Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 255 - Fake Daw

Chapter 255 - Fake Daw

"Ano, pakiulit nga?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Mel kay Kate.

Nagulat ito sa ikinuwento ni Kate sa kanya, early in the morning.

"Melabs ang sabi ko, si Jeremy ang naghatid kay Eunice kagabi! Last na yan, ayaw ko ng ulitin pa!"

"Paanong nangyari yun? Saan napunta si AJ Buddy Dude ko?"

"Malay ko sa AJ Buddy Dude mo! Ikaw ang tumawag sa kanya diba?"

Mamya nya uususain si AJ.

"Anong sabi ni Sissy, bakit daw sila magkasama ni Jeremy?"

"Sabi lang nya nagkasalubong sila sa coffee shop tapos nag offer si Jeremy na ihatid sya."

"Ganon? Tapos?"

"Tahimik daw eh!"

"Hindi man lang sila nag kwentuhan sa loob ng sasakyan habang umaandar?"

"Kinamusta nya raw si Tita Elsa tapos tumahimik ulit!"

"Eh, si Sissy, kamusta si Sissy, nanigas ba sya sa sobrang kilig kaya di man lang nakapagsalita habang umaandar ang sasakyan?"

"Hahaha! Tumigil ka nga dyan Melabs! Mas tensyonado ka pa sa pinsan ko eh!"

"Kasi naman yang pinsan mo, tumitigil ang mundo nyan kapag nakikita si Jeremy, lalo na pagnagkakatabi! Masisisi mo ba ako kung magalala ako?"

"Hahahaha!"

Lalo syang tinawanan ni Kate.

'Tinawanan nya lang talaga ako! Hindi man lang ako dinamayan!'

'Grabesya!'

"Kate MyLabs, be serious naman, love life ng cousin mo ang pinaguusapan natin!"

"Sorry Melabs, hahaha,... teka lang please, tapusin ko lang ang tawa ko! Hahaha!"

Inantay ni Mel na matapos tumawa si Kate bago ito muling magsalita.

Sanay na sya sa mga tawa ni Kate at masaya sya kapag nadinig nya ang tawa nito.

Ginawa nya ngang ringtone ang tawa ni Kate MyLabs nya.

"Hahahaaaay! Okey serious na me!"

"Kate MyLabs, hindi ka ba nag aalala para sa pinsan mo?"

"Medyo pero malaki ang trust ko Kay Eunie, malakas at matalino ang pinsan ko. Saka laban nya ito, alalay lang tayo!"

'Tama si Kate MyLabs, sana lang may magandang kalabasan ang muling paglapit ni Jeremy kay Sissy.'

"So pumayag ba si Sissy na ihatid sya ni Jeremy ulit?"

Nagkibit balikat lang si Kate.

"Ewan, hindi nya ako sinagot!"

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?"

Yup! Ibig sabihin may date ulit tayo! Yehey!"

"????"

"Nasaan ba Sissy? Agang aga nawawala!"

"Andun kay Dean, pinatawag sya!"

*****

Maagang gumising si Prof. Roldan.

Hindi kasi sya nagkaron ng pagkakataon na makausap si Dean Vernal.

Ilang beses na syang pinauwi ni Secretary Lyn pero ayaw nya. Kaya sa huli nagantay sya sa wala.

Hindi rin sya kinausap ni Dean Vernal, umuwi na ito at pagod na raw sya. Gabing gabi na rin kasi.

Kaya ngayon maaga syang pumasok at nagantay sa office ni Dean Vernal.

At nagtagumpay naman sya.

"Prof. Tobby Roldan, hindi ka ba busy at ang aga aga andito ka na sa opisina ko?"

"Of course Dean marami din po akong ginagawa pero andito po ako dahil may mahalaga akong sasabihin!"

"Prof. Roldan, pwede mo namang i email na lang s akin ang sasabihin mo, hindi mo na kailangan sumugod parati sa office ko sa tuwing may gusto kang sabihin!"

"Pasensya na Dean Vernal pero masyado kumplikado ang sasabihin ko at natatakot akong malaman ng iba kaya kailangan kong sabihin sa inyo ng personal!"

Hindi na natutuwa si Dean Vernal sa napapadalas na paglusob ni Prof. Roldan sa opisina nya. Nagsisisi na tuloy sya kung bakit nya prinomote itong maging Head ng Physics department.

"Okey Prof. Roldan, speak!"

"Dean, yung nangyaring oral and written exam is a fake!"

"Fake?"

"Yes Dean! May leak sa exam!"

"Sino naman ang mag le leak, ikaw? Kasi natitiyak kong hindi ako! Tayong dalawa lang ang may hawak ng susi remember?"

No, no , no Dean! Hindi naman kailangan ng susi para ma leak ang mga questionnaire!"

Tiningnan ni Dean Vernal ng seryoso si Prof. Roldan.

'Anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya, mga teacher ang nag leak ng questions? Nagiisip ba itong taong 'to?'

"Bakit mo naman nasabing may nag leak? May evidence ka ba?"

Iniabot ni Prof. Roldan ang test paper ni Eunice.

"Wow! Impressive!"

Exactly Dean, unbelievably impressive! Kaya naniniwala akong fake ang nangyaring oral at written exam!"

"????"

"Sit down Prof. Roldan!

Secretary Lyn bring Ms. Eunice Perdigoñez here!"

Nangiti si Prof. Roldan ng ipatawag nya si Eunice.

Kadarating lang ni Eunice ng school ng sabihin ng guard na pinapapunta sya ni Dean sa office nya.

Nagtataka man si Eunice, sumunod ito agad.

"Good morning po."

"Good morning Eunice, sit down!"

Kumuha ito ng papel at iniabot kay Prof. Roldan na nagtataka kung bakit.

"Test her! Five questions, make it hard!"

Mas lalong natuwa si Prof. Roldan.

'Tama, this is a good way to find out na fake talaga sya! And also a good way para maimpress si Dean sa akin! Hehe!'

Pagkatapos, inabot ni Prof. Roldan ang papel kay Dean.

Nakangiti ito pero sinulyapan lang ni Dean Vernal ang papel at iniabot agad kay Eunice.

"Ms. Perdigoñez, can you please solve these problem?"

Hindi maintindihan ni Eunice ang nangyayari at malapit na syang mapikon.

Kinuha nya ang papel at sinagutan agad tapos ay iniabot kay Dean Vernal.

Tinapos nya itong sagutan sa loob ng 3 minutes tapos ay ibinalik kay Dean.

"Thank you Ms. Perdigoñez, pasensya na sa abala, you may go back to your class!"

Prof. Roldan: "Huh?"

"Dean bakit nyo sya pinalabas agad?"

Iniabot ni Dean ang sinagutan ni Eunice.

"Tell me, may mali ba sa sagot nya?"

Speechless si Prof. Roldan ng makita ang sinagutan ni Eunice, hindi sya makapaniwala.

"Siguro naman naiintindihan mo na ngayon na walang kwenta ang hinala mo!"

Namula si Prof. Roldan, napahiya sya at dahil ito sa naniwala sya sa sinabi ni Patricia sa kanya.

Paano nya masasabing fake ang exam ngayon kung mismong sa harap nya sinagutan ni Eunice ang napakahirap na tanong at freshman pa lang sya.

At ang mas unbelievable, sinagutan nya ito ng wala pa atang 5 minutes!

"Now I'm telling you prof. Roldan, kung gusto mong magtagal sa posisyon mo, tantanan mo na si Eunice! Dahil kung hindi, baka sa kangkungan kayo pulutin ng pamangkin mo! Maliwanag!"

"Get out of my office!"