"Tsk, tsk, tsk! Isipin mo nangodiko na nakalusot pa! Hindi man lang na suspinde! Grabe talaga!"
Sadyang nilakasan nito ang boses nya para madinig sya ng mga classmates nya.
Nagulat ang mga classmates nya sa lakas ng boses nya pero sandali lang yun. Bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila at hindi pinansin ang sinabi nya na parang wala silang narinig.
Alam na kasi nila ang totoong nangyari dahil ikinuwento ni Mel.
Gigil na gigil si Alicia sa hindi pag pansin sa kanya ng mga kaklase nya. Feeling nya na kaya ganito ang mga ito dahil nagpapa good vibes sila.
Kaya tumayo ito at lumapit kay Eunice.
"Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa sa school matapos mabalita ang pangongodiko mo!"
"Alicia ngumuya ka ba ng Serpintina kaninang umaga?
Ang bitterness mo kasi sagad hangang buto!"
Sambit ni Mel sa kanya.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko, bakit ka ba sumasabat dyan?"
"Alicia, hindi mo ba napapansin, deadma ka kay Sissy ko! Wala syang time sumagot sa'yo kaya ako na ang sumagot, dahil nagmamagandang loob ako!"
"Nakakaawa ka naman kasi, walang pumapansin sa'yo!"
Tiningnan ni Alicia si Eunice and obviously deadma nga ito sa kanya. Ni hindi man lang sya sinulyapan. Busy ito sa isang libro pero hindi nya alam ang ginagawa nito. Tinuturo lang ng daliri nya mula taas pababa tapos ililipat nya.
Nanlalaki ang butas ng ilong ni Alicia sa galit. Napipikon na sya!
"Hoy ano ba? Kinakausap kita!"
Sabay hampas nito sa balikat ni Eunice pero tinapik lang nito ang kamay nya.
"Aba't....!"
"Anong ibig sabihin nito Alicia? Bakit ka nanggugulo dyan?"
Nagulat sila sa biglang pagpasok ni Teacher Santi ang history teacher nila.
"Wala po Sir, kinakausap ko lang po si Eunice!"
"Kinakausap? E, bakit parang hindi ka naman gustong kausapin?"
Napahiya si Alicia.
"Go back to your seat Alicia at huwag mong iistorbohin si Eunice! May pinagagawa ako sa kanya!"
'Ahh! So kaya pala kanina pa busy sa kababasa itong si Sissy May pinagagawa si Sir!'
'Ano naman kaya ang binabasa nya?'
Nakangiting pinagmamasdan ni Teacher Santi si Eunice.
'Kanina ko lang ibinigay ang libro pero mukhang matatapos na nya basahin!'
Samantalang si Alicia ay nakayukong bumalik sa upuan nya, kinikimkim ang inis kay Eunice.
*****
Gaya ng utos ni Nicole sa Security, dinala nila si Orly sa presinto kasama ang mga alipores nya.
"Bakit nyo ako dinala dito sa presinto anong kasalanan ko?"
"Chief, kayo na po ang bahala sa mga ito, nagpupumilit silang makapasok at nanggugulo sa school!"
"Anong nanggugulo? Kayo itong magulo! Ayaw nyong maniwala sa akin na teacher ako dun!"
"Sir, iwan ko na sila sa inyo!"
Hindi makapaniwala si Chief.
'Anak ng teteng naman, bakit basta nila dinala ang mga ito dito?'
"Chief may dumating pong fax galing sa abogado ni Ms. Ames!"
"Papunta na rin po sila para mag file ng formal complain!"
Sabay abot ng fax at binasa ito.
"Chief, wala akong kasalanan! Maniwala kayo! Pinagiinitan lang ako ng bagong acting principal sa Abellardo Academy! Pakawalan nyo ako dito at patutunayan ko yan sa inyo!"
Pakiusap ni Orly.
"Abellardo Academy?"
Napakunot ng bahagya ang noo ni Chief.
"Sa Abellardo Academy ka nagtatrabaho?"
"Yes Chief! Teacher po ako duon ng Math! Kaya pakawalan nyo na po ako dahil nagsasabi ako ng totoo!"
Nangiti si Orly, nakaramdam sya ng pagasa.
"Pero hindi kita pwedeng basta pakawalan Sir, kasi may reklamo kaming natanggap galing kay Ms. Ames Rosales ang may ari ng AMES ACADEMY!"
Ang sabi dito pinagpipilitan mo daw na Abellardo Academy ang AMES ACADEMY at pinupwersa mo ang mga teacher ng AMES ACADEMY na maniwala na Abellardo Academy ito to the point na ipadukot nyo ang mga teacher para hindi maka attend ng meeting nila!"
"May nakalakip na sworn statement ang mga teacher na pinadukot mo!"
Galit na napatayo si Orly.
"Anong pinagsasabi nila?"
"Chief, huwag kayong maniwala sa kanila! Hindi naman si Ames ang tunay na may ari nyan may maliit lang syang share dyan! Kilala ko ang tunay na may ari ng school na yan at sya ang nag hire sa akin!"
Napataas ang kilay ni Chief.
'Anong pinagsasabi nito?'
Ang mga alipores ni Orly ay tahimik lang na nagmamasid, nakikiramdam. Ayaw nilang makialam dahil ayaw din naman nilang mawalan ng trabaho. At may plano na silang humiwalay kay Orly na nagdadala lang sa kanila sa kapahamakan.
Subalit wala silang kamalay malay na huli na ang lahat.