Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 164 - You Have A Choice

Chapter 164 - You Have A Choice

Hiyang hiya si Jeremy, hindi sya makatingin ng diretso kay Nicole pero deep inside nangingiti sya.

Ang hindi nya alam nararamdaman ni Nicole ang lihim na ngiti nya. Dumaan din sya sa pagkabata at masasabing mas matitino pa nga ang mga batang ito kesa sa kanya, kaya nababasa nya ang mga kinikilos ng mga ito.

"Tita Nicole, sorry po talaga!"

Walang masabi si Jeremy kundi "SORRY", ayaw nyang magdahilan dahil alam nyang sumobra sila this time at sya ang pinaka matanda kaya ang responsibilidad ay babagsak sa kanya.

"San ka ba talaga nag so sorry Jeremy, ha? Dahil tama ang sinasabi ko o dahil tama ako?"

Napatunganga si Jeremy, hindi alam ang isasagot. Naguguluhan sya!

"Mommy tama na po! Huwag nyo na pong pagalitan si Jeremy, kasalanan din naman po namin lahat e!"

"At sa palagay mo nakaligtas na kayo?"

Baling ni Nicole sa anak.

"Mom, sorry na po, huwag na po kayong magalit please!"

(puppy eyes)

Gigil na gigil si Nicole.

"Naku, naku, naku! Lintek kayong mga bata kayo, ang sarap nyong tsinelasin?! Lalo na kayong dalawang magpinsan, sarap nyong paguntugin!"

"At ikaw naman Carmello ano naman masasabi mo? Naisip mo man lang ba ang Mama mo na nagaalala sa'yo?!"

Tanong nya kay Mel sabay turo kay Carla na nasa tabi nya. Namula tuloy sa hiya ang huli.

"Tita, sorry po, alam ko pong mali ang ginawa namin paglusob at hindi po totoong hindi ko naiisip ang Mommy ko pero Tita..... hindi po makakaya ng konsensya kong pabayaan ang mga kaibigan ko!"

Na touch si Nicole sa sinabi ni Mel.

'Bakit ba hindi ako nagkaroon ng ganitong ka loyal na kaibigan nung bata ako? Siguro mas naging adventurous din ako!'

Binalikan nya ng tingin ang magpinsan na seryoso na ngayon dahil nabanggit na Nicole ang tsinelas.

"Kayong dalawa, nakakarami na kayo sa akin, ano bang gusto nyong gawin ko sa inyo, gusto nyo bang paghiwalayin ko kayo o gusto nyong ipadala ko kayo pareho sa Lola Issay nyo?"

Natakot ang dalawa.

Nangiti lang si Nadine at hinahayaan nyang ang kapatid ang magsermon sa anak nya.

"Ms. Nicole, Ms. Nadine ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng anak ko!"

Hiyang hiyang sabi ni Carla.

"Huwag kang humingi ng sorry Carla, wala ka namang ginawang kasalanan! Hindi kami galit sa'yo o sa anak mo! Pinagagalitan lang sila ni Nicole dahil sa pagiging careless nila!"

Paliwanag ni Nadine.

Saka nageenjoy pa syang pinanonood si Nicole na nagsesermon.

Si Edmund, na kanina pa nasa labas ng pinto ay tahimik lang na nakikinig. Pinakikinggan ang asawa. Sa tinig pa lang ng asawa nya ramdam nyang inis na inis na ito pero pinipigilan lang ang sarili.

Nagulat at tumahimik ang lahat ng bigla itong pumasok.

"Jeremy!"

Biglang tayo ni Ames. Kinabahan.

"Edmund....."

Tiningnan sya ni Edmund na kalmado, para malaman ni Ames na hindi sya galit.

"Sir?"

"Sumunod ka!"

Dinala sya ni Edmund sa isang lugar na walang tao.

"Sir, magpapaliwanag po ako...."

"Anong ipapaliwanag mo, your stupidity?"

Hindi makasagot si Jeremy hindi dahil nahihiya sya kungdi dahil sa napahiya sya.

Napansin ito ni Edmund.

"Bakit? Nasaktan ko ba ang ego mo?"

Tanong ni Edmund.

"You have a choice not to continue but still hinayaan mo pa ring magpatuloy, bakit? Nagpapa impress ka ba sa anak ko, trying to show her your THE MAN?"

"Ha ha!"

Nakakaramdam ng pagiinit ng tenga si Jeremy. Napipikon na sya, dahil totoo.

*****

Samantala.

Nasa airport na si Jaime para sa flight nya pero delay daw kaya nagpunta sya sa isang restaurant sa loob ng airport.

Hindi naman masyadong puno ang restaurant pero nakatawag ng pansin sa kanya ang isang lalaking nasa isang sulok. May benda ang paa nito at may saklay.

Hindi nya maintindihan pero nakaramdam sya ng awa sa lalaki.

'Bakit kaya sya may benda, anong nangyari sa kanya?"

Dahil naiintriga sya, tinabihan nya ito.

"Sir, pwede bang maki join? Wala ng pwesto eh!"

Tumango lang ang lalaki. Wala syang pakialam sa paligid saka malaki naman ang mesa.

Kanina pa ito sa mesa pero tila nahihirapan sa pagkain. Parang may bigat sa dibdib na dinadala.

"Sir, kadarating mo lang ba?"

Napansin nya kasing may tag ng middle East ang bag nito.

Ang lalaki tila naghahanap din ata ng kausap, biglang nagsalita.

"UAE!"

Sagot nito.

"Wala pa ba ang sundo mo?"

Natawa ito pero hindi napigilan ang luha na biglang pumatak.

"Hindi nila alam na umuwi ako, hindi ko sinabi!"

"Dahil ba sa .... "

Sabay tingin sa paa nito.

At hindi na nito napigilan ang pagiyak.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na kong trabaho! Huhuhu!"

"Sir, gusto mo bang uminom?"

Tumingin sa kanya ang lalaki na may halong pagdududa. Oo gusto nyang uminom pero hindi nya kilala ang kausap nya.

"Pasensya na pero hindi tayo magkakilala, saka baka naiinstorbo na kita!"

"Hindi! Hindi mo ako naiistorbo! Delayed ang flight ko kaya may oras pa akong makinig! Ako nga pala si Lt. Col. Jaime Santiago!"

Nagulat ang lalaki ng magpakilala si Jaime at ipakita ang ID nya.

"Ako si Carl, Carmello de Guzman Sr!"