Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 63 - Sya? Genius?

Chapter 63 - Sya? Genius?

Napaatras si Professor John.

Mahirap paliwanagan ang ganitong klaseng tao.

'Hindi sya marunong tumanggap ng pagkakamali at masyadong mataas ang tingin sa sarili nya!'

"Sir Orly, kalma ka lang! Wala akong plan na I correct ka pero ....napansin ko kasi na napaka unfair mo sa bata!"

"Yes you are the teacher, pero hindi ibig sabihin na dapat ikaw na parati ang tama at solution mo na lang parati ang susundin!"

"You see, geniuses like her have different minds like you, like me, like us! Mas matalino silang magisip kesa sa atin!"

"Anong pinagsasabi mong genius?"

"Si Eunice yan hindi si Kate!"

Mataas na ang boses ni Teacher Orly halatang galit na ito kaya tahimik na ang mga nasa paligid na teacher na kasama nya.

Kilala nila si Teacher Orly, ayaw nito na kinokontra sya. Mapagtanim ito ng galit kahit sa simple at maliliit na bagay! Babalik at babalikan ka nito at gagawa at gagawa sya ng paraan para makaganti!

Tahimik lang din na nakikinig si Kate, Ames at Nicole. Gusto nilang makita ang reaksyon ni Teacher Orly hanggang sa huli. Habang ni rerecord naman ni Mel at Jeremy ang nangyayari.

At si Eunice, wala syang pakialam kung genius sya o hindi! Pero aminado syang gusto nyang patunayan kay Teacher Orly na hindi sya bobo gaya ng inaakala nito.

"Yes Sir Orly, she's a genius! Do you want to know how did I know?"

"Simple! Because of the way she answered the problem!"

"Only geniuses knows how to answer that way!"

"Genius? SYA?!"

"HAHAHAHAHAHA!"

'Napaka tanga naman talaga nitong taong ito, simpleng solusyon feeling nya genius agad ang kaharap nya!'

Nagtataka sila bakit tumatawa si Teacher Orly.

"Sorry Mr. John pero kawawa ka naman hindi mo kayang idifferentiate ang genius o hindi! Hahahaha!"

"So you don't believe that this girl is really a genius?"

Ang mga teacher biglang na curious, kaya napuno ng bulungan ang paligid.

"Genius nga ba si Eunice? Ano sa tingin mo?"

"Kung genius sya bakit hindi natin alam?!"

"Pero nakita naman natin kung paano sya sumagot diba!"

"Asus, yung mga kabisote kaya din gawin yun! Praktis lang!"

Natawa si teacher Erica sa nadidinig sa paligid nya.

'Paano nila makikita na genius si Eunice e sarado lahat ang utak nila kagaya ni Teacher Orly!'

Aminado sya na hindi nya rin alam na genius si Eunice pero alam nyang matalino ito kagaya ng nanay nya na mentor nya at kaibigan.

Dahil lumalakas na ang bulung bulungan, tumayo na si Ames.

"QUIET PLEASE!"

At unti unting humupa ang ingay.

"Professor John totoo ba ang sinasabi mo? Can you prove it!"

Uhmm... well, I think I have a better idea para madali nyong maintindihan!"

"Pwede ko bang ma invite si Kate dito sa harap!"

"Kate tumayo ka dyan, alam kong bored ka na!"

Utos ni Ames.

"Now, everyone here knows that Kate is a genius, kaya gagamitin ko sya to prove na genius din ang batang ito!"

"How?"

"I'm going to give a Math problem and I want them both to answer ng sabay!" "Simple!"

Oonga naman, dahil isang genius si Kate kapag nasagutan din ni Eunice ang problem, pwede nga naman sabihing isang genius na rin sya.

"Okey Professor John do the honor, make it hard, please!"

Sabi ni Ames.

"Kate please dito ka sa left side and Eunice sa right!"

Pag pwesto nila pareho, nagpunta si Professor John sa gitna nila at isinulat ang Math problem na iso solve nila.

"Huh?!"

Nagulat si Jeremy ng makita ang iso solve nila.

"Bakit Jeremy my friend?! Anong problema?"

"Parang ganyan ang itinest namin sa Math!"

"Sigurado ka?!"

Tumango si Jeremy. Hindi sya makapaniwala, saka naalala pa nya ang hirap nya sa pagsagot sa problem na yan!

"Ha? Grabe naman yang friend ni Ms. Ames magbigay ng question! Paano masasagot yan ni Sissy?"

Kinabahan na napatingin si Mel kay Eunice.

'Juskolord, please tulungan nyo po ang Sissy ko!'

"Okey, you may begin!"

Nag umpisa sila ng sabay. Parehong nakatutok sa ginagawa nila at nakatingin naman ang lahat sa dalawa, walang nagsasalita at tanging tunog lang ng marker na isinusulat sa white board ang madidinig na ingay.

Dire diretso lang sa pagsulat si Kate halatang medyo nahirapan sya pero na solve pa rin nya ang problem sa loob ng 7 minutes.

Pagkatapos nyang sumagot, Tahimik syang umalis sa white board at saka naupo upang panoorin ang pinsan nyang si Eunice.

Si Eunice, habang nagsusulat, makikitang butil butil ang pawis nito sa noo, halatang hirap na hirap sya sa pagsolve.

Pero patuloy sya sa pagsulat. Kita mo sa kanya ang hirap pero kita mo rin ang determinasyon, hindi sya sumusuko!

Matyaga silang naghihintay na matapos si Eunice.

Seryoso ang lahat maliban kay Sir Orly na nakangisi lang na pinanonood sila.

'Iyan ang genius? Tsk tsk tsk!'