Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 235 - I Missed You

Chapter 235 - I Missed You

Two years after.

Graduate na sila Eunice at Mel. Marketing ang kinuhang course ni Mel at Computer Science naman ang kinuha ni Eunice and today ang first day nila as a college freshman student.

"Ang daya mo talaga Sissy, iniwan mo ako sa ere! Last minute naisipan mong magpalit ng course! Ayan tuloy hindi tayo magkaklase!"

Sintemyento ni Mel.

"Sorry Besh, tama kasi si Daddy, kailangan kong kunin ang course na gusto ko para sa future ko!"

Paliwanag ni Eunice.

"Well may katwiran naman si Tito Edmund Sissy, ibang level na ang college, hindi na ito biro kaya dapat seryoso na tayo, tama na ang play, play! At isa pa, malamang wala ng challenge sa'yo ang marketing baka ma bored ka lang lalo na't nag pa part time ka na sa company ng Daddy mo!"

"Pero kagabi Besh, kinausap ako ng masinsinan ni Daddy. Sabi nya papayagan na raw nya akong mag date basta behave daw ako!"

"Hahaha! Daddy mo talaga, nakakatuwa! Kung alam lang nya lagi kayong nag de date ni AJ Buddy ko. Kayo na ba?"

"Sira! Close lang kami nun! Saka dun na sya nagwowork sa company ni Daddy, kaya madalas kaming magkita! Hindi date yun! Saka hindi naman nanliligaw yung tao!"

"So... nageexpect pala ng ligaw ang Sissy ko! Hmmm...."

Panunukso nya kay Eunice.

"SIRA!"

Namula si Eunice ng tuksuhin sya ni Mel.

"Pero bakit nga kaya dika pa nililigawan ni AJ Buddy?"

"Eunie!"

Sabay silang nilingon ang tumawag.

"Ate Kate! Anong ginagawa mo dito? Magaaral ka ulit?"

Masayang tanong ni Eunice.

Matagal na silang hindi nagkikita nito simula ng maghiwalay sila ni Mel pero nagkakausap naman sila sa video chat.

"Oo Eunie! Ayaw kasi akong payagan ni Pappy Gene na kumuha ng forensic science, bata pa daw ako kaya kumuha na lang ako ng pathology!"

Si Mel na kanina pa nakatulala at pinanonood lang magusap ang magpinsan. Hindi alam ang gagawin.

"Hi Melabs, kamusta?"

Pero sinagot lang nya ng tingin si Kate.

'Gosh na miss ko yung tawagin akong MELABS!'

"Beshy, okey ka lang?"

Hindi pa rin ito makasagot at hindi alam ng dalawa kung bakit. Wala kasing expression ang face ni Mel.

Nailang tuloy si Kate.

"Uhm, gusto ko lang naman mag "Hi" .... Sorry kung..."

Pero laking gulat nila ng biglang akapin ni Mel si Kate.

"I missed you!"

At hindi na napigilan ni Kate maiyak.

"I missed you too, every minute of the day."

Inaasahan na nyang may posibilidad na makita nya sila Mel sa school, pero hindi nya inaasahang makikita nya ito sa unang araw ng klase.

Kanina pa nya pinagmamasdan ang magbestfriend na nagbibiruan at nagaalinlangan syang lumapit. Kinakabahan sya.

Kaya ng hindi nag re response si Mel kanina ng binati nya ito, nakaramdam sya ng hiya, nailang sya.

Pero ng akapin sya nito, tila naglaho ang lahat ng takot na nararamdaman nya.

Si Mel lang talaga ang nakakapagpakalma sa kalma. She always feel safe when they're together.

At naganap ang hindi inaasahan ni Kate sa unang araw ng klase.

Hinalikan sya ni Mel ng matagal. Parang sinsingil ang tagal na panahong hindi nya ito natikman.

Marami ang napahinto at pinanonood sila.

"Ehem!"

Napatigil ang dalawa sa ginagawa nila at ng magmulat sila ng mata, nagulat sila sa mga taong nakangiting nakatingin sa kanila.

Namula si Kate.

"Buti tumigil na kayo! Malelate na tayo, mamaya nyo na ituloy yan!"

"Hahahaha!"

'Gosh, namiss ko ang tawa nya!'

*****

Lunch.

"So, ibig bang sabihin nito, kayo na ulit?"

Tanong ni Eunice kay Mel at Kate.

"Syempre hindi pa!"

Sagot ni Kate.

"Huh? Tapos nyong mag public dispay of affection, HINDI PA?!"

"Syempre gusto ko namang ligawan nya ko! Nung una ako nanligaw sa kanya, ngayon dapat sya naman! Gusto ko din mabigyan ng chocolate and flowers!"

"Chocolate? Pwede bang bukayo na lang Kate MyLabs? Nagtitipid ako e! Lamo na daming gastos sa college!"

"Sure Melabs ko, di naman ako choosy basta galing sa'yo!"

Sabay binigyan nya ng kiss si Mel.

"Jusmiyo Ate Kate, nagpakipot ka naman!"

"Hahahaha!"

'Jusko tong dalawang 'to, pinagkakaisahan na naman ako!'

Hindi na nya pinansin ang dalawa at tinuon na lang ang pansin sa labas ng bintana.

And at that moment hindi nya inaasahang makita ang isang pamilyar na mukha. Sa isang puno sa malayo, nakita nya ang isang babae.

"Parang si .... Elaine yun.."

"Huh?"

Napahinto ang dalawa at sinundan ang tingin ni Eunice.

"Sinong Elaine?"

Tanong ni Mel

"Baby sister ni Jeremy. San banda, Eunie?"

At tinuro nito ang isang puno sa malayo. May kausap ang babae, nakatalikod.

Hindi maintindihan ni Eunice ang kaba sa dibdib nya. Palakas ng palakas! Hindi sya nakakaramdam ng ganito kay Elaine dati not unless.....

Nang biglang humarap ang nakatalikod na kausap ni Elaine.

"O.M.G.!!!"

"JEREMY???!!!!"