"Inilayo ni Jaja sa mga tao ang anak nyang si AJ, pati sa pamilya nya. Ibinili nya ito ng bahay sa Bulacan para dun tumira sakaling hindi na ito gumaling. Tanging ang Mama nya lang na anak ko ang madalas na nagtutungo duon para sa bata. Pero nung mabuntis ulit ito at magkaanak muli, hindi na rin nya nadadalaw si AJ, kaya ibinilin sya sa amin ng asawa ko!
Pero .... hindi kami basta makadalaw sa Bulacan ng hindi nagpapaalam kay Jaja.
Naniniwala si Bernadette na may pagasa pang makakita ang anak nyang si AJ kaya kinulit nito ng kinulit ang asawa para mahanapan ng donor ang bata hanggang sa pumayag na rin ito basta pagkatapos ng operasyon ay ang mga magulang ni Bernadette ang mag aalaga sa bata.
Sabi kasi ng duktor kay Jaja, hindi tiyak kung magiging okey ang operasyon, gusto lang nyang pagbigyan ang asawang si Bernadette pero hindi ito pwedeng mawala sa tabi nya kaya napagusapan nilang ang mga magulang ng asawa ang magaalalaga.
"Nung araw ng bago ang sunog, naalala ko, nakatanggap kami ng tawag ng asawa ko mula sa anak kong si Bernadette. Pinapupunta nya kami ng ospital para sunduin si AJ at iuwi ng Bulacan! Hindi nya raw maasikaso ang bata dahil nga kailangan nilang magtungo sa Hacienda para kaarawan ni Don Aaron, ang ama ni Jaja!
Pero .... pero nung mismong araw ng sunog, tinawagan ulit kami ni Bernadette at umiiyak syang ibinibilin sa amin ang apo kong si AJ!"
Hindi na napigilan umiyan ni Lola Inday.
"Tinawagan kayo ng Mama ni AJ nung oras ng mismong sunog? Ibig sabihin alam ninyo na nasusunog ang Hacienda ng mga oras na yun?"
"Hindi! Kinabukasan pa namin nalaman! Ngunit dinig namin na medyo maingay ang background pero nasa party sya kaya hindi na namin pinansin, basta paulit ulit nyang sinabi sa apo ko na mahal na mahal nya ito!
Ramdam ko ang lungkot sa boses ng anak ko, halatang pinilit nitong pasayahin ang sarili nya para kay AJ. Nakakahalata na rin kasi ang bata sa lungkot ng boses ng ina!
Hinayaan na lang namin silang mag usap na mag ina. Akala kasi namin nagi guilty lang si Bernadette dahil wala sya sa tabi nito sa mga oras na kailangan sya ng apo ko! Hindi namin akalain na yun na pala ang huling oras na madidinig namin ang boses nya! Huhuhu!"
"Mabuti na lang at naoperahan ang bata bago namatay ang pamilya nya, pero sayang, sayang at hindi man lang nasilayan ni AJ ang mga mukha nila!
At ng ilibing namin sila, kami lang ang pamilyang nakipaglibing. Hindi namin nakasama nuon si AJ, naka benda pa ang mga mata nito at delikadong magka kumplikasyon kaya kinakailangan nyang maiwan sa bahay!"
"Ang apo ko, ang kawawa kong apo! Huhuhu!"
'Grabe pala ang nangyari sa batang iyon!'
Inantay muna ni Edmund na tumahan si Lola Inday bago sya muling nagsalita.
Manang Inday, huwag nyo po sanang mamasamain ang itatanong ko pero, tunay po ba nilang anak si AJ?"
"Bakit mo naman natanong yan?"
Inis na tanong nito.
"Kasi sabi nyo po ayaw syang ipakita ni Jaja sa mga tao, ibig bang sabihin, kinahihiya nga nya ang anak nya!"
"Oo! Tama ka, ikinahihiya nya nga ang anak nyang yan pero naniniwala akong hindi ampon si AJ! Andun ako ng manganak si Bernadette at si Jaja ang nagbigay ng pangalan sa bata! Yung Aaron mula sa lolo nya at ang Jeremy ay mula sa kanya! Si Bernadette naman ang nagbigay ng palayaw na AJ!"
"Mahal na mahal nila ang batang yan nung isilang sya, pero dahil sa kapabayaan ng naging yaya ni AJ, naaksidente ang bata at nabuhusan ang mga mata nito ng likidong panglinis na ikinabulag ng bata! Hindi man sinasabi ng anak ko pero parang sinisisi sya ni Jaja sa nangyari sa anak!"
Muling naiyak si Lola Inday.
*****
Samantala.
"Bebe ko, ito ang bagong restaurant na sinasabi ko sa'yo! Balita ko masarap daw dyan at mura pa!"
Sabi ni Jeremy kay Bea.
Natanggap na sya sa inaplayan nyang trabaho inaya nya ang asawa nyang kumain dito sa restaurant na ito.
"Hmmm, mukhang maganda nga ang ambience!"
"Welcome po Sir, Mam! Table for two?"
"Yes, please!"
Dinala sila sa isang malapit sa bintana pero bago naupo, napansin ni Bea si Eunice sa di kalayuan.
"Look who's here?"
Bulong nya kay Jeremy sabay nguso sa kinaroroonan ni Eunice.
"May naisip ako, ito na ang pagkakataon ko ng makaganti sa babaeng yan! Dun tayo sa table nya mauupo, oorder din tayo ng madami tapos iiwan natin sya!"
Pabulong na sabi ni Jeremy na nangingisi pa sa naisip nya.
Nangisi din si Bea na sumasang ayon sa idea ng asawa.
"Ahhh, Miss! Ano bang pinakamasarap nyong dish dito? Oorderin ko lahat, okey!"
Sabi ni Jeremy sa waitress.
"Eto po ang menu Sir!"
Buong ngiti nitong iniabot ang menu.
'Grabe naka jockpot ata ako! Malamang malaking magbigay ng tip ito!'
"No Miss hindi ko na kailangan ang menu dahil lahat ng nakalagay dyan sa menu kukunin ko! Pero gusto ko duon mo dalhin sa table na yun!"
"Po? Dun po sa table ni Miss Eunice?"
"Yes, duon nga! Magkakilala kami at iniexpect nya kami at sya ang nagpa order lahat ng iyan!"
"PO?!"
"Yes, Miss, pakidala na lang duon sa table na yun ang lahat ng order ni Eunice!"
Dugtong pa ni Bea.
Sinabi nilang order ito ni Eunice para sya ang singilin at hindi sila.
At nagtatawanan pa ang dalawa na iniwan nila ang waitress na nagtataka sa sinabi ng dalawa.
Lumapit sila sa table ni Eunice.
"Ehem!"
Pero hindi natinag si Eunice. Nakatutok ang mata nito sa computer at mabilis ang mga kamay na pinipindot ang keyboard.
"Ehem! Ehem! Eunice kamusta ka na?"
At naupo na ang dalawa kahit na hindi iniimbita.
Malaki ang table ni Eunice at magisa lang sya, kaya anong masama kung maki share sila sa table nya.
"Hmmm!"
Tanging sagot ni Eunice na hindi man lang sila tinitingnan.
"Ms. Eunice, eto na po ang coffee nyo!"
Sabay baba ng isang tasang kape sa harap ni Eunice.
"Salamat ... Lyn!"
Sabi ni Eunice na sinulyapan muna ang pangalan ng waitress bago sya tingnan, na ikinatuwa naman ng wairess.
Napataas ang kilay ni Bea.
'Kanina pa kami dito ni hindi man lang kami sinulyapan, samantalang nung dumating yung waitress nakangiti pa syang tiningnan sya ng nagpasalamat!'
Nagngingitngit ito sa ginagawang pagbabalewala ni Eunice sa kanila.
Nagmumukha tuloy silang tanga.