Sa Principal's office.
Hindi mapakali si Nicole, kaya tinawag nya si Secretary Kim.
"Secretary Kim, ano bang ginawa ng mga bata yong dito kaninang wala ako?"
"Wala po, tumambay lang! Bakit may pinakialaman po ba sila? Loko yung tatlong yun hahatawin ko ng ruler yung mga yun kapag may nawala dito!"
Sabay ngiti halatang nagbibiro.
"Walang nawawala pero may iba akong nararamdaman! Parang may kalokohan na gagawin e!"
"Umuwi na ba sila?"
"Mukhang hindi pa! Bakit hindi nyo po tanungin si Reah, yung bodyguard ni Eunice?"
Kinuha nito ang cellphone para tawagan si Reah.
"Hello Reah, asan si Eunice?"
"Nasa bodega po kasama sila Sir Mel at Ms. Kate!"
"Bakit, anong ginagawa nila don?"
"Hindi ko po alam, Mam!"
"Papasukin ko na po ba?"
"Huwag, hayaan mo lang, baka naglalaro lang. Bantayan nyong mabuti!"
At binaba na nito ang phone.
"Asan daw yung mga kids?"
"Nasa bodega!"
Ha? Anong ginagawa ng mga batang yun dun?"
"Ewan ko, baka may secret sila! Tambayan ni Kate yan pag gusto nyang mapag isa kaya laging nililinis ni Mang Johnny!"
Pero nagtataka si Secretary Kim tila balisa pa rin si Nicole.
"Principal Cole, ano po bang gumugulo sa isip nyo?"
"Kanina kasi pagpasok ko, nakita kong ginagalaw nila ang bag ko!
Sabi ni Eunice, hinahanap lang daw nya ang cellphone nya pero hindi ko maiwasan kabahan! Andun din kasi yung files ng tatlong teacher!"
"Bakit nasa bag nyo yung files nila, iuuwi nyo po ba?"
"Oo, ipapakita ko sa bayaw ko?"
"Bakit may duda ba kayo dun sa tatlo?"
"Ewan ko, may nararamdaman kasi ako na parang may mali kaya gusto kong ipakita kay Kuya Jaime!"
Habang naguusap sila, nagulat sya ng tawagan sya ni Kate.
"Hello Kate! Nasaan kayo?"
Pero hindi boses ni Kate ang nadinig nya.
"ANONG GINAGAWA NYO DITO?!"
Malakas ang tinig ng nasa background.
"Waaaaahhh!"
Nataranta si Nicole ng madinig ang sigaw nilang tatlo.
"Kate anong nangyari sa inyo! Sino yung dumating?!"
Pero hindi sya sinagot ni Kate, bagkus ay nadinig nya lang na kinakausap nito yung sumigaw na dumating.
"Sir Mon, naguusap lang po kami dito sa bodega!"
Sagot ni Kate ng malakas na sadyang ipinadidinig nya kay Nicole.
"Saka pinayagan naman po kaming mag stay dito ni Mang Johnny!"
"May plano po kasi kaming mag summer vacation kaya po kami nandito at naguusap!"
Katwiran ni Kate.
Hindi naman makaimik sa takot sina Mel at Eunice.
Nadismaya si Sir Mon ng makita ang tatlo na nasa loob ng bodega kaya sininghalan nya ang mga ito.
"Ano naman ang nangyari dito, bakit magulo?"
Tanong ni Sir Mon.
"Nahulog po Sir! Bigla pong nalaglag!"
Sagot ni Mel.
Biglang napansin ni Teacher Mon ang hawak na bag ni Eunice.
'Nalintikan na! Bakit hawak ng batang iyon ang bag ni Yna?'
Ito talaga ang pakay ni Teacher Mon, ang balikan ang bag ni Yna. Nilagay nya dito ang bag pansamantala dahil nagiimbestiga ang mga police, pero ngayon na tapos na ang imbestigasyon, naisipan na nyang balikan na para maibaon na sa lupa.
'Paano ko makukuha ang bag ni Yna na hindi sila makakahalata?'
'Sana hindi pa nila alam na kay Yna yun!'
"Bakit mo hawak yang bang na yan? Sa'yo ba yan?"
"Hindi po Sir! Nahulog po sya sa akin?"
Sagot ni Eunice, pero hindi nya sasabihin sa teacher na ito na hinila nya ang palawit ng bag kaya nahulog.
"Amina yang bag kung hindi yan sa'yo!"
Utos ni Sir Mon.
Pero ayaw ibigay ni Eunice ang bag, mahigpit ang pagkakahawak nya dito.
Umaandar din ang isip ng dalawa.
Hindi pwedeng mapunta kanino man ang bag ni Yna.
"Sabing amina yung bag bakit ayaw mong ibigay?"
"Sir, hindi po sa ayaw nyang ibigay, kasi nasaktan po si Eunice kaya hindi nya maigalaw ang kamay nya!"
Pangagatwiran ni Mel kay Sir Mon.
"Pwes kunin mo at ikaw ang magbigay sa akin!"
Nang tinatanggal ni Mel ang bag sa braso ni Eunice na naka patong dito pumalahaw ito ng sigaw.
"Aaaahhh! Masakit, dahan, dahan!"
Sir, kailangan po ni Eunice ng tulong! Baka po pag pinilit kong alisin ang bag lalo syang masaktan!"
Nataranta si Sir Mon.
'Hindi pwede silang humingi ng tulong, mas delikado!'
Biglang may lumapit sa kanila, si Mang Johnny.
"Ano pong nangyayari dito? Nakupo!"
Agad silang nilapitan ni Mang Johnny.
"Nasaktan ba kayo?"
"Hindi po Mang Johnny, si Eunice lang po!"
Naku, naku, naku! Tumawag kayo ng tulong!"
'Naloko na! Hindi ako pwedeng umalis na wala ang bag ni Yna!'
Lumapit ito kay Eunice para sya na ang kukuha ng bag ni Yna.