Sa Hacienda Remedios.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito sa Mansyon ko?"
Tanong ni Leon sa binatang dumating.
"Magandang araw po!"
Nakangiting bati ni AJ.
"Hindi kita kilala! Sinong nagpapasok sa'yo?"
"Jose! Ising! Asan kayo? Bakit kayo nagpapasok ng kung sino sino?!"
Singhal ni Leon pero kahit wala pa ang mga tinatawag.
"Jose! Ising! Kardo! Lintek na! Asan na ba ang mga tao dito?!"
Pero ni isa sa tinawag walang dumating.
"Tapos na po ba kayong tumalak! Maari na po ba akong magsalita?"
Tanong ni AJ.
"Bastos ka, walang modo! Hindi mo ba ako nakikilala?! Ako ang may ari ng mansyon na 'to! Ang panginoon ng lupaing ito!"
Galit na sabi ni Leon.
"Ganun po ba? Magandang araw po! Ako naman po si Aaron ang anak ni Jaja at apo ni Don Aaron, ang TUNAY na may ari ng mansyong ito at ng Hacienda Remedios!"
Sabi ni AJ.
Nakaramdam ng panghihina ng mga tuhod si Leon ng marinig ang sinabi ni AJ.
"Hindi! Hindi totoo ang sinabi mo! Walang anak na lalaki si Jaja! Sigurado ko yan!"
"Oh, Nardo, nakilala mo na pala si Aaron! Good! Alam mo na siguro ang ibig sabihin nyan? Makakaalis ka na sa mansyon nya!"
Sabi ni Fidel sa kanya.
Nung unang araw pa lang na tumuntong si Fidel ng hacienda, sinabihan na nya si Leon na magimpake. Nagbigay pa ito ng notice, kaya wala ng maidadahilan pa si Leon.
"At bakit ako aalis? Anong karapatan nyong paalisin ako!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo Nardo! Kung ayaw mo sa maayos na usapan, huwag kang magrereklamo sa gagawin naming pagpapaalis sa'yo!
Men, ilabas nyo na sya at isama nyo na rin ang mga alagad nya!"
"Teka! Teka, sandali lang, pakiusap! Bigyan nyo naman kami ng palugit!"
Pagmamakaawa ng asawa ni Leon.
"Pasensya na po, Mam pero, dalawang dekada na po ninyong inangkin ang pagaari ko, tingin ko sobra sobrang palugit na po yun!"
Sabi ni AJ.
"Pero, saan kami pupunta? Wala kaming pupuntahan! Kaya nakikiusap ako, please kahit hanggang bukas lang sana?"
"Mam pasensya na rin po kung hindi ko po kayo mapagbibigyan! Pero pwede naman po kayong manatili pansamantala sa bahay, sa may dulong kanluran!"
Ang tinutukoy nyang bahay ay ang abandonadong bahay na pagaari ng unang katiwala sa Hacienda Remedios. Matagal ng walang nakatira dito.
"Pero, abandonado ang bahay na yun!"
"Anong problema? pwede pa naman tirhan yun! Saka hindi naman kayo magtatagal dun! PANSAMANTALA lang ang pagtira nyo dun, mga ilang araw lang. Buti nga nag offer pa si Aaron ng matitirhan nyo!"
"Hindi! Hindi ako aalis dito at hindi ninyo ako mapipilit!
At ikaw, sa tingin mo ba basta basta na lang ako maniniwala na anak ka ni Jaja? Hindi ako TANGA! Alam kong isa kang impostor at papatunayan ko yan!"
"Haaay naku puro ka dada! Bakit close ma kayo ni Jaja para malaman ang tungkol sa pamilya nya?"
"Walang nakakakilala sa kanya, kung talagang anak sya ni Jaja bakit hindi sya kilala ng mga taga rito, aber?"
"Sigurado ka? Natanong mo na ba si Jose? Sa tagal ni Jose dito, tyak na alam nya ang tungkol kay Aaron!
Jose!"
Tawag ni Fidel.
At saka lang lumapit si Jose ng tinawag sya ni Fidel.
"Walanghiya kang matanda ka, bakit ngayon ka lang nagpakita, kanina pa kita tinatawag?"
Singhal ni Leon
"Pasensya na po Sir, meron po kasi akong kausap kaya hindi ko nadinig!"
Sabi ni Jose sabay tingin sa katabi.
Ang katabi nito ay ang anak ng dating katiwala ng Hacienda Remedios, matalik itong kaibigan ni Jose at sabay silang lumaki dito sa hacienda.
"At sino naman yan?"
Tanong ni Leon
"Sya si Armando ang isa sa nakakaalam ng pagkatao ni Aaron. Isa sya sa mga tao na nakakaalam ng existence ni Aaron ang anak ni Jaja!
Paliwanag ni Fidel.
"Hindi! Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi nyo kahit ilan pa yang iharap nyo sa akin!"
Sigaw ni Leon
"Nagpapatawa ka ba? Hindi namin kailangan patunayan sa'yo ang tungkol sa anak ni Jaja! Bakit sino ka ba? Ni hindi ka nga taga rito sa bayang ito!"
Sarkastikong sabi ni Fidel.
Nabalitaan ni Armando ang tungkol kay AJ kaya sinadya nya ang kaibigan.
"Sige na, buhatin nyo na yang matandang linta na yan at ilabas! Tandaan nyo, huwag nyo na muling papasukin yan dito sa loob ng Hacienda Remedios! Maliwanag!"
"Yes Sir!"
Walang nagawa si Leon ng buhatin sya palabas ng mansyon. Nagsisigaw ito habang inilalabas.
"Hoy, tandaan nyo hindi pa ako tapos! Papatunayan kong isa lang yang impostor! Humanda kayo sa pagbabalik ko!"
"Oh, bakit bata? Anong iniisip mo dyan? Huwag mong sabihing naawa ka kay Nardo?"
Tanong ni Fidel ng mapansing malalim ang iniisip ni AJ.
"Wala po ito! Madami lang pong pumapasok sa isip ko ngayon!"
At isa na roon ang sinabi ni Leon.
'Isa nga ba akong impostor?'
"Huwag mong isipin ang sinasabi ni Nardo! Wala akong duda na anak ka ni Jaja at may mga papeles na magpapatunay na anak ka ni Jaja!"
'Tama si Tito Fidel, anak ako ni Jaja!'
Matagumpay na nakuha ni AJ ang mansyon at sinunod naman nya ang hacienda.
Maraming nagtayo ng bahay dito na kamaganak ni Leon at inangkin nila na parang kanila.
Pinalayas ito lahat ni AJ para maibalik na nya sa dati ang dating ganda ng Hacienda Remedios.
'Ngayong unti unti ng bumabalik ang kaayusan ng mansyon. Sa muling pagbabalik ko, pwede ko ng isama si Coffee dito!'
***
Samantala.
Nagpupuyos sa galit si Leon, hindi nya akalain na wala syang magawa sa isang bata lang na si AJ.
Lahat ng pulitiko na sinuhulan nya ng pera nuon para mapanatili nya ang kapangyarihan nya sa hacienda ay isa isa ng nawala sa kanya matapos nilang madinig ang nangyari kay Mayor.
"Hindi maari ito, kailangan may gawin ako!"
"Iisa na lang ang pagasa ko, si Cong. Mendes! Balita ko may nakuha na syang clue kung sino talaga ang impostor na yun!"
"Kailangan ko syang makausap!"
*****
Sa isang shelter sa labas ng Maynila.
Hindi alam ni Lemuel ang nangyayari kung bakit sya dinampot at dinala sa isang shelter.
Pero napaghandaan nya ang ganitong sitwasyon.
Nilinis ang sarili at nagpalit ng mas maayos na damit saka lumapit sa isang bantay.
"Pasensya na pero sino bang pwede kong makausap? May kailangan lang akong sabihin."
Sabi ni Lemuel sa isang babaeng nanduon na tumatayong in charge.
Sya ang namumuno sa shelter na ito na pinagdalhan kay Lemuel.
Nagtataka ang kausap ni Lemuel, hindi nya kasi sya nakikilala.
"Tungkol po ba saan lolo? Kasama po ba kayo sa nadampot?"
Tanong ng namumuno na nagtataka dahil maayos naman ang pananamit nito at malinis pa, hindi mapagkakamalang palaboy.
"Opo, Mam! Napasama lang po ako at nanduon po ako dahil may kailangan lang po akong gawin!"
Paliwanag ni Lemuel.
'Maayos magsalita ang matandang ito pero paano sya napasama sa cleaning operation?'
"Sir pasensya na po, hindi ko po alam kung bakit kayo isinama ng mga sundalong nagdala dito! Pero, may utos po kasi sa taas na wala pong pwedeng lumabas ng shelter sa loob ng tatlong araw. Kaya mag antay na lang po kayo!"
"Naintindihan ko po Mam!"
Hindi na nakipagtalo pa si Lemuel, alam nyang hindi nya magagawang makatakas, maraming nagbabantay sa labas. Pero ....
"Mam may isa lang po akong hiling, pwede po ba akong makiusap na pakitawagan ang numerong ito? Baka po kasi magalala sya kapag hindi nya ako nakita, may usapan kasi kami!"
At iniabot ni Lemuel ang isang calling card.
Nataranta ang namumuno ng makita ang pangalan na nakasulat sa calling card.
CONG. ARTURO MENDES JR.