Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 143 - Sasama Ako

Chapter 143 - Sasama Ako

Finally start na ng vacation.

Dahil sa hiling ni Kate na isama si Mel sa bakasyon nila, kinausap ni Nicole ang Mama ni Mel para maisama ito sa Zurgau.

"Hello po Mrs. de Guzman!"

"Mam Prinicipal, kamusta po! Nadalaw kayo?"

"Carla, pwede bang Nicole na lang ang itawag mo sa akin? Wala naman tayo sa school e!"

"Nakakahiya naman po Mam! Saka Nakakailang!"

Huwag kang mahiya, mag best friend ang mga bata kaya walang masamang maging close din tayo!"

Gusto nya ang mother ni Mel, masipag at maabilidad saka humble sya di tulad ng ibang nanay na akala mo kung sinong umasta umaasa lang din naman sa asawa.

At yung iba naman mapagsamantala!

Iba si Carla, seryoso sa buhay lalo na sa kapakanan ng pamilya. Kahit na working Mom sya hindi nagpapabaya sa mga anak.

"No I insist! Si Mel pag nasa bahay ang batang yun Tita Mommy ang tawag nya sa akin!"

"Naku pasensya na po kayo sa anak ko!"

"Huwag kang humingi ng pasensya! Basta huwag mo akong tawaging principal pag wala ako sa school! Feeling ko kasi may name tag akong suot pag tinatawag akong Principal! Hehe!"

"Sige, po Ms. Nicole! Bakit nga po pala kayo nadalaw?"

"Pwede bang tanggalin mo na rin yung po! Nakakailang eh, magkasing edad naman tayo!"

"Kaya ako nadalaw kasi gusto kong imbitahan kayo ng pamilya mo sa Zurgau!"

"Ha?! Dipo ba malayo yun?"

"Hindi naman may direct flight naman dun e!"

"Pero ... kasi ..."

"Huwag kang magaalala sagot ko ang lahat!"

"Pero mahal ang plane ticket tapos ang dami pa namin!"

Tatlo ang anak ni Carla at si Mel ang panganay kaya kasama sya bale apat sila.

"Hahaha! Huwag kang magalala sa plane ticket at may free pass kami!"

"Huh?"

"Meron kasing isang tao na nag alaga sa akin at sa sister ko nuon! Nakapangasawa sya ng isang may ari ng airplane company, sya ang nagbibigay sa amin ng free pass!"

"Wow! Ang rich po pala ng mga friends nyo!"

"Saka, dun naman tayo titira sa bahay ng parents ko sa Zurgau! Kaya wala kayong dapat alalahanin!"

Sige, po Ms. Nicole, kakausapin ko po ang mga bata at magpapaalam ako sa asawa ko!"

"Naintindihan ko, tawagan mo ako ha!"

"Yes po Mam!"

Hindi na ito nagtagal at nagpaalam na, kailangan pa nyang kausapin si Ames dahil magpa file sya ng leave for 10 days.

"Anong leave ka dyan? Ke bago, bago mo magpa file ka na agad ng leave?!"

"Anong gusto mo Ames, magresign ako? Nakalimutan mo na bang temporary lang ang usapan natin!"

"Aba teka nga! Ikaw kaya nag declare sa sarili mo na maging principal! Acting principal ang paglalakilala ko sa'yo tapos ikaw 'tong biglang sinabi mo sa staff na principal ka na!"

"Kailangan kong gawin yun dahil napipikon na ako sa mga empleyado mo! Saka wala naman tayong contract ah! So it means I can leave anytime!"

'Langya! Nagkaron nga ako ng maasahan na principal may attitude naman! Hmp'

"Okey sige payag na ako! Pero may condition ako!"

"Ano yun?"

"First, promise me na lilinisin mo ang Ames Academy! I want a fresh start! Sa next school year gusto ko wala na ang mga alipores ni Gob Pancho!"

"Okey!"

"Second, sasama ako! Pag hindi mo ako sinama susunod ako sa ayaw at sa gusto mo!"

Hindi pa sya nakakarating ng Zurgau kaya gusto nyang sumama.

Napakamot sa ulo si Nicole.

"Okey!"

Nakaratingin kay Jeremy ang tungkol sa vacation at nalaman din nyang kasama ang Tita Ames nya. Gusto din nyang sumama.

"Tita Ames, balita ko kasama po kayo sa vacation nila Tita Nicole sa Zurgau, pwede po bang sumama?"

"Sira na ba talaga ang ulo mo? Andun din si Edmund, gusto mo bang pilayayan ka nun? Kaya nga hindi ka namin pinapayagang lumabas ng bahay dahil baka gulpihin ka non sa ginawa mo nung graduation! Saka tingnan mo yang mga pasa mo, hindi pa nga magaling, naghahanap ka na agad ng sakit ng katawan!"

Kinakabahan din si Elsa ang Mama ni Jeremy.

Pero hindi maiwasang hindi mangiti ni Lemuel, ang Lolo ni Jeremy. Pagkakataon ito ng apo nya na suyuin si Eunice.

"Ames, ano bang masama kung isama mo ang bata sa bakasyon mo? Malapit na yan umalis papuntang amerika kaya isama mo na!"

Utos nya sa anak nyang si Ames.

"Papa naman eh, pinapairal nyo na naman yang pagka kunsintidor nyo!"

Walang nagawa si Jeremy, final na ang desisyon ng Tita Ames nya pero syempre kunsintidor si Lolo Lemuel nya kaya nakaisip na ito ng paraan.

Samantala.

Hindi alam ng Daddy ni Miles kung paano nya matutupad ang hiling ng anak. Una late na ang application nya para sa Harvard University at pangalawa nag file ng restraining order si Jeremy laban kay Miles.

"Ano bang gagawin ko? Ayaw ko din naman manatili rito ang anak ko?!"