"Hello, Ms. Panda!"
Ito agad ang bungad ni Louie ng makipag video chat sya kay Eunice.
"Bakit ba lagi mo na lang akong iniinis, lagi mo na lang akong tinatawag na panda!"
"Uy, hindi totoo yan!"
"Anong hindi ka dyan? Sa tuwing nakikita mo ako tinatawag mo akong panda diba?"
"Oo nuon Panda talaga tawag ko sa'yo!"
"Bakit ngayon hindi ba iyan ang tinawag mo sa akin?!"
"Nope! Ang bati ko sa'yo kanina, Hello "Ms. Panda!"
"O diba ganun din yun?!"
"No, my dear! Magkaiba sya may "MS." sya sa umpisa kaya ang ibig sabihin nun, buong galang kitang binati!"
"Hmp! Dyan ka magaling sa palusot!"
"Bakit sa panda? Panda is strong and so adorable just like you!"
Medyo namula si Eunice at hindi na ito nakasagot pagkatapos. Hindi nya maintindihan pero .... parang gusto nyang ngumiti sa nadinig.
"My dear Ms. Panda, bakit ba ke aga aga ang sungit, sungit mo? Siguro na mi miss mo na ako noh! Huwag kang magalala andito na ako sa San Roque!"
"Ha? Seryoso ka?!"
Nagulat si Eunice.
Hindi nito sineryoso ang sinabi ni Louie na pupunta sya ng San Roque akala nya nagbibiro ito.
"Yes my My Beautiful Panda! San banda ba kayo dito sa San Roque?"
"Nasa Ilaya ang bahay namin malapit kami sa capitolyo! Pagdating mo sa capitolyo pwede kang magpahatid sa tricycle sabihin mo sa tandang mansyon!"
"Sige punta ako dyan! Wait for me!"
Masayang masaya si Louie pagkatapos nilang mag usap. Nagalmusal muna ito at saka nagtanong tanong kung saan banda ang Ylaya.
Ngunit, nanlumo sya ng malaman na nasa dulo pala sila ng San Roque at ang Ylaya ay katabing bayan lang ng capitolyo. May posibilidad na nadaanan nila ito kagabi at ang masaklap nito isang oras mahigit ang pagpunta duon.
"Anong gagawin ko? Paano ako magpapahatid duon? Tyak na hindi papayag yun dahil magaaksaya kami ng gas!"
"At isa pa, saan ko hahagilapin ang Kuya ko ngayon? Hindi naman sumasagot!"
Ang usapan kasi nila pagdating ng San Roque ay wala silang pakialamanan, at sa paguwi na lang sila magkita!
Ilang beses nyang tinawagan ang Kuya nya pero tila nakapatay ang phone nito.
"Kailangan kong makarating ng Ylaya!"
Ginoogle nya ang mapa ng San Roque at pinagaralan nya lahat. Nagtanong tanong din sya sa mga taga roon kung magkano ang pamasahe hanggang duon.
Pagkalipas ng isang oras, ready na sya.
"Eunice, here I come!"
*****
Sa America.
Inis na inis si Jeremy.
"Kainis! Bakit hindi man lang nya ako minemessage? Dalawang araw na yung huling chat namin ah"
"Lagi na lang bang ako ang unang mag me message sa kanya? Hindi man lang ba nya ako na mi miss? Hmp?"
Maghapon na syang nag aantay ng message ni Eunice pero hindi dumating. Hindi tuloy sya makapag review ng maayos.
"Kung ayaw nya akong i message, bahala sya! Hindi ko rin sya imemessage!"
Pero sa huli, hindi rin sya makatiis. May exam sya bukas ng maaga pero hindi sya maka concentrate kakaisip kung kelan sya kakausapin ni Eunice.
[Hello! ( wave hand emoji)]
~ Jeremy
Antay sya.
1 minute, wala pa rin sagot.
"Hmp! Ako na nga naunang nag Hello wala pa din! Hindi ba nya talaga ako iniisip?"
Inilayo ang CP at sinubukan magconcentrate sa pag re review but after 5 minutes napatayo na ito sa inis.
"Kanina pa ko nag message bakit hindi pa nya binabasa?"
Nag message ulit ito.
[Hi, Eunice mukhang busy ka? Sige, mag review pa ako e!]
~ Jeremy
Halatang may halong tampo ang message nya.
At muli nitong sinubukan mag review.
After 1 hour ng maging seyoso na sya sa pag re review, saka nya biglang nadinig ang phone nya.
'May nag message!'
Saka nya naalala na baka si Eunice ang nag message.
Excited nitong binuksan ang phone para basahin ang message ni Eunice.
[Hi Jeremy, hindi naman me busy. Nasa San Roque kami, kahapon kami umuwi]
~ Eunice
"Ahhhh... kaya pala hindi nagpaparamdam! Saka siguro napagod sa byahe!"
Nangiti na si Jeremy, tila nawala lahat ng tampo nya kanina.
[Kala ko kasi busy ka, hindi ka kasi sumasagot agad]
~ Jeremy
[Kasi kanina ka video chat ko yung friend ko kaya hindi ko napansin ang message mo]
[Saka, ikaw ang busy hindi ako, kaya sige na mag review ka na]
[Bye]
~ Eunice
Alam ni Eunice na may exam sya ng maaga at gabi na dun ngayon sa America kaya hindi na sya nakipagusap pa ng matagal.
"Teka, teka, teka! Bakit "BYE" agad? Kakasimula pa lang namin magusap!"
"At sino yung friend na tinutukoy nya?! Boy ba yun o girl?"
Nagngingitngit sa inis si Jeremy.
Ayaw naman nyang kulitin si Eunice baka isipin nitong nagsisinungaling sya na busy sya.
Kaya sa huli, si Mel ang minessage nya.
[Mel my friend, kamusta?]
[Si Eunice, kamusta?]
~ Jeremy
Pero hindi sya sinagot ni Mel, busy pa ito sa nangyari sa kapatid nyang si Tina.
"Ano ba Mel my friend, pati ba ikaw ayaw mo din akong kausapin?"
Napipikon na si Jeremy, feeling nya pinagkakaisahan sya.
Si Kate ang huling minessage nya.
[Kate, musta? Si Eunice? Saka si Mel diko rin makontak! Ayaw nyo na ba akong kausap?]
Nagmamaktol na si Jeremy kaya ganito na ang tono ng salita nya.
[Jhay, bat ganyan ka magsalita? Feeling mo ba pinagkakaisahan ka namin?]
[Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan namin ngayon! Si Eunice nasa San Roque, Ang kapatid ni Mel na si Tina nakidnap at ang Mommy ko nilusob ngayon sa ospital!]
[Kaya pwede ba, bago ka magisip ng ganyan, isipin mo muna baka kasi may dahilan kaya ka hindi masagot! Hindi yun nagiisip ka kaagad na ayaw kang kausapin!]
[Kasi Mr. Jeremy Alvarez, hindi po umiikot ang mundo namin sa'yo!]
~ Kate