Hindi na nakapag salita pa si Jeremy dahil may point si Edmund. Hindi nya nagawang protektahan si Kate at sya ang dahilan kung bakit na bubully si Eunice.
Totoo na nuong una, nakakatuwang isipin na may nagkaka crush sa'yo, pero nakakairta na ito nung huli.
Ngunit ang malaking pagkakamali nya, kahit naiirita na sya hinayaan nya lang at wala syang ginawa.
'Papaano nga naman nya ipagkakatiwala ang anak nya sa akin?'
Napaupo na lang si Jeremy.
"Mabuti pa, umalis na ako! Marami pa akong pwedeng gawin kesa kausapin kayong dalawa!"
Tumayo na si Edmund at tuluyang umalis. Hindi nya talaga gustong kausap ang mga ito.
'Waste of time! Mas masarap pang kausap si Earl!'
"Jeremy eto, drink! Hehe! Huwag mong masyadong isipin ang sinabi ni Edmund! Iinom muna lang yan!"
"I'm so stupid Tito!"
"Siguro nga! Hahaha!"
Kaya inom na lang tayo para makalimutan natin yan!"
At nag inuman sila hanggang malunod sila. Pero si Jaime lang talaga ang uminom dahil naka dalawang bote lang si Jeremy umayaw na sya.
Saka mabilis uminom si Jaime, parang sinusubukan nyang burahin ang sakit na nararamdaman. Dahil aminin man nya ito o hindi, tinamaan sya sa mga sinabi ni Edmund.
*****
Sa bahay ni Edmund.
"Mom, totoo po bang maghihiwalay na sila Tito Jaime at Tita Nadine?"
Tanong ni Eunice sa Mommy nya habang nasa kusina sila, nag be bake.
Ito ang bonding moment nilang ma ina habang busy naman sa paglalaro si Earl.
"Eunice, anak, diba sabi ko sa'yo, hindi tama ang makinig sa usapan ng matatanda?"
'Andaya nitong si Mommy, hindi na naman sinagot ang question ko! Laging iniiba ang usapan! Hmp!'
"Sorry po Mom, hindi ko naman po gustong makinig sa usapan ng matatanda, malakas po kasi ang boses nyo habang naguusap kaya nadinig ko!"
May katwiran nga naman sya! Hindi nga naman nya sinasadyang madinig lalo na at bumubulahaw sa pag iyak si Nadine habang nagsasalita.
"Eunice, ganito kasi yun! Kaya lagi kong sinasabi na hindi tamang makinig sa usapan ng matatanda, ang ibig sabihin nun, hindi tamang makialam ang mga bata sa usapin ng matatanda!"
"Pero Mom, ayaw ko naman pong makialam! Nagtatanong lang naman po ako dahil kay Ate Kate! Naawa po kasi ako sa kanya pati na rin po kay Ate Nadine!"
'Aaaaah! Ang bait, bait talaga ng anak ko! Manang mana sa akin!'
Nilapitan nya si Eunice at inakap.
"Anak, wala ka naman dapat gawin! Your presence is enough, isama mo na rin si Mel! Sa tingin ko yun talaga ang gusto ng pinsan mong si Kate!"
Kadadating lang ni Edmund at nadinig nya ang usapan ng mag ina.
'Mukhang kailangan na namin magusap!'
'Kailangan matapos na 'to!'
Hangang ngayon kasi may tampuhan pa rin silang magasawa at dahil yun sa hindi nya pag payag sa date.
"Eunice, pwede ba tayong magusap!"
Nagulat silang magina sa biglang pagsulpot ni Edmund.
Nilapitan nya ang magina saka nag bless si Eunice.
"Yes Dad! Tungkol po saan?"
"Tungkol kay Jeremy!"
"Hon!"
Gusto nyang pigilan si Edmund.
Nginitian sya ni Edmund saka hinarap si Eunice.
"Baby, masama ba ang loob mo kay Daddy dahil ayaw kitang payagan na maging date ni Jeremy sa grad ball?"
"No, Dad! It's just a party! Hindi ko naman po gustong magpunta sa party na yun! Wala po akong ka close dun, nakakailang! Saka hindi ko naman po grad ball yun! Hindi po ako mageenjoy!"
"Ang gusto ko lang naman po ay magkaroon ng special moment with Jeremy bago sana sya umalis!"
Medyo napahiya si Nicole ng madinig ang sinabi ng anak. Kaya tahimik na lang itong nakinig sa paguusap ng mag ama.
'Ganun na ba talaga kalaki ang pagkagusto ng anak ko sa mokong na yun?!'
Huminga ng malalim si Edmund.
"Anak kung yan ang gusto mo, bakit hindi mo sinasabi kay Jeremy?"
"Dad, nasabi ko na po kay Jeremy ang nararamdaman ko sa kanya, pero aminado po akong hindi ako sigurado na yun din po ang nararamdaman ni Jeremy sa akin! Wala naman po akong balak na ipag pilitan ang sarili ko sa kanya!"
"Kung talaga pong may pagtingin sa akin si Jeremy, gagawa ng paraan iyon! And I just wait!"
"Bata ka pa anak to think of all this things! Mag enjoy ka muna sa life mo, lalo na sa pagiging teenager!"
"Huwag po kayong magaalala Dad I will!"
"You will pero lagi ka namang wala sa focus dyan!"
Napatungo si Eunice.
"Kasi po... "
"Kasi...."
"Anong kasi?"
"Dad ako po ba ang dahilan kaya kayo may tampuhan ni Mommy? Sorry po!"
Nagulat ang magasawa sa tanong ni Eunice, lalo na ng magangat ito ng mukha at makitang maiiyak na.
"Eunice bakit mo naman nasabi yan?!"
"Dad please, mag bati na po kayo ni Mommy! Ayaw ko pong mag away kayo ng matagal because of me! Please po!"
"Ayaw ko po kayong matulad kila Tito Jaime at Tita Nadine! Natatakot po ako na baka isang araw gusto nyo na ring maghiwalay! Huhuhu!"
Sabay na inakap ng magasawa si Eunice.
"Shhh... baby don't say that! Kayo ang buhay ko kaya hindi ako makakapayag na mawala kayo!"
Nakita ni Earl ang drama pag pasok nya ng kusina.
"Hey! I'm still part of this family remember?!"