Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 84 - Hirap Maging Girl

Chapter 84 - Hirap Maging Girl

"Ganyan ba talaga kapag nagiging prinicipal ang nanay lumalakas ang loob?"

Sarkastikong tanong ni Alicia.

Napakunot ang noo ni Eunice.

'Anong pinagsasabi nito?'

Nalilito sya dahil sa totoo lang kaya lang naman sya naki join sa usapan dahil may nararamdaman syang nakaka irita sa katawan nya.

Three days na kasi may period pa rin sya!

Sabi ng Mommy nya sa 3 days mawawala na 'to! Pero bakit ganuon, ang lakas pa rin?!

Parang hindi na ata hihinto? nakakairita na sa pakiramdam! Tapos nakakaramdam pa sya ng tensyon dahil baka matagusan sya!

Ang eeeww talaga sa pakiramdam!

Haaist! Hirap maging girl!

Kaya masisi ba natin sya kung feeling nya gusto nyang patulan ang mga haters nya?!

"Alicia... hindi ko ma gets! Anong kinalaman ng pagiging principal ng nanay ko dito?"

"Oonga Alicia, ano bang dahilan bakit ganyan ka kabitter?

Wala namang ginagawa sa'yo ang Sissy ko pero ang bitter bitter mo! Naiinggit ka ba sa kanya?"

Tanong ni Mel.

"At bakit naman ako maiinggit sa kanya? Aber?"

"Dahil maraming nagmamahal sa kanya! Ikaw, may nagmamahal ba sa'yo!"

Nangiinis na tanong ni Mel.

Mukhang nasapol ni Mel ang weakness nito.

Tumahimik si Alicia saka yumuko, pinipilit pigilan ang mga luhang papatak na.

'Huwag kang papatak! Huwag kang papatak!'

Utos nya sa mga luha nyang hindi sumusunod sa kanya dahil gumagawa ito ng sariling daan sa pisngi nya.

Nagtakip sya ng towel. Ayaw nyang makita ng mga classmates nya na umiiyak sya! Na mahina sya.

Biglang tumayo si Teacher Santi, hindi nya inaasahan ito.

"That's enough class!"

"Hinayaan ko kayo na magsalita para madinig natin ang opinion ng bawat isa!"

"Sinadya ko ito para malaman ko kung kaya nyo na ba ng isang class discussion!"

"Nalaman ko kasi last Friday kay Eunice na may group discussion daw sya with Mel, Zandro and Louie!"

Mukha namang maganda ang results ng group discussion nila dahil pare pareho ang grades nila nitong last exam! Perfect!"

"Kaya naisip ko na why not ishare ito sa buong class para lahat sila perfect sa exam!"

"Hindi ba magandang ideya ang naisip nila!"

"Sir, si Eunice po talaga ang nakaisip nyang group discussion! Ginawa nya po iyan para tulungan akong mag review! Tapos nalaman nitong dalawang asungot na to! Ayun nagpupumilit na sumama!"

"Alicia!"

Nagulat si Alicia ng madinig ang boses ni Eunice na malapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa seat mo!"

"Gusto ko lang ibigay sa'yo 'to!"

At iniwan nito ang isang maliit na envelope saka tumayo.

Napansin ni Teacher Santi ang ginawa nito pero hindi nya sinita.

Deep inside gusto nya ring maging friends ang dalawang bata. Makakatulong ito kay Alicia.

Na curious si Alicia sa iniwan ni Eunice sa mesa nya. Kinuha nya ito at palihim na binuksan.

Litrato ito ng isang babae na hindi nya kilala pero pamilyar ang pakiramdam.

Nanlaki ang mga mata ni Alicia dahil parang tinitingnan nya ang sarili nya ng makita ang picture pero sure sya na hindi sya ito.

'Sino ito?'

*****

Sa principal's office.

May mga nag lakas ng loob na magtanong kay Nicole kung bakit naka block sila sa School Website.

"Prinicipal Cole, gusto lang po namin malaman kung bakit naka block kami sa School Website? May nagawa ho ba kaming mali?"

Tanong ng mga nag lakas ng loob na teacher.

Napakunot ang kilay ni Nicole.

"Bakit ako ang tinatanong nyo e simula pa lang nung una naka block na ako sa Site!"

"Nag request ako na mag join pero imbis na inaccept, blinock ako! So bakit ako ang tatanungin nyo e, sa simula pa lang wala na ako dun?"

Napahiya ang mga teacher na nagtanong. Alam nila ang tungkol dito at kung sino ang may gawa nito.

*****

Sa presinto.

Dumating ang lawer ni Ames at nag file na sila ng formal complaint laban sa limang teacher.

Kahit na may pakiramdam si Orly na hindi sya papansinin ni Gob. Pancho, sinubukan pa rin nyang kontakin ito para humingi ng tulong.

"Gob. si Orly po ulit nangungulit! Humihingi ng tulong dahil idinemanda sya ni Ames!"

Boses yun ng assistant ni Gob Pancho.

"Hayaan mo sya!

Masyadong nagiging tinik na sa akin yan! Ang taas na kasing lumipad hindi na maisayad ang mga paa sa lupa!"

"Hayaan mo syang mabulok dyan! Bakit ko sya tutulungan? E di nasira ang image ko!"

"Ang asikasuhin mo ay kung papaano hindi masisira ang pangalan ko sa pinaggagawa ni Orly at ng mga alipores nya!"

"Gumawa ka ng paraan para masupil ang mga balita sa pagkalat!"

"Yes po!"

Ginawa nga nito ang utos ni Gob, pinigilan nya ang bawat balita na lumabas, maliit man o malaki pero syempre hindi papayag ang kampo ni Ames kaya sa bandanghuli kumalat pa din ang balita.

Related Books

Popular novel hashtag