Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 285 - Dahil Anak Kita, Kilala Kita!

Chapter 285 - Dahil Anak Kita, Kilala Kita!

"Coffee?"

"What happen?"

Nagaalalang tanong ni AJ.

Sinalubong nya si Eunice ng makita nito ang itsura ni Eunice pagpasok sa tambayan nila.

Hindi makapagsalita si Eunice, para itong batang lumapit kay AJ at inakap sya, umiiyak.

Tiningnan ni AJ ang dalawa, nagtatanong.

"Si Jeremy!"

Sagot ni Kate.

"Kate!"

Sabay siko ni Mel sa nobya.

"Bakit, totoo naman ah?! Sya ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon si Eunice!"

Paliwanag ni Kate.

"Pero ... pare pareho naman nating hindi alam kung ano talaga ang nangyayari!"

Sabi ni Mel.

Ganito si Mel, ayaw nyang nanghuhusga ng basta basta, kailangan malaman muna nila kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga tinginan ng magkakamaganak kanina, kahit na maging sya ay nailang.

Pero iba si Kate. Mabilis itong magisip at pinagaralan nya ang bawat kilos at reaction nila kanina. Psychologist kasi sya.

"May something na ginawa si Jhay na hindi nya dapat ginawa!"

"Huh?"

"Yun ang nabasa ko sa mukha nila at sa reaction ni Jeremy ng makita nya ang parents nya. Halatang hindi alam ng mga ito ang relasyon nila at mukhang ayaw ipaalam ni Jeremy! Pero bakit?"

Habang ipinapaliwanag ni Kate ang obserbasyon nya, lalo naman bumigat ang pakiramdam ni Eunice, Kanina, hindi nya ito naobserbahan, NARAMDAMAN NYA.

Yung feeling na hindi sya part ng buhay ni Jeremy kahit na sya ang girlfriend nito.

Hindi nya maintindihan pero yun ang naramdaman nya. Kaya ngayon umiiyak sya.

Kailangan nilang magkausap ni Jeremy.

"Sige lang Little Coffee ko, if you need my body to cry on, I'll be your slave!"

Napatigil si Eunice sa pagiyak ng madinig ang sinabi ni AJ.

Tila nakalimutan ni Eunice ang lahat ng sakit na nararamdaman, pati dahilan ng pagiyak nya.

'"Anong pinagsasabi mong I'll be your slave?! Baliw!"

Sabay hampas sa dibdib ni AJ na napansin nyang nabasa na pala ng luha nya.

"Ay, sorry Milky, nadumihan ko ang shirt mo!"

"Okey lang Coffee ko, basta okey ka!"

Sabay pisil sa ilong nito.

"Uyyyy, ang sweet nila .... sarap kurutin! Coffee nya at Milky nya, eeeeiiiii! Hihihi!"

Tukso ni Mel na kinikilig pa.

"Umayos nga kayong dalawa, naiinggit tuloy si Melabs ko!

Lika nga dito Melabs ko!"

Sabay hawak ni Kate sa dalawang pisngi ni Mel at hinalikan ito sa labi.

'Sino kayang nang iinggit dyan?'

Sabay sila Coffee at Milky ng iniisip habang pinagmamasdan ang patuloy na halikan ng dalawa.

*****

Sa ospital.

"Magtapat ka nga Jeremy, kinausap ka ba ng Lolo mo lately?"

Tanong ni Elsa sa anak.

"Ba-Ba-Bakit nnyo po na-nasabi yan?"

Nabubulol na tanong ni Jeremy.

"Dahil ANAK KITA kaya kilala kita!

Simula pa nung bata kayo si Kate ang mas gusto mo sa kanilang dalawa, gusto mong kasama at gusto mong kalaro kesa kay Eunice., Ipinipilit lang sa'yo ng Lolo mo na dumikit ka kay Eunice dahil gusto nyang kayo ang magkatuluyan!

Ngayon tell me and look me straight in the eye, wala ba talagang kinalalaman dito ang Lolo mo?"

Napatungo na lang sya, hirap na hirap na sya sa pagsisinungaling sa mga magulang nya dahil sa Lolo nya at ngayon, hindi na nya kaya.

Alam ni Elsa ang tipong babae ng anak, attracted ito sa magaganda at may pagka palaban, saka wild. Marahil batid nya ang kahinaan nya kaya mas gusto nyang mas malakas at matapang ang babae sa kanya.

Matapang din naman at malakas si Eunice pero .... mabait ito at straight saka, hindi nya magawang mahalin ito ng higit pa sa nakababatang kapatid.

Inihanda na ni Jeremy ang sarili sa kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nila ni Eunice kaso dumating si Bea sa buhay nya.

At nakita nya lahat kay Bea ang hinahanap nya sa isang relasyon. Mapusok ito may pagka wild at palaban, pagkasama nya ito sumasaya sya at nakalimutan nya ang lahat ng problema nya. Masasabing si Bea ang LAKAS nya.

"Elaine, may alam ka ba dito?"

Tanong ni Elsa.

"Mama, alam ko pong may relasyon sila ni Eunice, kumalat po kasi yang balita last year, pero ... hindi ko po alam ang tungkol kay Lolo!"

Dismayado nyang tiningnan ang kuya nya.

Muling bumalik ang tingin nila kay Jeremy.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na nilapitan ka pala ng Lolo mo?"

Tanong ni Jericho sa anak.

"Nakalimutan mo na ba ang bilin ng Tita Ames mo? Ano bang pinagagawa nya sa'yo, anak?"

Hindi ito galit, mahinahon ang salita.

Naintindihan nya ang pinagdadaanan ng anak dahil maging sya ay kinontrol din ng ama.

Pero, papaano ba ipapaliwanag ni Jeremy sa mga magulang nya ang gustong mangyari ng Lolo nya?

"Papa, Mama totoo po ang relasyon namin ni Eunice, nangyari yun dahil sa utos ni Lolo at ngayon, gusto ni Lolo na pakasalan ko sya after 2 months!"

""ANOOO???!!!"

Nagpapanik ang tingin nila.

"Alam na ba 'to ni Nicole?"

"Si Edmund anong sabi?"

"Wala pa po silang alam?"

"HUH???!!!"

"Pinaglalaruan mo lang ba si Eunice?"

"Hindi po sinusunod ko lang po ang utos ni Lolo!"

"Paano naman ang feelings ni Eunice? Iniisip mo ang utos ng Lolo mo pero hindi mo inisip na masasaktan mo si Eunice?!"

"Anong tingin mo kay Eunice Kuya, collateral damage?"

Tila natauhan si Jeremy.

From the start aminado syang hindi nya naisip ang mararamdaman ni Eunice, ang tanging nasa isip nya ay sya ang biktima ng ambisyon ng Lolo nya.

Isa isang sinalaysay ni Jeremy ang mga nangyari, mula sa simula. Ang mga pinagagawa ng Lolo nya at ang mga dahilan kung bakit sya napilitan gawin iyon.

Panic.

"Jusmiyo Jeremy, takot na takot ka sa Lolo mo pero hindi ka natatakot sa pwedeng gawin sa'yo ni Edmund sa panggagamit sa anak nya?!"

Nagpapanic na talaga si Elsa.

Kilala nya si Edmund, baliw yun pag galit.

"Hindi lang si Edmund ang dapat nating isipin pati mga Perdigoñez! Papaano kung malaman nila na pinaglalaruan mo lang si Eunice, baka buong angkan natin mawala sa mundo!"

Ninenerbyos na sabi ni Jericho.

Bata pa sya binalaan na sya ng ate nya na huwag na huwag nyang gagalitin ang mga Perdigoñez.

Hindi ito kaylanman pumasok sa isip ni Jeremy, ngayon lang. Nakaramdam sya bigla ng sobrang takot.

Takot na bumabalot sa buong pagkatao nya physically and mentally.

"Help me Pa, Ma, please!"

Muling nanikip ang dibdib nya.