Sa labas.
Binalot ng kaba si Mel ng makitang dumarating at papalapit na si Nicole.
'Nakupo anong gagawin ko?!'
"Tita Hi!"
Kaway nito kay Nicole habang papalapit.
"Oh Mel, anong ginagawa mo dito?"
"Principal Cole! Hello po! Good Morning, Good Afternoon at Good Evening na rin po!"
Bati nito ng malakas habang nakaharang sa may pinto.
"Anong bang nakain mo ha, Mel?"
"Wala pa po! Gutom na nga po ako e!"
"Bakit ka andito, asan si Eunice?"
"A....e.....e...."
Nagulat si Mel ng hawiin sya ni Nicole at binuksan ang pinto.
'Jusmiyo ano bang sasabihin ko?'
'Sissy, Labs bahala na kayo! Sana nadinig nyo ang signal ko!'
Samantala sa loob.
Natigilan ang dalawa ng madinig nila si Mel.
"Si Mommy, si Mommmy! Bilisan natin!"
Natatarantang sambit ni Eunice.
"Kailangan ko ng pen and paper!
Teka!.. Oonga pala ba't naghahanap ako ng pen and paper, may photographic memory nga pala ako!"
Taranta ring sabi ni Kate.
"Eunie sa'yo itong isa sa akin ang dalawa! Kabisaduhin mo ang info, daliii!"
Click!
Nanlaki ang mga mata nila ng madinig ang pagbukas ng pinto at dali daling ibinalik nila ang mga files ng teacher kaparehas kung papaano nila kinuha.
Naibalik naman nila ng maayos pero hindi maiwasan magduda ni Nicole ng makita ang mukha ng dalawa.
"Bakit kayo nandito?"
Tanong nya sa magpinsan.
Hindi nakapagisip ng idadahilan ang dalawa, pareho kasi silang kinakabahan.
Nagkatinginan ang dalawa, halatang guilty.
Lalong tumindi ang pagdududa ni Nicole ng hindi sumagot ang dalawa.
"Bakit ba pakiramdam ko may ginagawa kayong hindi maganda at hindi ko magugustuhan kaya ayaw nyong magsalita!"
Lalong hindi makaimik ang dalawa.
Nagtataka kung bakit parang nababasa ni Nicole ang isip nila.
"Mel?"
Baling ni Nicole ng hindi sumasagot ang mag pinsan.
Nagulat si Mel
'Ano ba itong magpinsan na 'to, parang naputulan ng dila, bakit di nagsasalita! Lalo silang mabubuko nyan e!'
"A..ako po wala! Ewan ko po yang dalawang yan, Tita Mommy!"
Muling ibinalik ni Nicole ang pansin nya kila Kate and Eunice.
"Tinatanong ko kayong dalawa, hindi ba kayo magsasalita?"
"E...e ... Mom... ano po... kasi po... kasi! Hinahanap ko po kasi yung cellphone ko. Meron lang po akong gustong icheck!"
"Bakit mo sa akin hinahanap e yung Daddy mo ang kumuha sa'yo diba?"
"E... Tita Ninang alam naman po namin na ibinibigay lahat ni Ninong sa inyo ang lahat, kaya nagbaka sakali lang po!"
Pero wala nga sa akin! Mabuti pa kung wala naman kayong ginagawa e, mag lunch na tayo!"
"Tita Ninang, yung pong mga folder na nasa bag nyo, di po ba files yun ng mga teacher, bakit po nasa bag nyo? May plan po ba kayong iuwi yun?"
"Oo, pinagaaralan ko kasi ang mga teacher nagkataon na kinailangan ng mga pulis yan kaya pinakita ko!"
"Ahhh!"
Pagkatapos ng lunch nagpaalam si Eunice na hindi muna uuwi, sasama muna sya kila Mel at Kate.
Sa isang silid sila nagtungo. Isa itong bodega.
"Dito tayo! walang nagpupunta dito maliban sa janitor na si Mang Johnny!"
Sabi ni Kate.
"E paano kung biglang magpunta dito si Mang Johnny, anong gagawin natin?!"
Tanong ni Mel.
"Huwag kayong magalala, hindi laging nagpupunta dito si Mang Johnny!"
"Sissy, Labs, itigil na kaya natin ito!
Jusko, ang puso ko hindi na tumigil sa pag kabog!"
"Hahaha!"
"Huuy, tumahimik ka nga at baka may makarinig sa atin!"
"Hahaha!"
Pero lalong tumawa si Kate.
Nagkatinginan na lang si Eunice at Mel.
"Ate Kate, natatandaan mo ba lahat yung information nung mga teacher?"
"Oo! Ikaw, nakabisado mo ba agad yung kay Sir Mon?"
"Oo! Sa ginubatan sya nakatira, wala syang pamilya!"
"Si Teacher Lina sa kamalig si Teacher Ferdi sa kanayunan!"
"Malapit lang dito yung dalawang teacher pwedeng lakarin!"
"Talaga Beshy? Maganda yan pwedeng duon tayo magsimula! Diba Ate Kate?"
Pero malayo ang isip ni Kate.
"Ate Kate, okey ka lang?"
"Huh!"
"Pasensya na may sumagi lang sa isip ko!"
"Ano ba yun Labs, pwedeng pa share?"
"Kiss muna!"
"Umayos ka nga!"
"Hahaha!"
Si Eunice naman ang tumawa at napatingin sa kanya ang dalawa.
"Hala, nasasapian mo na yang si Sissy!"
"Pwede ba mag serious na tayo!"
Pakiusap ni Mel.
"Okey! Kasi ganito yun! Ang sabi sa police report, sumakay si Yna ng tricycle ng umalis ng bahay! Nagpaalam itong may tatapusing project!"
"Police report?"
Nagtatakang tanong ni Mel kay Kate.
"Bakit Beshy? Anong problema?"
"Paano nakuha ng pinsan mo ang police report?"
"Secret yun Melabs, much better na huwag munang alamin! Hehe!"
"Question Beshy, saan yung ginubatan?"
"Malayo sya dito, need pang mag jeep!"
Nagkatinginan si Eunice at Kate na napansin naman ni Mel.
"Bakit?"
"Dito tayo mag start!"