Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 265 - Takot Ko Lang Sa'yo!

Chapter 265 - Takot Ko Lang Sa'yo!

Hindi alam ni Jeremy ang sasabihin kaya...

"Pasensya na sa inyo pero kailangan na naming umalis ni Eunice, gumagabi na at may kailangan pa kaming pagusapan!"

At muli nitong hinatak ang mga bisig ni Eunice para umalis subalit...

Hindi kumilos si Eunice.

Nagtataka si Jeremy kung bakit. Alam nyang gustong gusto sya ni Eunice at ramdam din nya na gusto rin nitong maihatid nya, kaya bakit?

"Sorry Jeremy pero next time na lang! Marami pa kasi kaming paguusan mahalaga ni Beshy Mel at Ate Kate. Pwedeng next time na lang!"

"Mas mahalaga pa ba sa akin ang paguusapan nyo?"

Tanong ni Jeremy.

Hindi nya talaga maintindihan kung bakit sya nirereject ni Eunice.

"Oo! Nang dahil kasi sa maraming nangyari sa school, hindi kami nakakapagusap lately! Marami kaming paguusapan with regards to business kaya pasensya na!"

Paliwanag ni Eunice.

Walang nagawa si Jeremy, hindi na nya kaya pang mapilit na sumama sa kanya si Eunice lalo't andito si Kate at Mel.

"Okey Eunice, naiintindihan ko, basta promise next time ako naman!"

May pagka demanding na sabi ni Jeremy.

Sinagot sya ng ngiti ni Eunice.

At tumalikod na si Jeremy na hindi man lang nilingon ang iba, halatang yamot sa inis dahil hindi sya nagtagumpay na maihatid di Eunice.

Nakahinga ng maluwag si AJ na napansin ni Mel kaya lumapit ito at tinapik sa balikat ang kaibigan.

"Grabe hindi talaga sya nagpaalam!"

Sambit ni Mel.

"May pinagkatampuhan ba kayo kaya para syang galit sa inyo?"

"Wala! Hindi lang nya talaga kami feel!"

Sagot ni Kate.

Napansin ni AJ na sa kanilang tatlo ramdam mong mas apektado si Kate.

Napatingin si AJ kay Mel, naghahanap ng kasagutan.

"Kababata nilang dalawa si Jeremy kaya ganyan ka apektado si MyLabs ko! Si Sissy ko naman ay naging apektado rin pero mukhang naka recover na sya! Mukhang in love pa ata!"

Paliwanag ni Mel kay AJ.

"Ahhhh! E ba't ikaw hindi ka apektado sa bigla nyang pagsulpot ngayon? Hindi ba kayo naging close ni Jeremy friend mo?"

"Naging close kami pero sandali lang, mga 4 months lang unlike them na since birth magkakasama na!"

Bumulong si AJ.

"Naging sila ba ni Coffee?"

"First love sya ni Sissy pero hindi officially! Ayaw ni Tito Edmund kay Jeremy!"

"Bakit sila nag break?"

"Hindi sila nag break!"

"Kung hindi sila nag break that means ...."

Hindi na sya muling sinagot ni Mel.

"Hoy ano bang pinagbubulungan nyong dalawa dyan?"

"Kinukwento ko lang po sa kanya ang love life mo Sissy! Hehe!"

Sinibangutan sya ni Eunice.

"Akala ko sasama ka eh!"

Sabi ni Kate sa pinsan nya.

"Takot ko lang sa'yo!"

Sagot ni Eunice.

Pero hindi natutuwa si Kate. 'Maaring ngayon hindi sya sumama pero hanggang kelan?'

Alam nyang sa susunod hindi na magpapapigil pa si Eunice kapag sinunod nito ang puso nya at si Jeremy, kaya syang pasunurin nito.

"Buti pa umalis na tayo dito, let's go somewhere else dun tayo magusap!"

Sabi ni Mel.

Sa hindi kalayuan may isang lihim na nanonood sa nangyari.

Si Dr. Beatriz Fuentes.

Nakita nito ang lahat ng nangyari simula ng magkausap si Eunice at Don Miguel hanggang sa dumating isa isa ang lahat ng mga taong malapit kay Eunice at pamilyar ang ilan dito.

"Your getting more and more interesting, Eunice! Hmmm...."

"Anong nginingiti mo dyan Beatriz?"

Tanong ni Dean Vernal sa kanya ng makita ito sa lobby.

"Wala may nakita lang akong nakakatuwa!"

Sinundan nya ang paningin ni Beatriz at napansin nya kung saan ito nakatingin.

'Sino kayang sa kanila ang nakita nitong nakakatuwa?'

"Yan ba ang dahilan kaya ka bumaba kaagad? Hindi mo tuloy nadinig Ang pinagmeetingan namin sa taas, but I'm sure you get interested pag nalaman mo!"

Sabi ni Dean Vernal.

"Kaya ako bumaba dahil gusto kong makausap si Don Miguel pero hindi ko sya naabutan! Ano bang pinagusapan nyo sa taas?"

"May plan silang humingi ng tulong sa mga pulitikong kakilala natin para mapigilan si Don Miguel. Pag hindi sya pumayag, sisirain natin ang research facilities!"

"So either we're in and if not ipasasara natin ang research facilities? Good! I'm in!"

*****

Kinalunesan.

Nagulat ang mga classmates ni Eunice ng hindi sya nakita sa class nila.

"Absent ba sya?"

"Baka may sakit?"

"Ano kayang nangyari dun?"

"At anong nangyari sa special exam?"

Tanong na nagaalala ng mga classmates ni Eunice.

"Baka naman bumagsak sya sa ginawang special exam at ngayon ay wala syang mukhang ihaharap kaya hindi nakapasok!"

Nakangising sabi ni Patricia sa mga kaklase nya pero hindi sya pinapansin ng mga ito.

"Hmp! Magantay kayo dyan ng magantay, tingnan ko lang kung dumating yang Eunice na idol nyo!"

"Good morning class!"

Sambit ni Prof. Alex

"Good morning po Sir!"

Biglang tumayo si Patricia.

"Sir, absent po si Eunice!"

Nakangiti pang sabi nito, parang iniinis ang mga classmates nyang concern kay Eunice.

Nagkatinginan tuloy ang mga ito, nagaalala para kay Eunice.

"Sit-down Ms. Roldan! Hindi absent si Ms. Perdigoñez! She upgraded!"

"?????"