Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 288 - Nagsisinungaling Sya.

Chapter 288 - Nagsisinungaling Sya.

Sa pangungulit ni Jeremy, walang nagawa ang mga magulang nito kundi ang umalis.

Kasama si Elaine, umuwi sila ng bahay na puno ng paghihinala kay Jeremy.

"Hindi tayo dapat umalis! Pakiramdam ko may inililihim sa atin si Jeremy!"

Sabi ni Elsa sa asawa.

"Oh, teka, teka, huwag mong sabihin babalik ka ng ospital?"

Hinarang sya ni Jericho para hindi umalis.

"Pero nagaalala ako sa anak mo, paano kung puntahan sya ng Papa roon?"

"Sa tingin ko hindi pa alam ng Papa na naospital si Jeremy, sa tingin ko iba ang dahilan kaya nya tayo pinaalis!"

"At paano ka naman nakakasiguro?"

"Iba kasi ang ikinikilos ng anak mo, para syang excited kanina!"

Napansin din ito ni Elsa.

Kung ang Lolo nga nya yun, hindi ganun ang ikikilos ni Jeremy.

"Sa tingin ko rin po, Mama! Baka naman po babalik dun si Eunice kaya nya tayo pinaalis!"

"Tama si Elaine, Elsa! Baka gusto nilang magkasarilinan!"

"Okey, sige, hindi na ako pupunta! Pero bukas maaga pa lang pupunta na ako ng ospital at hindi nyo na ako mapipigilan!"

"Oo at sasamayan ka namin!"

*****

Samantala.

Nagiguilty naman si Eunice dahil sa smack na yun ni AJ. Nagiguilty sya dahil pakiramdam nya pinagtaksilan nya si Jeremy. Hindi nya kasi makalimutan ang halik na yun.

"Ano ba Eunice? Tumigil ka nga! May boyfriend ka remember? So bakit halik ng iba ang iniisip mo?"

Suway ni Eunice sa sarili.

"Mali ito! Mali ito! Erase, erase, erase!"

Pero sa tuwing pipikit sya bumabalik sa alala nya ang halik na yun.

"Hindi pwede ang ganito, nasa ospital ang boyfriend kong si Jeremy tapos kumekerengkeng ang isip ko! Hmp!"

Kinuha nya ang cellphone at dinayal ang number ni Jeremy.

Sa ospital.

Kanina pa nanabik si Jeremy sa pagdating ni Bea.

'Ano ba naiinip na ako, anong oras ba sya darating?'

Kaya ng biglang tumunog ang phone nya, agad nitong sinagot, hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag.

Sinagot nya ito ng buong pananabik.

"Hello, Bebe ko, ang tagal mo naman, kanina pa kita inaantay!"

Buong lambing na sabi nito.

Nagulat si Eunice, ngayon lang sya tinawag nitong 'BEBE KO'.

Nagulat man, nangiti pa rin si Eunice. Ang sweet kasi ng pananalita ng nobyo.

"Hello Jeremy, Bebe ko, pasensya na naligo pa kasi ako!"

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy ng madinig ang boses ni Eunice.

"Eunice?"

Tiningnan nito ang cellphone nya para masigurong si Eunice nga ang kausap.

"Yes, Jeremy ko, bakit may inaantay ka pa bang iba?"

Pabirong sabi ni Eunice.

"Uhm, wala, akala ko kasi yung pinsan mo ang kausap ko!"

Naniwala naman si Eunice.

"Kumain ka na ba, Bebe ko?"

"H-Hindi pa, inaantay ko kasi ang tawag mo!"

"Ganun ba, sorry hindi ko alam! Bakit nga pala tahimik dyan, ala ka bang kasama? Gusto mo bang samahan kita?"

"HUWAG!"

Nagulat si Eunice sa biglang pagtaas ng boses nito.

"Bakit?"

Tanong ni Eunice.

"Kasi .... gabi na! Baka mapagalitan ka pag umalis ka ng gabi! Saka sinong maghahatid sa'yo pauwi?"

"Oonga pala!"

"Huwag kang magalala may kasama ako, si Mama! Lumabas lang sya sandali para bumili ng pagkain!"

Pagsisinungaling nya.

Saktong nadinig ni Jeremy ang boses ni Bea sa labas may binibilin sa mga nurse.

Bigla itong na excite. Nakalimutan nya na kausap pa nya si Eunice sa kabilang linya.

"Hello, kamusta ang pakiramdam mo?"

Buong ngiti at may kapilyuhang bati ni Bea.

Napansin agad nito na may kausap si Jeremy.

"Okey naman ako!"

Ramdam ni Eunice ang sigla sa boses ni Jeremy.

"Uhm, Jeremy, sinong kausap mo?"

Tanong ni Eunice.

Tila bumalik ang wisyo ni Jeremy ng madinig ang boses ni Eunice.

"Ha? Ah, eh... Si Doc! Chinichek ang pulso ko!"

'Chinichek lang ba, bakit pakiramdam ko may iba pang ginagawa yung duktor na yun sa kanya?'

"Ganun ba? Anong sabi nya?"

"W-Wala pang s-sinasabi!"

"Jeremy, ano bang ginagawa sa'yo ni Doc, pakausap nga!"

"Te-Teka, wala namang ginagawa s-si Doc sa akin! Bakit kailangan mo syang kausapin?"

Pero hindi totoo ito, dahil habang magkausap ang dalawa, dahan dahang hinahalikan ni Bea ang mga binti ni Jeremy pataas.

Hanggang sa .... hindi na makontrol ni Jeremy ang sarili nya.

"S-Sige na Eunice, andito na si Mama, kakain na ako! Saka nga pala, huwag ka ng magpunta dito dahil baka makalabas na rin ako sabi ni Mama! Tawagan na lang kita! Bye!"

At ibinaba na nito ang phone.

Ramdam ni Eunice na nagsisinungaling sa kanya ang nobyo.

Back sa hospital.

"Bea, Bea, teka lang .... teka lang sandali!"

Nagulat ito ng makitang wala na itong saplot pati sya.

"Bakit ayaw mo?"

Panunukso ni Bea.

"Syempre gusto, gustong gusto! Pero nasa ospital tayo, baka biglang me pumasok!"

"Huwag kang magalala nag bilin na ako sa nurse station na huwag magpapasok dito dahil binibigyan kita ng general check up! Saka ni lock ko ang pinto! Hehe!"

Nang marinig ito ni Jeremy, agad syang binigyan nito ng isang mariiing halik.

"Miss .... na .... miss na ... kita!"

***

After a few moments later.

"Kamusta ang generel check up ko, doc, nasiyahan ka ba?"

Tanong ni Jeremy.

Pareho silang hinihingal na nakahiga sa kama ng ospital.

"Bitin, parang di pa ako satisfied!"

Sagot ni Bea.

"Ah, ganun ha!"

Muli itong pumwesto para halikan si Bea pero hinarang sya nito.

"Nope! Bago yan, ipaliwanag mo muna sa akin kung bakit ka inatake ng anxiety?"

Related Books

Popular novel hashtag