Samantala.
Dismayado naman ang pamilya ni Jeremy lalo na ang mama nitong si Elsa ng wala silang naabutan sa ospital.
"Ano bang problema ng batang yun at bakit basta na lang umalis ng hindi tayo inaantay?"
Reklamo ni Elsa.
"Huwag ka ng mag init ng ulo dyan at baka mapano ka pa! Ang mahalaga ay alam nating okey na si Jeremy! Mabuti pa umuwi na lang tayo at baka nasa bahay na iyon!"
Sabi ng asawa nyang si Jericho.
Ngunit pag dating nila ng bahay, wala pa rin dun si Jeremy pero may bisita silang hindi nila inaasahan.
Si Ames.
"Ate Ames, anong ginagawa mo dito? Diba nasa Australia ka? Kelan ka umuwi?"
Sunod sunod na tanong ni Jericho sa kapatid. Halatang excited ito sa pagdating ng kapatid.
"Papasukin mo muna ako, me kelangan tayong pagusapan!"
Seryosong sabi ni Ames.
Nagkatinginan ang magasawa, kinakabahan.
"Ate Ames, nag almusal ka na ba? Teka ititimpla kita ng kape!"
"Salamat! Nasaan si Jeremy?"
Muli silang nagpalitan ng tingin na nahuli ni Ames.
"Bakit, may nangyari ba dito?"
"Eh, ate Ames, na ospital kasi si Jeremy, nag collapse sya kahapon!"
"Ha? Bakit?"
Hindi nila alam kung papaano sasabihin kay Ames ang sinabi ni Jeremy sa kanila.
"Pwede ba tigilan nyo na ang mga tinginan na yan at nakakairita!
Kung ayaw nyong sabihin sa akin ang nangyayari, pwes ako may sasabihin sa inyo!"
"Pinuntahan ng Papa si Sir Garry para tulungan sya nitong kumbinsihin si Edmund na pakasalan si Jeremy! Now tell me magsasalita ba kayo at sasabihin ang nangyayari o magpapalitan na lang kayo ng tingin dyan?!"
Napipikong sabi ni Ames.
"Ate Ames, hindi naman sa gusto namin maglihim sa'yo, huwag ka naman magalit!"
"Saka Tita Ames, wala din po kaming alam tungkol sa mga pinagagawa ni Lolo kay Kuya! Kahapon lang po namin nalaman ng maospital si Kuya, ipinagtapat po nya sa amin! Kaya huwag na po kayong magalit kila Papa at Mama!"
Paliwanag ni Elaine.
"Wala naman po talaga silang kasalanan dito, si Kuya Jeremy lang po ang nakipagusap kay lolo dahil marami itong inuutos at pinagagawa sa kanya pero hindi po nya sinabi sa amin!"
Dugtong pa ni Elaine.
"Pinagagawa? Inuutos? Ano ano naman ang mga iyon? Sinabi ba ni Jeremy?"
"Sabi po ni Kuya, inutusan sya ni Lolo na ligawan si Eunice para maging girlfriend nya tapos po ng maging girlfriend na nya , inutusan naman syang makipag engage dito! At ito pong huli inayos na daw po ni Lolo ang wedding date nila, handa na raw po ang lahat at mamanhikan na raw sila dahil sa ikalawang buwan na gaganapin ang kasal!"
Tumayo si Ames, nagpupuyos sa galit.
Anong room number ni Jeremy?"
"Kaya lang Ate, kasi ... nawawala si Jeremy, umalis ng ospital at hindi namin alam kung nasaan!"
"Tinawagan nyo na ba?"
"Ilang beses na pero hindi sinasagot, baka lowbatt."
"Anak ng .... !
Hindi ba nagiisip ang anak mo? Alam ba nya itong gulong pinapasukan nya?!
Personal akong tinawagan ni Sir Garry dahil hindi nya nagustuhan ang ginawang pagpunta ng Papa! Hiyang hiya ako sa ginawa ng Papa, tapos malalaman ko na involve si Jeremy dito? Hindi ba sya nagiisip?!"
Hindi sila nakapagsalita dahil napuno ng kaba ang lahat.
"Ate, hindi kaya, pinadukot na nila si Jeremy?"
Kinakabahang tanong ni Jericho.
"Huh?! Jusko ang anak ko!"
"Tumigil nga kayo! Hindi basta basta kikilos ang mga Perdigoñez ng ganun lalo na't ipinaubaya ni Sir Garry sa akin ang lahat!"
Kinuha nito ang phone at dinayal ang number ni Edmund.
"Edmund, Pards, pasensya na pero ... may kailangan kang malaman!"
*****
Pag alis ng restaurant, agad na sumakay ng taxi si Eunice at dumiretso sa kompanya ng Daddy nya.
Pagpasok ng office nya, naabutan nya si Edmund, nakaupo sa chair nya.
"Daddy? Bakit po kayo nasa office ko? May mali po ba sa trabaho ko?"
"Close the door and lock it anak, then come here and give me a hug!"
Nagtaka si Eunice sa utos ng ama pero sumunod pa rin ito.
"Bakit po Daddy, nagaway po ba kayo ni Mommy?"
"Hindi anak, na miss lang kita!"
Sa totoo lang awang awa sya sa anak ng madinig kay Ames ang totoo kaya naisipan nyang magtungo sa office nito kaya ng makita nya ang anak, feeling nya kailangan nito ng hug.
"Ows? Bakit parang sad kayo dyan?"
"Eh kasi nga miss na kita! Hindi na kita masyadong napagkikita, lagi na lang kayong magkasama nung mokong na boyfriend mo!"
Nangiti si Eunice
'Hehe! Mokong! Bagay nga kay Jeremy ang tawagin syang mokong!'
"At anong ibig sabihin ng mga ngiti mong yan?"
Tanong ni Edmund.
"Kasi po, Daddy kong pogi, simula po ngayon makikita nyo na ulit ako ng madalas!"
"Hmmm, anong meron, magaasawa ka na ba?"
Nanunukso pero kinakabahang tanong ni Edmund.
'Nabilog na ba ng husto ng mokong na yun ang baby girl ko?'
"Hahahaha! Si Daddy talaga!8
Bakit nyo po nasabi yan? Daddy naman, gusto nyo na ba akong ipamigay? Bata pa po ako, madami pa po akong gustong gawin! Saka hindi pa po ako sawa sa pagiging single!"
"Good! Eh ano ba ang gusto mong sabihin?"
"Break na po kami ni Jeremy!"
Napa 'ohhh' si Edmund pero walang sound. Ayaw nyang ipahalata sa anak na nagsasayaw sa kaligyahan ang puso nya.
"Bakit anak, anong nangyari? Sinong nakipag break?"
Buong pagpipigil na tanong ni Edmund.
Excited sya tuwang tuwa. Pero hindi dapat makita ni Eunice kaya pinipigilan nyang mangiti.
Ramdam ni Eunice ang saya ng Daddy nya kahit hindi nito ipakita.
'Si Daddy talaga...'
Nakipagkita po si Jeremy sa akin kasama ang babaeng mahal nya! Nagtanan po ata sila! Remember Dr. Beatriz Fuentes ng elite group?"
"Yung galit na galit sa'yo at sinisisi ka sa pagkawala nya sa elite group?"
"Yes Dad syanga po! Sya din po yung kasama ni Jeremy kanina!"
"Alam ba ni Jeremy na magkakilala kayo nung duktor na yun?"
"Mukhang ngayon alam na nya po!"
Pinagmasdan ni Edmund ang anak.
"Eh ikaw, kamusta ka naman? Kung ano man ang nararamdaman mo tell me, please!"
"Daddy I'm okey! Actually im feeling relieved!"