Kanina.
Pagkababa ni Eunice ng elevator, nagulat ito ng makasalubong nya si Don Miguel.
"Lolo Migs! Ano pong ginagawa nyo dito? Kasama nyo po ba si Lola Issay?"
"Hindi ko kasama ang lola mo at papunta ako sa taas, dun sa pinanggalingan mo!"
Nagulat si Eunice.
'Paano nya nalaman kung saan ako nanggaling? May third eye ba 'tong si Lolo Migs?'
"Lolo Migs papaano nyo po nalaan kung saan ako nanggaling? At bakit nyo po hindi kasama si Lola Issay, nagpaalam naman po ba kayo?"
"Hindi alam ng Lola Issay mo na andito ako kaya secret natin to! At ang Ate Kate mo ang nagsabi sa akin tungkol sa mga peste na nasa taas! Isinumbong na rin nya sa akin ang pinaggagawa ng mga teacher mo sa'yo at nung Dean! Totoo ba?"
'Bakit isinumbong ni Ate Kate kay Lolo Migs ang tungkol dun? Bakit hindi kay Lola Issay o kay Mommy?'
Naguguluhan si Eunice.
"Bakit hindi ka makapagsalita dyan? Huwag mong pagtakpan ang mga damuhong yun!"
"Lolo nagtataka lang po kasi ako bakit sa inyo nagsumbong si Ate Kate! At saka napuno lang po kasi ako kaya nawalan na ng ganang mag aral!"
"Ano titigil ka sa pagaaral, dahil sa mga pesteng yun?!"
"Nakakapikon na po kasi Lolo Migs, nakakatamad ng pumasok sa school. Ako na po halos lahat gumagawa ng mga lesson plan ng teacher ko at ako na rin po ang nagdidiscuss at gumagawa ng mga quizes and assignment na ibibigay sa mga classmates ko! Lahat na halos ng trabaho nila! Sobrang nakakapikon na po e! Hindi lang naman po pagpasok sa school ang ginagawa ko, working student po ako!"
"Huwag kang magalala apo, akong bahala sa mga pesteng damuhong yun! Sige dyan ka na muna at aakyatin ko sila!"
Salamat po Lolo Migs!"
Nagtataka man kung bakit alam ng Lolo Migs nya kung para saan ang gathering sa taas at kung bakit kailangan nyang pupuntahan ang mga iyon, nagkibit balikat na lang si Eunice.
Well, magagawa ba nyang pigilan ang numero unong pinaka makapangyarihan sa bansa sa gusto nyang gawin?
Si Issay lang ang makakapigil kay Don Miguel.
Lumapit ito at niyakap si Don Miguel bago sumakay sa elevator.
Pagkatapos, agad nitong hinanap si AJ pero hindi nya makita.
"Asan na yun? Sabi ko sandali lang ako e, san na naman nagpunta yun?"
Tinawagan nya si AJ.
Umalis sandali si AJ, nagtungo sa isang coffee shop para magkape. Naparami ang kain nya kaya naghanap ng kape.
"Hello, Milky, asan ka? Umuwi ka na ba?"
"Grabe ka naman, sandali lang tayo nagkahiwalay na mi miss mo na agad ako! Andito lang po ako sa coffee shop nagkakape! Bakit, tapos ka na ba? Uuwi na tayo?"
"Opo tapos na po ako! Pakibili mo na rin ako ng favorite kong coffee please! Nasobrahan ata ako ng kain e!"
"Okey sige, wait for me!"
Pagkatapos makuha ang order nyang kape na para kay Eunice, nagmamadali itong tumayo, hindi na inubos ang kapeng iniinom, binitbit na nya ito pabalik kay Eunice.
Nagaalala na sya baka naiinip na si Eunice.
Nang patawid na sya, natanaw nya si Eunice kasama ang isang matanda, kinakawayan sya kaya kumaway din ito.
'Si Don Miguel ba yun? Anong ginagawa ni Don Miguel dito?'
Nagmamadali syang tumawid.
Saglit lang pala si Don Miguel at umalis na kaya naiwan si Eunice na magisa.
Nagmadali na ang mga paa nya sa paglakad para marating nya agad si Eunice.
At ng ilang hakbang na lang si AJ sa dalaga, ngumiti ito at kumaway sa kanya pero nagulat sya ng biglang nagbago ng direksyon ang mga mata ni Eunice at nawala ang ngiti nito napalitan ng pagtataka.
'May tinitingnan syang iba?'
At ng malapit na sya kay Eunice,
nagulat sya ng biglang may nagmamadaling lumagpas sa kanya, napakunot ang noo ni AJ.
Ngunit napansin nyang duon pala nakatingin si Eunice.
Kay Jeremy.
Si Jeremy ang dumating na ipinagtataka nilang dalawa.
'Anong ginagawa ng taong ito dito?'
"Eunice, buti naabutan kita. Nabalitaan ko kay Prof. Alex na andito ka daw for special exam kaya naisipan kong dumaan! Buti naabutan kita!"
Paliwanag nito kay Eunice, hindi napansin si AJ na nasa likod nya.
"Anong ginagawa mo dito, Jeremy, bakit ka andito?"
Tanong ni Eunice.
"Ako kasi ang nagkahatid kay Prof. Alex dito kanina, dumaan ako ulit baka sakaling maisakay ko ulit si Prof. Buti na lang ikaw ang nakita ko! Pauwi ka na ba? Halika ihahatid na kita!"
"Huh?"
Napatingin si Eunice kay AJ.
Sinundan ni Jeremy ang tinitingan ni Eunice. Paglingon nito nakita nyang nakatayo si AJ at sya naman ang nagulat ng makita ito.
"AJ Pare, ikaw pala! Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin sinusundo mo ulit ang ka office mate mo? Hehe!"
Tanong ni Jeremy
"Yes Jeremy, andito nga ako para sunduin ang office mate ko!"
Lumapit si AJ kay Eunice at iniabot ang kapeng pinabili nito.
"Syanga pala si Eunice, office mate ko!"