Ang hindi alam ng mag inang Carla at Mel, nadinig ng asawa ni Carla na si Carl ang pinaguusapan nila.
Kauuwi lang nito galing ng sabungan at naubos nya lahat ng perang dala nya. Hindi pa sya kumakain mula kaninang umaga kaya naisipan nyang umuwi dahil nakaramdam sya ng gutom.
Hindi nya sinasadyang madinig ang pinaguusapan ng mag ina.
'Kelan? Kelan ko sinabing nakikitira lang sila dito?'
At bumalik sa alala ni Carl ang mga pagtatalo nilang magasawa.
Gaya nung minsang umuwi sya ng madaling araw...
BLAG! BLAG! BLAG!
Sunod sunod na bayo ni Carl ng pinto, lasing na lasing ito pero hindi sya makapasok dahil nakakandado ang pinto.
"Ano ba Carl, nakakahiya sa kapit bahay! May dala ka naman susi di ba?"
"Hindi ko alam kung nasaan ang susi ko! Saka anong pakialam mo kung kelan ako uuwi! Ako ang may ari ng bahay na ito, binili ko ito ng pera ko kaya uuwi ako kung kelan ko gustong umuwi! Tabi nga dyan!"
At nung isang araw....
Umuwi sya ng bahay at naghahanap ng pagkain dahil naubos ang pera nya sa alak at sugal pero pagdating nya ay wala syang naabutang pagkain.
"Anong klaseng mga tao kayo dito sa bahay, bakit sarili nyo lang ang iniisip nyo?! Ako ang padre de pamilya sa bahay na ito, baka nakakalimutan nyo! Sino ba sa akala nyong may ari ng bahay na 'to?! HA?!"
At nitong kamakailan lang ng kunin nya sa asawa ang natitira sa perang inuwi nya...
"Hoy! Pera ko yan! Ibinayad sa akin yan ng amo ko sa paa ko, kaya akina yan!"
"Pero Carl, kailangan na natin magbayad sa bahay, tumatakbo na ang interes! Pag hindi natin ito nabayaran pwede nila tayong paalisin dito!"
"E, anong pakialam mo, hindi naman ito sa'yo! Akin itong bahay na to! AKIN!"
"At KAYO! Kung tutuusin mga nakikitira lang kayo dito kaya wala kayong karapatan sa bahay na 'to! Kaya ako ang magdedesisyon kung ano ang gagawin sa bahay na 'to! Maliwanag!"
Napapikit si Carl. Napipikon sya sa nangyari sa buhay nya. Sa isang iglap naglaho ang lahat. Hindi nya ito matanggap! Pero bakit hindi sya maintindihan ng pamilya nya?
'Wala na ba silang pakialam sa akin? Bakit hindi nila ako naintindihan, bakit hindi nila ako damayan?!'
Punong puno ng pag se self pity si Carl sa puntong hindi na nya alam na sya na mismo ang naglalayo ng sarili nya sa pamilya nya.
Hindi na sya tumuloy sa loob ng bahay. Nasaktan sya sa nadinig nyang usapan ng magina nya.
Nagtungo ito sa isang lalaking nakilala nya kanina sa sabungan.
Si Diego.
Nagpunta sya dito para mangutang kahit alam nyang malaking magbigay ng interes ito.
Ang nakapagtataka, ay kung bakit pinautang sya ni Diego kahit alam nitong wala na itong trabaho.
"Boss, bakit nyo pinautang yun? Balita ko wala ng trabaho yun?!"
Tanong ng kanang kamay ni Diego.
"Kung wala syang maibabayad edi yung pamilya nya ang ibayad nya! Maganda yung asawa nya at mga anak nya! Hehe!"
*****
Kinabukasan.
Nagtungo si Mel kila Eunice para personal na humingi ng tawad. Makailang beses nyang tinawagan ito at si Kate pero hindi sya nila sinagot.
At nagtungo naman si Nicole sa tindahan ni Mel para kausapin si Carla.
"Carla tingin ko kailangan natin magusap!"
"Alam ko ang dahilan kung bakit ka napalusob dito! Pasensya ka na pero kailangan kong suportahan ang anak ko sa desisyon nya, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa mahal ko ang anak ko! Mas maigi na ito kesa tuluyan huminto sa pagaaral si Mel!"
"Anong ibig mong sabihin? Bakit may matindi ba kayong financial problem kaya nagiisip ang batang huminto sa pagaaral?"
Napabuntung hininga si Carla, ramdam mong may matinding pinagdadaanan ito.
"Si Carl! Sya ang malaking problema namin! Malaki ang pinagbago nya simula ng umuwi syang putol ang isang paa! Hindi nya matanggap ang nangyari sa kanya kaya ayun, hanggang ngayon nag se self pity pa din!"
"Alam kong masakit ang nangyari sa kanya at mahirap tanggapin pero kailangan magpatuloy ang buhay! Paano kami kakain kung patuloy namin syang sasamahan sa pagmumukmok?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, inubos na nya lahat ng perang dala nya! Pati ang perang binigay ng kompanya bilang compensation sa nangyari sa kanya, naubos na rin!"
"Hindi ko alam kung saan saan sya nagpupunta at uuwi lang kung kelan nya gusto! At pag naisipan nyang umuwi lasing na lasing sya at lagi kaming nagaaway! Pati mga anak ko nasisigawan na rin nya at nasasaktan!"
Hindi na kami mahalaga sa asawa ko!
At tuluyan na itong humagulgol sa pag iyak.