"Apo, kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, nagawa mo na ba?"
Tanong ni Lemuel kay Jeremy.
Pagkatapos ng isang buwan na huli silang magkita, naisipan nya itong tawagan at kamustahin.
"Nagawa ko na po!"
Sagot ni Jeremy.
Totoo namang nagawa na ni Jeremy na mag propose kay Eunice pero hindi na nito sinabi ang buong nangyari.
"Magaling, apo! Hehehe! Kelan ang kasal?"
Tuwang tuwang tanong ni Lemuel.
"Lolo, pwede po ba, tigilan nyo po muna ako! Ginawa ko na po ang gusto nyo kahit hindi pa ako handang magpakasal, pero nagaaral pa po ako at hindi pa po ako sawa sa pagkabinata, so please Lo, huwag nyo naman po akong madaliin, bata pa po ako!"
Pakiusap ni Jeremy.
At binaba na nito ang telepono.
Nagulat si Lemuel sa ginawa ng apo pero hindi ito galit dahil masaya sya, walang mapaglagyan ang saya nya.
"Sige Jeremy, pagbibigyan kita sa ngayon, magpakasawa ka sa pagka binata mo! Pero pag sinabi kong oras na para magpakasal ka, magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo! Bibigyan kita ng isang taon! Hanggang matapos ang graduation mo, sapat na yun!"
At nagkulong na ito sa study room at plinano ang kasal ng dalawa.
Habang abala si Lemuel sa pagpaplano ng kasal ng dalawa, si Jeremy naman nababaliw na kay Bea.
Hindi maintindihan ni Jeremy kung anong gayuma ang meron itong si Bea, hindi na sya mawala sa isip nya.
"Lolo mo?"
"Hmmm..."
"Paano kung malaman nyang tinanggihan ni Eunice ang singsing at ibinigay mo na sa akin ito?"
Sabay tingin sa singsing sa daliri nya.
Nangiti si Jeremy ng makitang masayang pinagmamasdan nito ang singsing sa daliri nya.
"Hayaan mo sya! Naibigay ko na yan sa'yo kaya hindi ko na babawiin!"
"Teka engagement ring mo ito, remember? Ibig bang sabihin engaged na ko sa'yo?"
"Gusto mo ba?"
"Bakit hindi! Hihihi!"
Kinikilig na pinupog nito ng halik si Jeremy.
*****
Simula ng tanggihan ni Eunice ang proposal ni Jeremy, napansin nyang may nagbago sa nobyo.
Mabait pa rin sa kanya ang nobyo at maasikaso pero ramdam nyang may nag iba at nakakaramdam tuloy sya ng lungkot bagay na napuna agad ni Mel ang best friend nya.
"Sissy, what's wrong? May problem ka ba?"
"Uh, wala, okey lang ako!"
"Okey? You don't look okey! Tungkol ba kay Jeremy?"
Tumahimik si Eunice ayaw nyang magsalita dahil baka malaman ni Kate.
Natunugan naman agad ni Mel ang pananahimik ng kaibigan.
"Sissy, kung inaalala mo si Kate, huwag kang magaalala hindi ko sa sasabihin sa kanya! Anong problem? Si Jeremy ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?"
"Oo!"
"Bakit anong ginawa ni Jeremy sayo?"
"Wala!"
"Wala?! Akala ko ba may problema?"
"Yun nga Beshy, walang nagbago sa mga ginagawa nya sa akin, yung pagaasikaso nya yung responsibilidad nya as a boyfriend, the same pa rin naman kaya lang ...."
"Kaya lang ano?"
"Para kasing may nagiba sa kanya!"
"Anong ibig mong sabihin sa may nag iba, Sissy?"
"Para kasing hindi sya masaya, hindi ko alam pero ... ramdam ko parang napipilitan lang sya! Kahit nakangiti siya halata pa rin na kulang ang mga ngiti nya!"
"Tinanong mo ba kung bakit?"
"Hindi ko alam kung papaano ko sya tatanungin eh, ganun pa rin naman sya sa akin, hindi naman sya nagkukulang!"
"So anong plano mo? Obviously affected ka!"
"Hindi ko nga alam, Beshy!"
"Sissy matanong ko lang, huwag mo sanang mamasamain pero sa tingin mo ba mahal ka ba ni Jeremy? I mean, alam kong mahal ka nya pero, mahal ka ba nya gaya ng pagmamahal mo sa kanya?"
Hindi alam ni Eunice kung papaano nya sasagutin si Mel.
Nuon pa man ramdam na nyang sya lang ang kinikilig sa relasyon nya pero binalewala nya ito, lalaki si Jeremy at natural sa lalaki na hindi showy sa feelings nila pero nakakabitin lang kung minsan.
"Beshy sa tingin mo ba may other woman si Jeremy?"
"Sino naman ..... si Patricia?"
Nangingiting sabi ni Mel
"Huh, Si Patricia? Si Ms. Valedictorian nung highschool?"
"Hehe! Oo! Syanga! Napansin ko kasi syang matayagang nagaantay kay Jeremy nung isang araw. Mukhang close sila!"
Napataas ang kilay ni Eunice.
"Talaga lang huh?"
"Mukhang feeling girlfriend nga e! Pumulupot agad kay Jeremy ng makita sya!"
Nakaramdam ng selos si Eunice ng madinig ito.
Agad itong napatayo at nagtungo engineering building. Napatayo din tuloy si Mel at sinundan si Eunice.
"Jusmiyo Eunice, pwede ba wagka ngang magpaka tigre ngayon, nasa school tayo!"
Natatarantang habol ni Mel sa kaibigan, gustong awatin pero halatang ayaw paawat.
Malayo pa lang nakita na nyang nagaantay si Patricia sa labas ng classroom ni Jeremy.
"Tamang tama malapit na ang labasan!Buti nakaabot ako!"
Usal ni Patricia walang kamalay malay sa tigreng parating.
"Ayun si Papa Jeremy ko! Siguro miss na miss na ako kaya ganun na lang ang tingin sa akin!"
Hindi napansin ni Patricia na hindi sa kanya nakatingin si Jeremy kundi sa nasa likuran nyang si Eunice na parating.
Hindi nito alam ang gagawin, nakaramdam sya ng takot sa itsura ni Eunice. Ngayon lang nya ito nakitang ganito.
Nang 5 metro na lang ang layo ni Eunice kay Patricia, tumunog ang bell.
Nagmamadaling inayos ni Jeremy ang gamit nya at nagmamadaling sumabay sa paglabas ng nga kaklase nya hindi nya naman dati ginagawa.
Nang mapansin sya ni Patricia, kinikilig ito ng sobra.
"Haaay, jusko, hindi na sya makapag hintay na makita ako!"
Hanggang tenga ang ngiti nito sa kilig pati buong katawan kitang kita ang kilig.
Umuusok ang ilong ni Eunice. Parang toro sa galit.
"Teka, teka, teka, Sissy mag hunos dili ka, please! Ang daming tao, mga estudyanteng naglalabasan, hayaan muna natin silang lumabas!
Awat ni Mel.
Huminto si Eunice.
Akala ni Mel nakinig na ito sa kanya hindi pala.
"Asan, asan na si Patricia?"
Nawala na si Patricia sa pwesto nya dahil sinalubong na nito ang palabas na si Jeremy.
Natanaw sila ni Eunice at agad silang nilapitan.
Ilang na ilang si Jeremy dahil sa pagkakapulupot sa kanya si Patricia.
"Eu- Eunice!"
Buong ngiti at pagmamayabang si Patricia ng makitang si Eunice pala na dating kaklase nya ang tinawag ni Jeremy.
"Oh, Jeremy babe, kilala mo pala sya! Hi Eunice!"
Pilit na tinanggal ni Jeremy ang kamay ni Patricia na nakapulupot sa kanya.
"Eunice, it's not what you think! I can explain! She's just one of my client! That's all!"
"Jeremy, what do you mean? At bakit ka nagpapaliwanag sa kanya?"
"Patricia, si Eunice, girlfriend ko!"
"Girlfriend? You mean ...."
"Matagal ko na syang girlfriend, Patricia kaya please lang tigilan mo na ako baka kung ano pang isipin nya sa atin dalawa!"
Marami ang napahinto at nakarinig sa sinabi ni Patricia. Pinagtatawanan tuloy sya.
Nakaramdam ng hiya si Patricia, tumakbo ito paalis sa kanila.
Hindi nya akalain na wala pala pagtingin sa kanya si Jeremy.
"At si Eunice, bakit lagi na lang si Eunice! Huhuhu!"
Simula nuon hindi na sya nagpakita sa school dahil sa sobrang kahihiyan, hindi na rin ito nagpatuloy ng pagaaral.