Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 221 - Canister

Chapter 221 - Canister

Sa Ames Elementary School.

Pagkatapos mag bell, nagmamadaling inayos ng mga Grade 1 students ang gamit nila tapos ay pumila.

Nakagawian na nilang kumiss kay Eunice bago sila lumabas ng classroom. Walang magawa si Eunice dahil magtatampo sila kapag hindi sya nagpa kiss.

Ayaw kasi ng mga bata ng star stamp gusto nila kiss!

"Hahaha! Ang cute mo kasi Eunice!"

Natutuwang sabi ni Teacher Claire sa kanya.

"Okey lang po Mam Claire basta po gagawin nila ang assignment nila at very good sila!"

Pagkatapos ng klase hindi agad umaalis si Eunice, tinutulungan pa nito si Teacher Claire na magayos at maglinis ng classroom bagay na hinahangaan ni Teacher Claire sa kanya.

Hindi nya alam kung ano ang stados sa buhay ng pamilya ni Eunice ang alam lang nya nanay nito ang principal sa highschool.

Kung ibang bata ito malamang yumabang na at lumaki ang ulo. Pero iba si Eunice, super sweet nito sa mga bata at napaka humble naman napaka galang pa sa lahat! Sinong hindi matutuwa sa batang ito?

"Eunice paki tingnan nga kung kanino ang canister na yan!"

Sabay turo sa canister na nasa lapag ng sahig.

Pinulot ito ni Eunice at saka pilit na inaalala kung kanino.

"Ay Mam Claire baka po kay Loyd ito, dito po kasi sya nakaupo at minsan po nakita ko na itong canister na 'to sa mga gamit nya! Buti pa po ihabol ko na lang sa kanya!"

Sige Eunice, baka hindi pa nakakuwi yun!"

Hinanap nya ang bata sa waiting area ng mga students pero wala duon si Loyd. Wala din sa playground na dinaanan nya kanina. Nagtanong sya sa mga bata na naroon.

"Nakita nyo ba si Loyd?"

"Yes po Teacher Eunice!"

Sagot ng cute na cute na si Len Len.

"Saan sya nagpunta? Sinundo na ba ng service nya?"

"Hindi po Teacher Eunice, andun po sila kasama nung mga bad guy!"

"Huh? Sinong bad guy?"

"Yun pong mga students na nagdala kay Loyd duon! Galit po sila kay Loyd at takot na takot po si Loyd, nagka cry sya habang hinihila nung bad guy!"

Nagmamadaling tumayo si Eunice at pinuntahan ang itinuro ni Len Len.

Sa may sulok sa likod ng CR nya nakita ang apat na batang estudyante na tila nagkukumpulan.

"Ano, saan mo dinala? Bakit wala sa'yo? Ha!"

Sinuntok nito si Loyd.

"Waah! Huhuhu! Ansakeeet! Aray! Mama! Mama ko! Huhuhu!"

"Huwag kang umiyak! Sagutin mo ang tanong namin!"

"Diko po alam! Wahhhh! Bitiwan nyo ko Huhuhu! Diko alam kung nasan! Waaaaahhhh!"

Umiiyak at takot na takot na sabi ni Loyd.

Agad na nilapitan ni Eunice ang mga bata.

Tatlo dito ay estudyante sa school pero ang isa ay hindi.

"Hoy! Bitiwan nyo yang bata!"

"Waaahhh Teacher Eunice help waaaaah!"

Kinabahan sila.

Napatigil sila at sabay sabay na napatingin sa dumating.

"Akala ko teacher nga ang dumating! Istorbo lang pala!"

Bulalas ng batang tila pinaka leader ng grupo.

Nainis ito dahil natakot sya sa biglang pagdating ni Eunice.

Sa tingin ni Eunice kasing edad sila ni Earl.

"Bakit pre sino ba yan?"

Tanong ng batang hindi taga school, naka t-shirt lang ito at pantalon na itim. Ang uniform ay nakasuksok sa bulsa nya sa likod.

"Student teacher yan! Tama ba ako Miss beautiful?"

"WAAAAH Teacher Eunice, Teacher Eunice please help me! Huhuhu!"

Namimilipit sa sakit si Loyd, malamang sa pagkakasuntok nila.

"Bitiwan nyo ang batang yan!"

Utos ni Eunice sa kanila.

Napansin ng isa sa kanila ang hawak ni Eunice.

"Pare, tingnan mo ang nasa kamay nya, diba yan yung hinahanap natin!"

Bulong nya sa nasa sa pinaka leader nila.

"Miss, bibitiwan namin ang batang 'to kung ibigay mo sa amin yang hawak mo!"

Pero hindi sila pinakinggan ni Eunice.

"Ang sabi ko, bitawan nyo SYA!"

Galit na si Eunice at mataas na rin ang tono ng boses nito.

Tila nagimbal sila sa pagtaas ng boses ni Eunice pero hindi nila pinahalata.

"At bakit ka namin susundin, akala mo ba natatakot kami sayo? Student ka lang din katulad namin! Hindi mo ba ako nakikilala?!"

Sabi ng pinakaleader ng grupo.

Mayabang ito dahil uncle nya ang mayor dito sa bayan ng San Miguel.

Pero hindi na sumagot si Eunice. Agad itong lumusob at nakalapit sa may hawak kay Loyd.

"Sabi ko, bitiwan mo sya!"

Kinuha nito ang kamay nya na may hawak kay Loyd at saka pinilipit.

"AHHHHH!"

"Aba't...."

Napikon ang leader at inundayan ng suntok si Eunice pero nailagan sya ito.

Sinubukan nya ulit ng ilang beses pero inilagan lang ni Eunice lahat.

"Lusubin nyo!"

Utos nya sa mga kasama.

Karga ang batang si Loyd, ginulpi ni Eunice ang apat na estudyante na lumusob sa kanya.

"Ate Eunice anong ginagawa mo?!"

Tanong ni Earl na dumating.

Kanina, habang hinahanap ni Eunice si Loyd, nakita sya ni Ian na papunta sa likod ng CR.

Alam nilang delikado sa likod ng CR sabi ng iba, kaya agad nyang tinawag si Earl para sabihin sa kanya.

"Earl si Ate Eunice papunta sa likod ng CR!"

"HA? Anong ginagawa nya dun?"

Tarantang tanong ni Earl.

Agad silang nagpunta sa likod ng CR para pigilan si Eunice pero ito ang nadatnan nila.

Ginugulpi lang naman ni Eunice ang apat na batang halos kasing edad nila.

"Earl, call the principal! Bilis! And Ian paki tawag si Mam Claire please!"

'Bakit ganun, pag si Ian inuutusan nya may pa please, please pa sya, ba't pag ako wala?!'

Reklamo ni Earl sa sarili

Sumunod pa rin si Earl sa utos ng Ate nya. Agad silang tumalima.

Takot na takot naman si Loyd at ayaw bumitiw sa pagkakaakap kay Eunice.

At ang apat, hindi na halos makatayo dahil sa tuwing tatayo sila sisipain naman sila ni Eunice.

Naupo na lang sila at nanahimik.

Nagulat ang principal at si Teacher Claire sa nadatnan nila.

Habang nasa loob ng opisina, unti unting nilang nalaman kung bakit nila ginulpi ang batang si Loyd.

Dahil sa canister na naiwan ni Loyd sa classroom kanina.

Naka sealed ang canister kaya na curious sila sa laman nito sa loob.

Bakit kailangan nilang manakit ng bata ng ganun katindi dahilan lang sa nakalimutan nito ang canister?

Ano kaya ang laman ng canister?