogante at si Nichole naman na nuknukan ng pasaway.

"Lord thank you po at hindi naging pasaway ang anak ko! Huhuhu!"

Sabi ng dalawa habang akap akap pa rin si Eunice.

Eunice: (rolled eyes)

'Juskolord, bakit po ba super kulit ng parents ko?'

Related Books

Popular novel hashtag