Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 226 - Siblings

Chapter 226 - Siblings

"Jericho, anong ginawa mo bakit hinimatay si Papang?"

Tanong ni Ames sa kapatid. Hindi pa ito nakakalayo ng tawagan ni Ames pa.

"Huwag kang magaalala Ate Ames, magiging okey si Papang!"

Sagot ni Jericho sa kanya.

Tinawagan sya ni Ames ng ibalita sa kanya ng assistant nyang si Philip ang nangyari sa bahay nila.

"Alam ko, andun na si Doc. salamat sa pagtawag sa kanya! Pero ikaw, kamusta ka, okey lang?"

"Of course Ate, I'm okey! For the first time in my life, ngayon ko lang na feel na maging malaya!"

"Ang sarap pala! Hahaha!"

"Anong plano mo?"

"Itutuloy ko na ang matagal ko ng gustong gawin! Meron na akong nakitang lugar na pwede kong gawin shop!"

Mahilig si Jericho na magkumpuni ng mga sira at lumang kotse. Bumibili sya ng lumang kotse at inaayos nya para magmukhang bago lalo na ang mga vintage car. Ito ang hilig nya nuon pa.

"Good! Kung ano man ang magiging plano mo, susuportahan ko!"

"Salamat Ate Ames pero sa ngayon may malaki akong problema!"

"Huh? Bakit anong nangyari?"

Kinabahan si Ames. Nasa byahe pa ang kapatid kaya hindi nya maiwasan na hindi kabahan.

"Ate Ames hindi ako makalabas ng San Miguel, may checkpoint ayaw akong palusutin!"

"Hahahaha! Buti nga sa'yo, masyado ka kasing masaya dyan! Sige kausapin ko!"

*****

Malungkot na pinagmamasdan ni Eunice ang kapatid nyang si Earl. Nasa vip room ito ng ospital at nagpumilit syang sya ang magbabantay para makapagpahinga ang Mommy nya.

Hindi nya maubos maisip na may gagawa ng ganito sa kapatid.

"Alam mo kahit makulit ka at lagi mo akong iniinis, mahal kita! Hindi kita ipagpapalit sa iba, ikaw lang ang nagiisang makulit at mapanginis pero super sweet na kapatid ko!"

At naluha na ito.

"Sorry, Earl, I'm so sorry this happened to you! Pati ikaw nadamay na sa kagagahan ko! Promise pag gumaling ka hindi na kita aawayin kahit inisin mo ako araw araw! Basta maging okey ka lang! Huhuhu!"

Pinupunasan nya ang luha na hindi nya mapigilan.

"Talaga Ate? (cough)"

"Earl! Earl!"

Agad nitong inakap ang kapatid ng makitang may malay na ito.

"Aw, aw, aw! Masakit Ate, masakit! Huwag mo akong pigain! Your killing me!"

(cough, cough, cough)

"S.. sorry! Saan masakit sa'yo?"

Nagaalang tanong ni Eunice.

"Huwag kang magaalala Ate kong Panda, I'll be okey, malakas ata ako gaya ni Daddy! So don't cry na! Saka .... ang pangit mo na! Look at your eyes, so puffy and red na! Malapit ka ng maging monster!"

"Hahaha!"

Natatawa si Eunice habang umiiyak.

'Mukhang okey na nga sya, iniinis na nya ako e!'

'Kung wala lang talaga itong sakit pinatulan ko na ito e!'

'Bakit ba ako nangako na hindi ko na sya aawayin? Pwede ko bang bawiin?'

*****

Kinabukasan na nakauwi si Ames sa bahay nila.

"Ames, kailangan natin magusap! Yang walanghiya mong kapatid lumayas dito! Hanapin mo sya at pabalikin mo DITO!"

"Papang, pagod po ako at wala pang tulog, baka naman po pwedeng sa ibang araw na natin pag usapan ito!"

At dumiretso na ito sa hagdan.

"Lintek na! Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko, Ames?! Nilayasan na tayo ng kapatid mo!"

"Haaay!"

Huminto si Ames sa pag akyat at hinarap ang ama, alam nyang hindi titigil ito sa pangungulit.

"Pang, hindi po tayo ang nilayasan ni Jeric, kayo lang po! Napagod na po sya sa pagmamando nyo sa buhay nya!"

"Wala akong pakialam sa dahilan ng kapatid mo! Basta inuutusan kita na ibalik sya dito!"

"Pang, hindi na po babalik si Jeric sa inyo! Gusto nyong malaman kung bakit? Dahil masyado nyo ng kinokontrol ang buhay nya, hindi na sya makahinga!"

"Alam nyo po ba ang nangyari kay Elsa? Andun wala pa ring malay! Hindi nya nakayanan ang nangyari kay Jeremy, alam nyang magagalit kayo pag nalaman nyo, kaya ayun na stroke!"

"At anong kasalanan ko dun? Bakit ako ang sinsisi nyo sa lahat ng masamang nangyayari?"

"Pang kung hindi ninyo pinagpilitang magaral si Jeremy sa America, hindi mangyayari ito! Lagi na lang gusto nyo ang nasusunod, lagi na lang kailangan kayo ang pakinggan! Masyado kayong dictador!"

"Pagod na rin ako Papang! Pag hindi kayo tumigil sa pakikialam sa buhay namin, mapipilitan akong dalhin kayo sa home for the aged!"

Tumalikod na ito at umakyat.

*****

Sa office ni Nicole. After 2 days.

"Haaaaaaay!"

"Ang haba naman ng buntong hininga mo!"

Bati ni Nicole sa buntung hininga ni Ames.

"I'm getting old!"

Sagot ni Ames.

"Sino bang hindi, Ames! Kahit mga anak ko hindi ko na mapigilan ang paglaki!"

"A Nicole, I'm really getting old and I'm tired of all these things!"

"Maybe you need a vacation!"

"Nope! I think what I need is a retirement! Panahon na para ipasa ko ang lahat ng 'to sa iba!"

"Seryoso ka? Bakit?"

Hindi makapaniwala si Nicole sa biglaang desisyon ni Ames.

Simula nung high school ako, hindi na ako tumigil sa pagtatrabaho. I think now is time to stop ang spend some times with my kids and apo!"

"Ayuuun! Kaya pala, dahil sa apo! Hehehe! First time Lola kasi!"

"Oo! Saka nakita ko na ang papalit sa akin bilang CEO!"

"Sino?"

"Ikaw!"

"Ha?! Bakit ako?"

"'Coz nobody fits my requirements except you!"

"T_teka, teka, sandali lang!Temporary lang ang usapan natin, diba? Ames naman, huwag mo naman kalimutan, "acting lang ako dito!"

Reklamo ni Nicole.

"Hahahaha!"

"Huwag mo nga akong tawanan dyan! May anak ka Ames, kaya bakit ako?"

"Pareho silang hindi interesado. Walang nagmana ng genes ko lahat sa tatay nila nagmana!"

"But still, why me?!"

"It's because! period!"

Related Books

Popular novel hashtag