Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 86 - Nakaplano Na Ang Lahat

Chapter 86 - Nakaplano Na Ang Lahat

"Fred anong gagawin ko? Should I call back?"

Tanong ni Rowena sa boyfriend nya.

Iko close na sana nya ang na recieve na tawag dahil walang sumasagot, akala nya prank call. Pero ... bigla nyang narinig na may tumawag ng "Alicia" kaya napahinto sya at nakinig hanggang sa iclose na ng tumawag ang phone.

"Anong sasabihin mo kung sya nga?"

Balik na tanong ni Fred ang boyfriend nya.

"Hindi ko alam pero... gusto kong madinig ang boses nya!"

"Paano ka nakaka sigurong anak mo ang tumawag? Paano naman nya nalaman ang number mo?"

"Hindi ko alam!"

At naiyak na ito dahil sa sama ng loob.

"Okey tahan na please!"

"Sige, sige! You can call her back, but you have to promise me kailangan mong kumalma, huwag mong takutin ang bata!"

Huminga ito ng malalim bago nag return call.

"H..he..llo po?"

"Hello! Ikaw ba yung tumawag sa akin kanina?"

Hindi sumagot si Alicia, halatang kinakabahan.

"Huwag kang matakot hindi ako galit!"

"O..po! So..sorry po!"

"Hindi ako galit, iha!"

"Pwede ko bang malaman kung anong name mo?"

"Uhm.. Alicia po!"

"Alicia, pwede ko bang malaman kung sino nagbigay sa'yo ng number ko?"

"Friend ko po!"

"Okey!"

"Alicia pwede ba kitang makita?"

"Hindi po .... magagalit po ang Daddy ko!"

Nalungkot si Rowena.

Naiintindihan ko!"

Kailangan nyang makaisip ng ibang paraan para magkita sila ng anak nyang si Alicia.

"Sige po Ma'm malapit na po akong bumaba! Babay na po ako!"

Sige babay....(tut. tut. tut)

.... anak!"

Hindi na narinig ni Alicia ang huling sinabi ng kausap dahil bumaba na ito.

Hindi nya alam na nakamasid sa kanya ang kausap nya dahil sinundan nito ang service nya.

"Oh, bakit ganyan pa rin ang mukha mo? Nakausap mo na sya diba?"

Tanong ni Fred

"Ling, gusto kong makapasok sa school para makita at makausap ko ang anak ko!"

*****

Dahil sa kumalat ang balita tungkol sa ginawa ni Orly at mga alipores nya, umabot ito sa mga magulang ng mga estudyante ng school.

Nagaalala sila para sa mga anak kaya nadumog ng tawag ang school.

Pero naihanda na ng school ang lahat. Batid ni Principal Cole na mangyayari ito kaya may mga itinalaga na syang sasagot sa mga tawag ng mga magulang, na labis na ikinabahala ng staff ng school.

"Bakit ganun? Hindi nyo ba napapansin, parang binabawasan nya ang trabaho natin!"

"Oo, napapansin ko din!"

"Hindi kaya.....!"

Ayaw nilang isipin pero pakiramdam nila, parang wala na silang babalikang trabaho next school year.

At dahil kumalat na ang balita tungkol kay Orly, nawala na ng kusa ang chismis tungkol sa pangongodiko ni Eunice.

Naawa pa nga ang iba sa sinapit ni Eunice at nagpapasalamat dahil hindi ito nangyari sa kanila.

Naging open naman sa mga students ang School Website at kay Jeremy at kay Kate na ibinigay ni Nicole ang pamamahala nito.

Ikinatuwa ito ng mga estudyante at

naging daan pa nga ito para lumabas ang mga iba pang kalokohan ni Orly na pinag gagawa nya sa mga estudyante nya simula nuon.

Malaya kasi nilang napaguusapan ang maraming bagay ngayon dahil walang teacher nasa paligid.

Wala ng naguusap ngayon tungkol sa kodigo at ang lahat ng estudyante ay naka focus sa darating na JS prom night at nabaon na rin sa limot si Yna.

Inaayusan na ang events hall ng school kaya lahat ay excited kahit na ang mga nasa lower grader.

Busy ang lahat ng Junior at Senior student sa pagaayos ng event hall na labis naman na ikinatutuwa ng lahat lalo na ng mga lower grader kahit na hindi naman sila pwedeng umattend.

Kaya pasulyap sulyap na lang sila at padaan daan pag may time para tingnan ginagawa nilang pagaayos.

At ang bago nilang pinagchi chismisan ngayon ay ang date nila Jeremy at Miles sa darating na prom night.

Excited ang lahat!

"Grabe nakaka kilig sila!"

"Bagay na bagay na talaga silang dalawa!"

Pero kung natutuwa at kinikikig ang lahat, kinakabahan naman sila Miles at ang grupo nya.

Pinakikiramdaman nila si Jeremy. Nagtataka sila kung bakit hindi ito nag re react sa ginawa nila.

"Dapat ba tayong magaalala?"

"Paano kung magdala sya ng date sa prom? Anong gagawin natin?"

"Kailangan nating masigurong wala syang date! Sa gate pa lang kailangan ng maihiwalay ang date nya sa kanya!"

"Huwag kang magaalala Miles, nagkausap na kami ng JS committee Head na ikaw at si Jeremy ang magiging King and Queen of the night!"

"Kaya sa bandang huli kayo din ang magiging magka date!"

Nakaplano na ang lahat.

"Last prom ko na 'to kaya kailangan maging akin ka na Jeremy!"

"Sisiguraduhin kong pagkatapos ng prom ako na lang ang babaeng titingnan mo!"

Related Books

Popular novel hashtag