"Hello, Chaiman Enzo, bakit ka ulit napatawag!"
Iritang tanong ng kausap ni Enzo.
Ito si Nestor, ang manager ng resort na ito. Kanina pa sya naiinis kay Enzo dahil sa kakulitan nya.
'Akala mo mayari kung makapagutos, e shareholder lang naman sya! Hmp!'
"Manager Nestor, diba sabi ko sa'yo may nangyayaring dukutan dito sa resort! Pero bakit hindi mo man lang binigyan ng aksyon?!"
"Chairman Enzo, sinunod ko naman po ang utos nyang ipasara ang gate para hindi makalabas yung nandukot!"
"Oo pinasara mo nga matapos palabasin ng mga gwardiya mo yung suspect at biktima tapos hinayaan din nilang makalabas ang mga teenager na apo ko para sundan yung mandurukot! E ano pang silbi ng lockdown kung nakalabas na yung suspect?"
"Pabuksan mo na ulit ang gate para makadaan ang manugang ko!"
"Sino po? Yun po bang isang lalaki at babae na nagpumilit na lumabas? Wala na po nakalabas na matapos gulpihin ang mga guwardiya ko!"
Napangiti si Enzo sa ginawa ni Edmund.
'Mabuti nga sa mga damuhong guwardiya na yun! Tatanga tanga e!'
"Manager Nestor, naireport mo na ba ito sa mga pulis?"
"E Chairman, kailangan pa po ba? Baka masira ang katahimikan ng mga guests sa resort!"
"Sira ulo ka ba? Bakit hindi mo inirereport?"
E, Chairman kailangan ko pa po munang itanong kay President Lance kung kailangan kong tumawag ng pulis!"
Pagdadahilan nito pero ang totoo wala syang pakialam sa nangyayaring dukutan kung totoo man ito dahil sa totoo lang hindi rin sya naniniwala sa sinasabi ni Enzo. Wala rin syang planong ipaalam ito sa presidente at may ari ng resort na si President Lance.
'Para ano? Para masira ang katahimikan ng resort sa pangangalaga ko?!'
Gusto pa syang kausapin ni Enzo pero agad na nagpaalam na si Manager Nestor.
"Sige po Chairman kailangan ko na pong tawagan si President Lance!"
Hindi na nito inantay pa ang sasabihin ni Enzo kahit pinipigilan sya nito. Agad nyang pinatay ang CP nya.
"Akala mo mauutusan mo ulit ako! Neknek mong matanda ka! Hmp!"
Natutuwang sabi ni Manager Nestor.
Pikon na pikon naman si Enzo ng babaan sya ni Manager Nestor.
"Walanghiyang yun, hindi pa ako tapos binabaan na ako!"
Sa inis nito sya mismo ang tumawag kay President Lance para isumbong ang pinag gagawa ni Manager Nestor.
Sa huli, nasermunan si Manager Nestor ni President Lance at sinabi sa kanyang pag may nangyari sa mga apo ni Enzo ay maghanap na sya ng trabaho.
Alam kasi ni President Lance na si Enzo ang number 1 sa pinaka mayaman sa buong Zurgau at sya rin ang pangalawa sa major shareholder ng resort na ito.
*****
Sa kabilang dako.
Napamulagat si Mon ng makita na bumilis ang takbo ng puting kotse na kanina pa sumusunod sa kanya.
"Lintek na, sino ba itong bwisit na 'to?"
Nang malapit na, naaninag na nya ang mukha ng driver.
"Si Jeremy ba yun?"
At ng sulyapan nya ulit, nagulat sya ng bigla nitong banggain ang likurang bahagi ng sasakyan nya. Hindi ito malakas pero nakakayanig pa rin, saka nirentahan nya lang ito.
"Lintek na Jeremy na yun! At kasama din ang mga makukulit na bubwit!"
Nadinig ni Mon na biglang umungol si Yna.
BLAG!
Binangga ulit sya ni Jeremy.
'Lintek na batang 'to, gusto atang magising si Yna!'
Napaisip si Mon.
'Mukhang yun nga ang balak nya!'
Iniliko nya sa may gubat ang sasakyan.
"Dito tayo mag tuos mga bwisit na bubwit!"
"Kailangan ko ng patahimikin itong mga bwiseet na 'to! Ang kukulit!"
Nang malayo layo na sa main road, inihinto na ni Mon ang sasakyan at bumaba.
"Lintek kayo ang tatapang nyo!"
Lumusob agad ito at sinikmuraan si Jeremy.
Pagkatapos ay gumanti si Jeremy.
Naghanap naman ng magagamit na kahoy si Kate at si Eunice at Mel ay nagtungo sa sasakyan ni Mon para gisingin si Yna.
Hinambalos ni Kate ng nakitang kahoy si Mon na ikinainis nito kaya nagbunot sya ng baril at tinutukan ang dalawa.
"O ano lapit! Ang tatapang nyo! Wala na kayong kinatatakutan!"
BANG! BANG!
Pinaputukan nya ang dalawang gulong ng sasakyan ni Jeremy.
Naikinagulat ni Eunice at Mel.
"Beshy sakay! Bilis! I lock mo ang pinto!"
Hindi na muling magawang makalapit ni Jeremy at Kate kay Mon.
"Oh ano ke tatapang nyo pero nanginginig naman kayo sa takot!"
"Tandaan nyo 'to! Huwag na huwag nyo na akong susundan dahil sa susunod na makita ko pa ulit kayo hindi na ako magdadalawang isip na tuluyan ka....."
Hindi pa sya tapos mag speech ng madinig nya ang sasakyan na nirentahan nya na mabilis na umaandar papalapit sa kanya minamaneho ni Eunice.
Itinaas nya ang baril para takutin ito pero dumiretso pa din.
BLAG! SCREECH!
BANG!
Hindi nagawang makailag ni Mon, tumilapon ito ng malayo pero bago sya tumilapon ay napaputok nito ang baril at tinamaan si Eunice.
"EUNICE!!!"
Umaalingawngaw sa buong kagubatan ang sigaw ni Jeremy.