Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 157 - Abducted

Chapter 157 - Abducted

Nakalabas na sila ng pinto ng cafe ng dumating si Jeremy at Kate.

Hindi nila napansin si Mon dahil wala itong buhok at nagpatubo ng bigote at balbas, medyo umitim din sya sa sobrang babad sa araw.

Tinakpan naman nya ng cap at towel ang mukha ni Yna para walang makakilala.

Pagpasok ng cafe dumiretso agad ang dalawa sa CR na ikinagulat ng Janitress na andun at naglilinis.

"Sir, duon po sa kabila ang CR ng lalaki!"

Pigil nya kay Jeremy.

Si Kate naman ay hindi pinansin ang Janitress at dumiretso sa mga cubicle para hanapin si Yna.

May mga pumasok na kababaihan na medyo nailang ng makitang may lalaki sa loob ng CR ng babae kaya nagpaliwanag si Jeremy.

"Ate, pasensya na po, emergency lang! Yung kaibigan kasi namin tumawag at humihingi ng tulog! Andito daw sya sa CR na ito!"

"Jhay wala na dito si Yna!"

"Yna? Teka, baka yan yung babaeng may sakit na nakita ko kanina dito sa loob ng cubicle!"

"Ano pong nangyari?"

"Asan na po yung tinutukoy nyong babae?"

"Wala na! Nilusob na sya sa ospital ng tatay nya! Kaalis lang!"

"PO?!"

Kinabahan ang dalawa.

"Ate, yung tatay nya po ba yung kalbo na balbas sarado?"

Tanong ni Kate.

"Oo...oo! yun nga!"

Nagkatinginan ang dalawa tapos ay nagpaalam na sa Janitress.

"Jhay, yung nakasalubong natin kanina, mukhang yun ang tinutukoy ni Ate! Pamilyar ang kilos nya!"

"Tara, baka abutan pa natin!"

Nagmamadali silang lumabas ng cafe at hinanap ang lalaking nakita nila kanina.

Bawal ang sasakyan na may gasolina sa loob ng resort, puro electonic vehicle ang gamit nila dito kaya mabagal lang ang takbo.

"Ayun!"

Turo ni Kate sa isang papalabas na LSV. (Low Speed Vehicle).

Dumaan sa harap nila ang LSV kaya pinagmasdan mabuti ni Kate kung sino ito.

"Parang si Sir Mon yung guy!"

Sambit ni Kate.

"Tara bilis, sundan natin!"

*****

Dumating na ang mga assistant na tinawagan ni Mel at ibinilin nila ang matanda.

"Lola Remy dito lang po kayo, hihingi po kami ng tulong para kay Jane!"

Sambit ni Eunice.

"Huwag po kayong magalala at magiging okey po si Jane!"

Dugtong ni Mel.

"Sige mga bata, salamat! Napakabait nyo!"

Habang papunta sila sa cafe sakay ng kanilang LSV, nakasalubong nila ang sinasakyan ni Mon. Hindi rin nila ito gaanong nakilala pero yung sakay sa likod na babae nakilala ni Eunice. Wala na ang takip nitong tuwalya sa mukha kaya napansin niya agad.

"Si Yna yun diba?"

Sabi nya kay Mel.

"Huh?!"

Napahinto si Mel sa pagmamaneho.

"Sigurado ka ba Sissy? E, yung driver nakilala mo ba?"

"Mukhang pamilyar pero diko sure!"

Mamaya maya nakita naman nila sina Kate at Jeremy mukhang sinusundan yung nakasalubong nilang LSV, kung saan nakasakay si Yna. Hindi huminto ang mga ito ng makita ang dalawa, sumenyas lang na sundan sila.

Habang nakasunod sila, naguusap naman si Kate at Eunice gamit ang sign language.

{Sir Mon! abducted Yna}

'Bakit ba itong mga ito nag se senyasan e may cellphone naman?! Hindi na lang dun magusap!'

Tanong ni Mel sa sarili nya.

Pagkatapos nilang magusap ni Kate, kinuha ni Eunice ang cellphone nya at tinawagan ang Daddy nya.

"Dad, help! Dinukot po ang school mate namin!"

"HA?!"

"Asan kayo?"

"Nasa cafe po!"

Daddy ipasara nyo po ang gate ng resort baka po makalabas sila!"

"Sinong dinukot?!"

"Si Yna po dinukot ni Sir Mon!"

"Dad bilisan nyo po baka makalabas na sila!"

Nataranta si Edmund.

'Grabe itong anak ko, anong palagay nya sa akin, si Superman?!'

"Sige anak, huwag kayong aalis dyan!"

Pero hindi na nadinig ni Eunice ang huling sinabi ng ama dahil biglang huminto sa pagmamaneho si Mel, nabigla sya kaya nabitawan nya ang cellphone.

"Ano raw ang sabi ng anak mo?"

Tanong ni Nicole sa asawa habang naglalakad ito at tila may hinahanap.

"Kailangan daw ipasara ang gate! Dinukot daw ni Sir Mon si Yna! Asan ang Papa?"

"Nasa labas sa may pool kalaro ang mga bata ng taguan!"

Tumakbo ito palabas ng pinto at dumiretso sa pool.

"Pa?"

"Earl asan ang Lolo mo!"

"Ewan ko po!"

"Diba nagtataguan kayo, bakit dimo alam?"

"Nagtatago po sya e!"

Napipikon na si Edmund kaya si Nicole na ang nakipagusap sa anak.

"Earl anak! Hindi mo ba alam saan nagtatago ang Lolo mo? Emergency kasi e!"

"Hindi ko po sure Mom pero baka po dun sa may malaking bato!"

"Aaahh! Okey!"

"Bakit mo sinabi, diba sa ni Lolo huwag na huwag natin sabihin dahil baka makita sya ni Lola?"

Patakbong pinuntahan ni Edmund ang tinutukoy ni Earl at naroon nga ang matanda.

"Pa!"

"Shhhhh! Umalis ka nga damuho ka at baka makita ako ni Sweetie ko!"

"Pa, may emergency po! Kailangan ko po ng tulong nyo!"

"Ay lintek kang mokong ka! Hindi ba makakapaghintay yan?!"

"Pa, emergency nga po!"

Sabat ni Nicole na sumunod sa asawa.

"Ano bang emergency na yan? Tungkol saan?"

"Tungkol po kay Eunice!"

"Abay damuho ka talaga! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?!"

"Anong nangyari sa apo ko?!"

Nagsulputan na rin ang lahat at lumapit sa kanila.

"Tumawag po sa akin, nakita nya daw yung teacher na dinukot yung school mate nya!"

"HAAAA???!!!"

"Asan ang apo ko?"

"Nasa cafe daw po! Hihihiling po nya na ipasara daw po ang gate ng resort para daw po hindi maka labas yung dumukot!"

"Pa, dipo ba kilala nyo ang may ari ng resort? Magagawa nyo po ba itong ipasara?"

"Teka, tatawagan ko!"

"Sige po! Pupuntahan ko na po ang mga bata!"